PICKY 46: Almira

109 3 0
                                    

KAITEY


        MABILIS na napasalampak ako sa sofa dahil sa kapaguran. Binulyawan ko ang mga katulong na kunan ako ng maiinom. Napasandal ako sa sofa at inalala ang mga nangyari ngayung araw. Pagod na pagod ako sa kakasunod kay Kev. Nag-ala stalker na nga niya ako. Iyun ang pinagkaka-abalahan ko this past few days. Ang sundan siya at tanawin sa malayo. Gosh! Ewan ko ba kung ano na ang nangyayari sakin. Buti nalang hindi niya ako napapansin at nakikilala sa pagdidisguise ko.

Tuwing pagkatapos ng klase ay deritso na kaagad ako sa school na pinapasukan ni Kev. Buti nalang at pinapagamit na sakin nila Daddy ang porsche ko kasi nasa legal age na naman ako. Ilang araw ko narin siyang sinusundan at alam kona ang mga schedule niya. Ngayong araw lang talaga 'to ang pinakaiinisan ko.

Habang sinusundan ko kasi siya papauwi sa condo niya ay nagulat ako nung pumasok siya sa isang fast food chain na parang may hinihintay. Nadurog ang puso ko ng makitang tama nga ang hinala kona may ikinatagpo siyang....babae. I don't know who the hell is that girl at ang sarap niyang kalbuhin. Hindi siya pamilyar sakin at mukhang ngayon kolang siya nakita. Kahit hindi gaano kaputi yung babae ay masasabi ko namang maganda yun. But the hell! Ang panget niya para sakin! Simple lang rin ang pananamit nito na tanging shirt at pants lang ang suot. Masasabi kong hindi ata mayaman ang babae dahil sa suot niyang parang binili lang sa Divisoria o di kaya sa mga mumurahing ukay-ukay.

Nasasaktan ako habang nakikita kong masayang nakikipag-usap si Kev sa babaeng yun. Palihim na kinunan ko ng picture yung babae. Patay ka sakin ngayon. Ilang minuto rin ang tinagal nila sa fast food chain na iyon at mas lalo lang akong nagngitngit sa galit ng inihatid pa talaga papasakay ni Kev yung babae. Hindi na ako nakatiis at nagmamartsang pumasok na sa porsche ko at mabilis na nagmaneho papauwi.

May ipinalit na pala siya sakin....masyado naman atang mabilis? Bwesit! Obvious naman na mas maganda pa ako sa babaeng yun! Sino ba talaga ang babaeng yun?! May araw rin yun sakin.

Hindi ko namamalayan na unti-unting pumapatak na naman ang mga luha ko. Grrr kainis! Bakit ba lately ay napakaiyakin kona?! Pag dating naman kasi talaga sa lalaking yun ay napakaiyakin ko!

"Sweetie?! Are you okay?"
Hindi ko napansin na nasa tabi kona pala si Mommy at nag-aalalang nakatingin sakin.
Mabilis na napayakap ako kay Mommy at dun umiyak sa kanya. Hinahagod naman ni Mommy ang buhok ko para pakalmahin ako.

"What's wrong sweetie? Baka may maitulong si Mommy" humarap ako kay Mommy at napanguso. Nag-aalalang nakatingin lang sakin si Mommy.

"Kaya pala hindi niyu magawang sabihin sakin kung nasaan si Kev. Meron na pala siyang iba"
Napakunot naman ang noo ni Mommy.

"What do you mean sweetie?"

"Yeah Mom, i already know kung saan nag-e-stay si Kev"
Nakita ko naman ang pagkagulat sa reaction niya.

"Hindi ganun sweetie. Hindi namin sinasabi sayu kung nasaan si Kev nang dahil sa dahilang yun. Mas makabubuti kung kay Kev mo mismo malaman kung bakit ayaw naming sabihin kong nasaan siya ngayon"
Paliwanag ni Mommy. Mas lalo lang akong naguluhan.

"But i saw him meeting another girl! Nung sinusundan ko siya kanina. Mommy it hurts so much seeing him with another girl"
Napahagulgul na ako ng iyak habang tinatahan naman ako ni Mommy.

"Baka nagkakamali kalang sweetie. Hindi naman ata magagawa yun ni Kev"

"But he did! Galit siya sakin Mommy, sa pang iiwan ko sa kanya! Para naman sa ikabubuti niya ang ginawa ko eh! Hindi naman porket iniwan ko siya ng walang paalam ay hindi kona siya mahal!" Napapasigok na ako habang umiiyak.

That Picky Brat Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon