DAHAN-DAHAN kong naimulat ang mga mata ko nang makaramdam ng pangangalay. Muli ko itong naisara nang sumalubong ang liwanag sa akin. I slowly blinked several times until my eyes got to adjust. Inilibot ko ang paningin sa kinaroroonan ko.The walls were white. There was a sofa nearby and a TV in front of it. My brows furrowed when I heard a sound.
Nilingon ko ang tumutunog na makina sa gilid ko at nakita ang mga gumagalaw na linya roon. Nawala lang ang tingin ko roon nang may maramdaman akong gumalaw. Nagbaba ako ng tingin kay Ciello na natutulog. Nakapatong ang ulo niya sa gilid ng kama ko habang nakaupo siya sa monoblock.
Huminga ako nang malalim at pinakiramdaman ang sarili. Masakit ang ulo ko at nangangalay ang buong katawan. Napasinghap ako nang maalala ang pagbangga ko sa poste.
Tangina, buhay pa pala ako.
Muling gumalaw ang ulo ni Ciello. Ginalaw ko ang kamay ko at sinubukan siyang tawagin kahit nanghihina pa.
"C-Ciello..." Ginalaw ko muli ang kamay ko.
Tumama ang likod ng palad ko sa mukha niya kaya kumunot ang noo niya. Doon na siya napamulat ng mga mata na agad nanlaki nang mapatingin sa akin.
"OMG, you're awake! Nurse! Nurse!"
Ngumiwi ako sa pagsigaw niya at sinamaan siya ng tingin.
"Ang ingay mo," nanghihina ko pa ring saad.
Bumaling siya sa akin nang may ngiti na sa labi.
"Gago ka! Alam mo bang ilang araw ka nang walang malay? What the fuck were you thinking? Martin said that you were speeding too much kaya hindi ka nila maabot-abutan! Hanggang sa 'yon, nakita na lang nilang nakabangga na sa poste ang kotse mo! Gago!"
"Ang ingay..." tanging nasabi ko sa sunod-sunod niyang litanya.
Dadakdak na naman sana siya ngunit may pumasok nang nurse at sumunod ay doktor. Ipinaliwanag sa akin ng doktor na nagtamo ako ng minor injury sa ulo dahil sa paghampas nito sa salamin. Mabuti na lamang daw ay nadala agad ako sa ospital dahil baka sobrang daming dugo ang nawala sa akin.
Sa kalagitnaan ng pagsasalita ng doktor ay dumating si Papa. Hindi na agad maganda ang ekspresyon ng mukha nito nang tumingin sa akin. Alam ko na kung bakit.
Kinausap din ng doktor si Papa para sa iilang paalala tungkol sa pagpapagaling ko. Nang makaalis ang mga doktor ay mariin akong tiningnan ni Papa na para bang handa nang magbuga ng apoy. Umiwas ako ng tingin.
"Hija, do you mind?" marahang pagpapalabas ni Papa kay Ciello.
"No, Tito. I'll leave you two for a while." Ngumiti ito bago umalis.
Nang makaalis ito ay nagsimula na agad si Papa sa mga litanya niya. Hindi ko na lamang siya tiningnan dahil sawang-sawa na ako.
"Surprise that you're not yet dead?" sarkastiko niyang tanong.
I chuckled without any humor. Tulala lang ako sa pader.
"Pinché idiota. Hanggang kailan mo babalaking magpakamatay? Halos araw-araw na lang ay nasa bingit ka ng kamatayan, punyeta!"
Nanatili akong walang imik at hindi siya tinitingnan. Hindi ko na sasabayan pa ang galit niya dahil alam ko namang ako ang mali. Alam kong pagod na pagod na siyang intindihin ako kaya iniintindi ko na lang din ang galit niya.
"Alam kong hanggang ngayon ay hindi mo pa rin matanggap ang pagkawala niya pero lintik, Quillon! Hindi titigil ang mundo kung wala siya!"
Iyon nga, e. Hindi tumitigil ang mundo pero parang tigil ang akin. Nang mawala si Solace ay nawalan ako ng amor sa lahat ng bagay. 'Yong makulay na mundong ibinigay niya sa akin ay naging itim. 'Yong kapayapaang ipinaramdam niya sa akin ay tila isinama niya sa pagkawala niya.
BINABASA MO ANG
The Death of Solace
General Fiction[NOW AN ACTUAL BOOK. Published under Immac Printing and Publishing House] A soothing world was what Quillon Marqueza has been aiming to have. His life has always been chaotic ever since he was born. Soulless. Dull. Disarray. But when he met Solace...