IBINUGA ko ang usok na nagmula sa sigarilyong hinihithit ko bago naupo sa mahabang upuang gawa sa kahoy. Dinama ko ang pagbaba ng mainit na hangin mula sa lalamunan ko hanggang sa aking baga. I closed my eyes at the peacefulness I felt around me.Tanaw ko ang mga nagsasayawang puno mula rito sa patio. Ang hanging yumakap sa buong paligid ay mas lalong pinagwala sa pagsasayaw ang mga dahon at mga bulaklak sa aming hardin.
The sun was starting to go down. Darkness would eventually reign any moment by now.
Muli akong humithit sa aking sigarilyo. Pinanood ko ang mga papalayong ibon — marahil naghahanda na sa pagtakas sa kagat ng dilim. Sino nga ba naman ang gugustuhing masakop ng dilim? People or even some animals would always prefer to live in the lightness of the world.
People will need a little light at some point of their lives, no matter how much they deny it.
Parang ako. Akala ko'y habambuhay na lamang akong makukuntento sa dilim. But when she came... I learned to appreciate colors. I learned to embrace the light. I didn't know that I needed so much brightness in my life until I met her.
Saktong pagtapak ko sa ubos ko nang sigarilyo ang pag-ring ng aking cellphone. Dinukot ko ito mula sa bulsa ng pantalon ko at parang tangang napangiti bigla nang makita ko ang pangalan niya sa screen.
"Lacey," pagsagot ko sa tawag.
"Quillon!" tuwang-tuwa na naman niyang sinambit ang pangalan ko, bagay na palagi niyang ginagawa. "I miss you already."
I chuckled. I comfortably leaned my back against the backrest of the wooden chair. Ipinatong ko ang paa ko sa isa kong tuhod para mas maging komportable.
"Hmm... you always miss me."
Humagikgik siya. "Syempre! Love kita, e!"
Kung hindi ko pa siguro siya kilala nang lubos, baka ngumiwi na ako sa sinabi niya at binabaan siya ng telepono. Ngunit nasanay na ako sa masayahin niyang ugali. She was always enthusiastic and very child-like.
"Love you, too, Lacey," napapaos kong sagot.
Narinig ko ang mumunti niyang pagngisi. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko sa pag-iisip na malamang ay namumula na naman ang pisngi niya. She then cleared her throat after a few seconds.
"Do you think I can pass the exam tomorrow?"
"Of course, Lacey. Just trust yourself. I'll see you after class?"
"Yes, please. Punta tayo sa bagong ice cream parlor na malapit sa school and—"
Kumunot ang aking noo nang biglang siyang nahinto sa pagsasalita. I even glanced at the screen of my phone to check if she was still on the line. Nang makita sa screen ang tumatakbong minuto ng pag-uusap namin ay muli ko itong idinikit sa aking tainga.
"Lace?"
I didn't hear anything.
"Lacey, are you still—"
"U-Uhm. Quillon, I'll just call you ba—"
Nilisan ng likod ko ang sandalan ng kinauupuan ko nang may marinig akong nabasag na mga kasangkapan sa kabilang linya. I listened attentively. For a second, silence enveloped the line. The stretching silence almost made me deaf.
There was something in the silence that was making me uncomfortable and nervous.
Tahimik.
Wala akong kahit anong naririnig.
Until I heard a gunshot and some muffled voices on the background.
Agad akong napatayo dahil sa gulat. Unti-unting nilamon ng takot at kaba ang dibdib ko sa hindi maintindihang tunog mula sa kabilang linya.
"Solace? Hello! Are you still there? Baby—"
Naramdaman ko ang pananayo ng balahibo ko nang marinig ang malakas na sigaw ni Solace sa kabilang linya. Ang sigaw niyang punong-puno ng takot ay ang huling narinig ko mula sa kaniya bago naputol ang tawag.
"Shit!"
I hurried inside the mansion to get my key fob. Agad akong tumungo sa nakaparada kong sasakyan sa malawak na parking space namin. I immediately contact the authorities while I was driving going to the Montelibanos.
"Hello, Sir. Can you send some police to..." I told them Solace's address. "I think something's wrong in there. Nakarinig ako ng putok ng baril."
"Copy, Sir. We'll send our police near that area."
Tagaktak ang pawis ko. Hindi ako mapakali. Kung maaari ko lamang paliparin ang kotse ko upang makarating agad ako roon ay ginawa ko na. I tried to dial Solace's number, but it was already out of coverage area.
Be safe, Lacey, please...
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hello! Tagal nang nasa utak ko ng story na 'to so 'di na ako nakatiis na i-publish ang prologue haha! This is under General Fiction na may halong mystery, so... sana magustuhan niyo hihi.
Feel free to vote and share your thoughts. Updates will be every week. Lovelots!
-Anne
BINABASA MO ANG
The Death of Solace
General Fiction[NOW AN ACTUAL BOOK. Published under Immac Printing and Publishing House] A soothing world was what Quillon Marqueza has been aiming to have. His life has always been chaotic ever since he was born. Soulless. Dull. Disarray. But when he met Solace...