LUMABAS ako mula sa sasakyan namin nang huminto ito sa tapat ng eskwelahan. Isasara ko na sana ang pinto ng backseat na pinaglabasan ko nang magsalita ang driver ko."Sir, anong oras ko po kayo susunduin?"
"Bahala na. Tatawag ako."
I entered the school with only a small body bag around me. My hands were inside me pocket while I was walking, neverminding the stares from almost everyone. Hindi ko na kailangan pang pag-aksayahan sila ng oras na tingnan pabalik dahil alam ko naman nang singtalas ng kutsilyo ang mga tinging ipinupukol nila sa akin.
With all those sharp and judgmental eyes, only a pair of green eyes looked at me with so much tenderness. She was smiling from ear to ear as if she was in the middle of rainbows and all those pastel-colored stuffs.
"Hi, Quillon! Magandang umaga!" Solace cheerfully greeted me.
Iyong wirdo na lalaking kaibigan niya ay pasimpleng hinihila ang laylayan ng uniform niya na para bang niyayaya na siyang umalis. Hindi ito makatingin sa akin na para bang batang takot na takot.
"Get out of my way, Lace," walang emosyon kong saad at humakbang na ngunit hindi siya umalis sa harap ko.
Ngumuso siya at nagbaba ng tingin sa bag ko. Muli siyang ngumiti sa akin.
"May homework ka na sa Filipino? Pakopya ako ng number five!"
Tamad akong bumuntong hininga at napakamot sa aking kilay. Tinaliman ko siya ng tingin sa pag-asang matatakot siya at lulubayan na ako pero nanatili pa rin siyang nakangiti sa harap ko.
Tangina, abnormal talaga 'to.
Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong binubulungan na siya no'ng nerd niyang kaibigan. Mas mukhang ito pa ang natakot sa tinging ipinukol ko kay Solace.
"Solace, ano ka ba? Tara na. B-Baka mamaya kung ano pang gawin niya sa 'yo," nag-aalalang sambit nito.
Nagtagis ang bagang ko. Sinakop ng malaki at magaspang kong kamay ang malambot na braso ni Solace at may karahasan siyang itinabi mula sa daraanan ko. Bahagya siyang nagulat ngunit may kaunting ngiti pa rin sa mga labi.
Iyong kaibigan niya ang akala mong hinawakan ko dahil dinaig pa si Solace sa pagre-react.
"Q-Quillon, bitawan mo siya. H-Huwag mo siyang s-sasaktan!"
"H-Huwag mo siyang s-s-saktan," I mocked. "Tangina, bading!"
Pareho silang napasinghap. Padabog na inalis ni Solace ang braso niya mula sa pagkakahawak ko.
"Quillon, you're so mean--"
"Isa ka pa!" Hindi ko naiwasang duruin siya dahil sa pagkapikon. "Stop annoying me, will you?!"
Her bright face suddenly turned gloomy. She looked at me sadly like a little girl who just got scolded for stealing candies.
Nag-iwas ako ng tingin at napailing na lamang. Nilagpasan ko na sila roon at nagtuloy-tuloy na sa hallway hanggang sa marating ko ang hagdan na maghahatid sa akin sa tamang palapag ng aming classroom.
I threw myself on my seat. I put both of my hands at the back of my head before leaning it on the backrest. I closed my eyes and thought that maybe I could take a quick nap. Wala pa naman ang teacher namin at sana hindi na dumating.
Isang minuto pa lang yata akong nakapikit nang maramdaman kong bahagyang gumalaw ang upuan sa tabi ko. Umusbong na naman ang inis sa aking dibdib dahil nariyan na si Solace. I could smell her sweet scent. I was already used to it because she was my seat mate for a month now. Her scent was already familiar to me.
BINABASA MO ANG
The Death of Solace
General Fiction[NOW AN ACTUAL BOOK. Published under Immac Printing and Publishing House] A soothing world was what Quillon Marqueza has been aiming to have. His life has always been chaotic ever since he was born. Soulless. Dull. Disarray. But when he met Solace...