Chapter 27

2.6K 107 70
                                    


NAGSALUBONG ang mga kilay ko sa natanggap kong mensahe mula sa isa sa mga tauhan ko. Tumikhim ako at muling nagbaling ng tingin sa nagpe-present sa harap. Nang mag-beep ulit ang cellphone ko ay inalis ko ito sa lamesa.

Saka ko lang binasa ang mensahe nang madala ko na ang cellphone sa ilalim ng lamesa.

From Romy:
Sir nakapag-check out na raw doon sa inn na tinuluyan. Di namin naabutan.

Wala sa sarili akong napailing at napabuntong hininga. Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa mga sabi-sabi ng mga nakakita ‘kuno’ kay Solace. Lagi naman kasi kaming walang napapala, e. Sa tuwing pupuntahan namin kung saan daw ito naroon ay wala naman.

Nakakapagod na.

“What do you think, Architect Marqueza?”

Napabalik ang tingin ko sa harapan nang marinig kong tinanong ako ni Engineer Gavin Velleres, Ciello’s cousin. I cleared my throat.

“I think we should add more workers because of the weather. It’s rainy season. The construction might take a bit longer than the estimated months,” I said.

The presenter and Engineer Velleres both nodded. Samu’t-saring opinion at tanungan pa ang nangyari bago natapos ang meeting. Tumayo ako at nakipagkamayan sa mga dumalo sa meeting. Medyo dinaldal pa ako ng iilan kaya hindi agad ako nakalabas ng hall.

“Architect, I will visit the site tomorrow and will discuss a few things with the team. Will you be there?” pahabol ni Engineer Velleres bago ako makalabas.

“Yeah, I will. Eight AM sharp.”

Maurello Rimando Velleres Corp had a new project. Architect Velleres — or Ciello was supposed to handle it together with Engineer Velleres, but the project that she was currently doing were facing a big crisis. She had no choice but to turn down their own company’s project and focused on her current project.

She recommended me instead, so… okay.

I left MRV Corp after the meeting and immediately went back to my office in Vallescas Constructions. I applied here three years ago, right after I graduated. Sabi ni Enrico, kapag daw hindi ako na-hire, siya ang bahala sa akin. Kakausapin niya raw ang mga magulang niya ngunit agad kong inilingan ang ideya niya.

I wanted them to hire me not because the owner of the company was my friend’s parents. I wanted them to hire me because of my skills, not because of connections. Mabuti na lang at na-hire naman ako dahil sa credentials ko kaya hindi na kailangan pa ng tulong ni Enrico. Kung hindi man ako na-hire, tatanggihan ko rin ang pagtulong ni Enrico at sa ibang kompanya mag-a-apply.

Nagtrabaho lang ako sa opisina hanggang sa lumubog ang araw. Pinagbuksan ako ng pinto ni Martin nang marating ko ang parking lot. Siya na ang pinagda-drive ko dahil tinatamad na akong mag-drive kapag umuuwi. Sila lang din ng isang kasambahay ay nag-i-stay sa condo ko upang tugunan ang mga ipinag-uutos ko.

Madami rin ang nabawas sa mga tauhan namin magmula nang mamatay si Papa. Ipinasara ko na rin naman kasi ang mga maduduming negosyo namin kagaya ng gusto niya. Kahit papaano’y tumahimik ang buhay ko dahil wala nang mga nakakaaway. Kaya’t binawasan ko na rin ang mga tauhan namin dahil wala naman nang panganib sa buhay ko.

Agad akong sumalampak sa kama nang matapos maligo. Ibinaling ko sa kanan ang ulo ko at natulala sa mga nagtatayugang gusali na natatanaw ko. Bumuntong hininga ako. Matagal na rin akong umalis sa mansyon namin. Pakiramdam ko’y mas lalo lang akong nalulungkot doon dahil wala na si Papa. It was big and had so many furniture and everything, but still felt so empty.

Binibisita ko na lang ito minsan. Doon din tumitigil madalas ang mga tauhan kong naghahanap kay Solace. Naisipan kong ibenta na lang ito ngunit sa tuwing maaalala ko si Papa ay umaatras ako. Siguro kung maghirap ako, saka lang ako mapipilitang ibenta ito. But I doubt that, though. Papa left a huge amount of money and properties for me. Kahit yata hindi na ako magtrabaho hanggang sa mamatay ako ay hindi mauubos ang mga iniwan niya sa akin.

The Death of SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon