KEV'S POV.
NUNG mabilis na nagtatakbo papalabas ng venue si Kaitey ay kinabahan ako.
Taena napakamalas ko naman ngayun!.
Marahas na tinanggal ko ang nakalingkis na braso ni Hannah sakin.
"What?! Lets go love. Lets get out to this cheap birthday party!" Pagpaparinig pa niya.
"Bakit mo ba 'to ginagawa?!"
Pabulong lang na sabi ko kay Hannah pero bakas sa boses ko ang galit."Why are you mad at me love? I just give you a favor, na makaalis na ditu" nakangising sabi niya. Nagtagis naman ang bagang ko.
"Kasabwat mo ba si Steven ditu?" Mariin na sabi ko. Nakita ko naman ang gulat na ekspresyon sa mukha niya.
"Of course not! And who the hell is Steven?!" Malakas na sabi niya. Salubong ang kilay na hinanap ng mga mata ko si Steven at mas lalong nagtagis ang bagang ko ng hindi ko siya mahanap.
Pucha! Nakakasigurado akong sinundan na niya kaagad si Kaitey.
"Bawiin mo ang mga sinabi mo kay Kaitey. Hinding hindi kita magiging girlfriend kahit kailan" Humalakhak naman siya.
"Why would i? Lalo na't mukhang napaniwala ko ang uto-utong si Kaitey?" Kung hindi lang talaga siya babae ay baka kanina ko pa siya napag-buhatan ng kamay.
Hindi ko na siya pinansin at nagtatakbo na papalabas ng venue. Narinig ko pa ang pagtawag sakin ni Hannah pero hindi ko na siya pinansin.
Kailangan kong maunahan si Steven na mahanap si Kaitey, baka kung ano-ano na naman ang sabihin nito na makakasira sakin. Gusto ko talagang paniwalaan na magkasabwat itong si Hannah at Steven.
Nagmamadaling tumawid ako ng kalsada hanggang nakita ko nalang ang sarili ko na papunta sa isang maliit na parke na kaunti lang ang tao ngayun.
Mas lalo pa akong lumapit at inilibot ang aking mga mata.
Hanggang makita ko ang isang pigura ng babae na naka gown pa na kulay pink at umaalog-alog ang balikat.
Si Kaitey....
Tumakbo kaagad ako papalapit sa kanya at kaagad na hinawakan ang kaliwa niyang balikat.
Napatigil naman ito sa pag iyak at punong puno ng luha ang mga matang tumingin sakin.
Sumikip naman ang dibdib ko ng makita ang sakit sa mga mata niya.
"K-kaitey"
"Huwag mo akong hawakan"
Malamig ang boses na sabi niya."Hayaan mo naman akong magpaliwanag"
Parang kumakausap ng bata ang tono ng boses ko. Para mapakalma siya."Gusto ko ng umuwi"
"Kaitey! Talagang naniniwala ka kay Hannah? Gaya ng sabi mo puro kasinungalingan ang lumalabas sa bibig niya at isa na ang mga sinabi niya kanina" Napatigil naman siya sa pagtayu at napaupo ulit.
"Hindi naging kami ni Hannah. Napaka imposible naman non, puro kasinungalingan lang ang mga sinabi niya kanina"
"I just want to go home now"
Nakatingin sa kawalan na sabi niya. Napabuntong hininga naman ako.Dahan-dahang naupo ako sa tabi niya at nanginginig ang aking kamay na hinawakan ang isa niyang kamay.
"A-alam kong alila mo lang ako at w-wala akong karapatan na magsinungaling sayu--"
BINABASA MO ANG
That Picky Brat Girl (COMPLETED)
Teen FictionShe is Kaitey Min. Mayaman, maganda, pero kasalungat ng kanyang ugali ang kanyang kagandahang taglay. Pano ang panget kasi ng ugali. Katulad nalang ng pagiging maarte, matapobre, at pagiging spoiled brat dahil sa nag-iisa lang siyang anak ng kanyang...