PICKY 51: I'm Yours

111 4 0
                                    


WARNING! SLIGHT SPG! READ AT YOUR OWN RISK.

KAITEY

   PAGKATAPOS ng dinner ay inihahanda namin ni Mommy ang gift namin para kay Daddy habang nakikipag-usap pa ito kay Kev sa office niya. Siguro ay pinag-uusapan na naman nila ang tungkol sa dokumentong nasa brown envelope na nakita ko kanina.

"Uh, Mommy can you also wrap this for me? May kukunin lang ako" tumango naman kaagad si Mommy kaya mabilis na akong nagtungo sa taas. Dahan-dahang naglakad ako papalapit sa pinto ng office ni Daddy at hinawakan ang door knob nito. Dahan-dahan ko iyong pinihit mabuti nalang ay hindi nakalock. Binuksan ko lang ang pintuan ng kaunti. Iyung sapat lang na maririnig ko ang pinag-uusapan nila.

"Opo, kagabi ko pa po napag-isipan yan ng mabuti" rinig kong sabi ni Kev.

"That's good, mabuti naman at tinanggap mo ang magandang offer kong ito. I want you for my daughter thats why im doing this. Mabuti naman at hindi mo ako binigo" rinig ko namang sabi ni Daddy. Napatakip naman ako saking bibig. Ibig sabihin ba niyan ay tinatanggap na niya ang offer na mag-aral sa ibang bansa? At iiwan na niya ako? Nangilid naman kaagad ang aking luha.

"Mahal na mahal ko po ang anak ninyo at gusto ko pong magsakripisyo para sa kinabukasan namin. Gusto ko pong maging maganda ang buhay niya kasama ako"
Napaiyak na ako at pinigilan ang sarili na makagawa ng ingay.

"You really amazed me young man. Don't worry, ipinapangako kong sayo ang bagsak ng anak ko kahit anong mangyari" there's a hint of amusement in Dad's voice habang sinasabi niya ang mga salitang iyon kay Kev.

"Salamat po, maraming salamat po sa lahat Mr. Min"

"It's Dad. Just call me Dad"

"P-po?"

"I believe in you young man. Alam kong nasa mabuting kamay ang unica hija ko. So just call me Dad. Just like what my wife said earlier. Doon rin naman ang bagsak niyo" gusto kong mapangiti na gusto koring malungkot. Nag halo-halo na ang emosyon dito sa puso ko at hindi ko na alam kung ano ang e-re-react.

"Salamat po sa tiwala....Dad" narinig ko ang halakhak ni Dad at ni Kev at mukhang nagkakasiyahan na sila.

"Oh siya, i will arrange all your papers at documents para mapabilis ang paglipad mo papuntang New York. Kinausap mo na ba ang parents mo tungkol dito?"

"Opo, kahit labag po sa kalooban nila ay tinanggap naman po nila ang magandang opportunity. Gusto ko rin pong sana na bago ako lumipad papuntang ibang bansa ay makauwi po muna ako sa kanila"

"That's good, ikaw ang bahala. Wait are you really sure about this? I mean hindi kita prinipressure na tanggapin ang offer na ito dahil lang sa iniisip ko ang kinabukasan ng anak ko sayo. Pwede ka namang mag back out at aasahan mong wala kang kung anong maririnig sakin"

"Buo na po ang desisyon ko. Tinatanggap ko po talaga itong magandang offer niyo, utang na loob ko po sa inyo ang lahat. Salamat po sa kabutihang binibigay niyo po sakin"

"Alam mo na ang tanging hinihiling ko lang ay ang mabuting buhay ng anak ko sa piling mo at ang parati mo siyang mapasaya dahil ikaw naman ang kaligayahan ng anak ko. Iyun lang ang gusto kung kapalit young man"

That Picky Brat Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon