NATIGILAN ako at natulala lang kay Solace matapos kong marinig ang sinabi niya. Unti-unting nawalan ng ekspresyon ang mukha ko. Ang pinaghalong sakit at pagkabigla ay tila nagpamanhid sa akin.Pinisil niya ang kamay kong hawak niya bago ito binitawan. Itinakip niya ang mga kamay niya sa mukha niya at doon nagpatuloy ng iyak. Rinig na rinig ko ang sakit sa bawat paghikbi niya.
Sa pagkurap ko ay muling nagbagsakan ang mga butil-butil ng luha sa pisngi ko. Napalunok ako upang pigilan ang pagbuhos ng sakit na nararamdaman.
"Kailan pa?" kahit nanghihina ay nagawa ko pa ring itanong.
Hindi siya agad nakasagot dahil sa walang humpay na pag-iyak.
"Kailan ka pa kasal, Lace?" ulit ko, bahagyang tinaasan ang tono.
"I-I've been married for two years," she managed to answer in between sobs.
Isang beses akong tumango. Sa pag-iwas ko ng tingin ay hindi ko na nakayanan ang pagpipigil sa sakit na nararamdaman. Kumawala ang hikbi na naipon sa dibdib ko.
"Wow," I sarcastically uttered. "I didn't expect that it would be like this."
Tila kami nagpapalakasan ng iyak. Ang madilim na paligid ay parang mas lalong dumidilim dahil sa mga pagtangis namin.
"It was like f-found you... only to be broken."
"I'm sorry... S-Sorry."
Isinandal ko ang isang braso ko sa punong katabi ko at idinikit ang luhaan kong mga mata roon.
"I searched for you for nine years. I've waited for you," Hindi ko mapigil ang mga hikbi ko. "W-Why would you do this to me?"
"I f-fell in love. And the love I feel for him is way different from the love I had for you. I loved you then... but it wasn't the kind of love that would make me selfless. T-That love was innocent, but not pure."
Nanatiling nakadikit ang mga mata ko sa aking braso habang pinakikinggan siya. Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang tingnan. Mas nasasaktan lang kasi ako kapag tumitingin ako sa kaniya.
"I was young... and so was my heart. Hindi sapat 'yong pagmamahal na meron ako para sa 'yo para p-piliin ka." Halos hindi ko na siya maintindihan dahil sa pag-iyak niya. "Mas pinili kong mabuhay ng tahimik. Mas pinili kong unahin ang sarili ko. A-And I'm sorry if I was that s-selfish. Kasi 'yong klase ng pagmamahal na naramdaman ko para sa 'yo... hindi kayang hamakin lahat, hindi kayang magtiis, hindi kayang manatili."
Humugot ako ng malalim na hininga. Ni hindi na ako nakakahinga nang maayos dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman. Pinunasan ko ang mga mata ko kahit walang humpay sa paglabas ang mga luha. Muli ko siyang tiningnan.
"I get it," I said. "Y-Your love for me was shallow. It's not deep as how deep my love for you is."
Suminghap siya at muling napahikbi. Kitang-kita ang lungkot at sakit sa mga mata niya ngunit alam kong hindi para sa sarili niya... kundi para sa akin.
"Hindi ko alam kung pang-ilang s-sorry ko na 'to, pero hindi ako mapapagod mag-sorry sa 'yo. Pasensya ka na kung mababaw lang 'yong pagmamahal ko. P-Pasensya na rin kung nagmahal ako ng iba. Ilang taon akong mag-isa. Ang hirap. Ang lungkot. K-Kaya hindi ko na napigilang mahulog kay Javier. Siya lang 'yong laging nandiyan para sa 'kin. T-Tinulungan niya 'kong makabangon."
"Naging mag-isa lang din naman ako, Solace. Mahirap nang wala ka. Malungkot. Pero kahit kailan hindi ako nakaramdam ng pagmamahal para sa iba."
Malungkot siyang ngumiti habang ang mga luha ay patuloy na naglalandas sa pisngi.
BINABASA MO ANG
The Death of Solace
Ficção Geral[NOW AN ACTUAL BOOK. Published under Immac Printing and Publishing House] A soothing world was what Quillon Marqueza has been aiming to have. His life has always been chaotic ever since he was born. Soulless. Dull. Disarray. But when he met Solace...