TUWANG-TUWANG inilahad sa akin ng Science teacher namin ang na-check-an niya nang long quiz namin noong nakaraan. Tumaas ang kilay ko dahil sa pagtataka sa inaakto niya. Nalaman ko ang sagot nang magbaba ako ng tingin sa papel kong ibinalik niya.25 over 30.
"Let's give a round of applause for Mr. Marqueza for having one of the highest scores!" masayang anunsyo ng teacher namin.
Walang pakialam akong bumalik sa upuan ko sa gitna ng palakpakan nila. Tss, ang ko-korni.
"Good job, Mr. Marqueza! Ipagpatuloy mo 'yan hanggang fourth quarter," muli akong pinuri ni Ma'am.
"I'm so proud of you, Quillon!" si Solace naman ngayon.
I just smiled at her to at least appreciate her compliment because seriously? I didn't care about this fucking score. What the hell was the big deal? Mataas man 'yang score na iyan o mababa, pakiramdam ko ay wala namang kailangang ipagdiwang doon.
Masyado akong nasanay na walang pumupuri sa akin sa ganitong mga bagay kaya ngayon ay para bang hindi ko pa matanggap.
Nang matapos ang huling klase namin para sa araw na ito ay sabay kaming lumabas ng 4th year building ni Solace. Her fingers crawled on mine while we were walking. I squeezed her hand and even though I badly wanted to bring it on my lips, I was still able to control myself.
Everyone was watching us like we were in some sort of a movie. Ayoko nang dagdagan pa ang dahilan nila ng panonood.
"Ang galing-galing mo talaga, Quillon! See? All you have to do is to review your notes."
I chuckled. I looked at her and grinned.
"Thanks to my very cute study buddy. Hindi ko maipapasa ang lahat ng quizzes ko kung hindi mo ako sinasamahang mag-aral."
She giggled and stole a kiss from my cheek.
Nang muli akong tumingin sa paligid ay marami pa rin ang nakatingin sa amin. May mga masasama ang tingin at mayroon din namang parang natutuwa sa amin.
"Sana all may jowa! Ang guwapo ni Quillon!"
"Nakakainggit sila. Sobrang sweet!"
Lihim akong napangisi. Sa iilang natatamo kong papuri, ito pa lang ang gusto kong ipagmalaki. Having Solace as my girl was the very first thing that I was ever proud of.
Kaya sige lang, mainggit lang kayo.
Bumagal kami sa paglalakad nang tumunog ang cellphone ni Solace kaya kinailangan niyang kunin ito sa kaniyang bag.
"Hello, Chelsea?" pagsagot niya sa tawag.
Malapit na naming marating ang parking lot kung saan nakaparada ang driver ko. Tulad ng nakagawian na ay ibababa muna namin si Solace sa kanila at saka pa lang kami makakauwi ng driver.
"Hindi ko alam, e. Baka na-low bat siya." She nodded. "O, s-sige, ako na lang ang magsasabi kina Uncle."
Sandali pa siyang nakinig sa kabilang linya bago siya umirap at padabog na ibinalik ang cellphone sa bag. I watched her closely with curious eyes.
"Who was that?"
"My stepsister. Ako na lang daw ang magsabi sa tatay niya na pupunta siya ng party ngayon."
Tumango ako. Nagpatuloy siya sa nais niya pang sabihin.
"Malamang ay magkakasama na naman sila noong iilan niyang lalaking kaibigan. Kung 'di ba naman malandi."
Bahagyang kumunot ang noo ko nang mahimigan ko ang tono na bibihira ko lamang marinig mula sa kaniya. Sanay ako na palagi siyang tunog masaya at maamo. Hindi ngayon na may halong sarkasmo, diin, at pagkamuhi.
"Ma-gang rape sana siya roon," dagdag pa niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Hindi ko inaasahan na manggagaling sa kaniya ang ganoong mga salita. Ni hindi ko kailanman inisip na makakapagsabi siya ng ganoon sa kapwa niya dahil kilala ko siyang sobrang bait.
"Solace!" nasaway ko siya dahil sa gulat ko.
Humalakhak siya at hinampas ako sa tiyan. Para bang ikinatuwa niya pa ang reaksyon ko.
"Ito naman! Of course, it's a joke!"
"Well, it's not a good joke," sagot ko.
Ngumuso siya at tumawa rin kalaunan. Parang biglang bumalik iyong Solace na masayahin at makulit. Niyakap niya ang braso ko at isinandal ang ulo niya sa aking balikat.
"I didn't mean that," dagdag pa niya.
Nanatili ang mapanuri kong tingin sa kaniya. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang matalim niyang pagngisi sa kawalan.
*****
"Bye, boyfie!" Solace adorably bid me goodbye when we finally reached their house.
She threw her arms on my neck to hug me tight. I also hugged her and kissed her on her temple. Nang bumitiw siya ay pinaulanan niya ako ng halik sa buong mukha ko. Hindi ko naiwasang matawa at siilin siya ng mariing halik sa labi dahil sa panggigigil sa kalulitan niya.
"You naughty girl." I smirked.
Humagikgik siya. "I love you."
I smiled tenderly and kissed her one more time. This time, it was slow and passionate.
"I love you," tugon ko.
Nang makababa na siya ng sasakyan at makapasok sa kanilang bahay ay lumarga na kami ng driver ko. Ang driver kong laging patay malisya sa tuwing naglalambingan kami dito ni Solace sa backseat.
Kalagitnaan ng biyahe ay nagulantang ang inaantok kong mga mata sa mga putok ng baril. Rinig kong ang kotseng kinasasakyan namin ang pinapatamaan ngunit dahil bullet proof ay walang ni isang balang tumagos.
"Mierda! Sino ang mga putanginang 'yan?!" singhal ko sa driver ko na pilit iniiiwas ang sasakyan namin sa panggigitgit ng isang puting van.
"Iyan ho 'yong van na sumugod din sa mga tauhan natin noong nakaraan, Sir! Mga tao 'yan ni Sandejas!" pagtutukoy niya roon sa negosyanteng dinaya namin sa casino kamakailan lang.
"Ano?! Paano tayo nasundan?!"
Hindi na sumagot ang driver ko dahil abala ito sa kakaiwas na magitgit. Nagtagis ang bagang ko at nanlisik ang mga mata. Umangat ako at kinuha sa likod ng backseat ang isang armalite na naroon.
Nang maihanda ito ay binuksan ko ang pinto at inilabas ang kalahati ng katawan ko habang nakatutok ang baril sa van. Bukas ang isang bintana nila dahil na rin sa pagpapaputok sa amin kaya agad kong pinagbabaril ang mga nakita kong tao sa loob.
Magbubunyi na sana ako kung hindi lang may isang balang tumagos sa aking balikat. Wala akong nagawa kundi isara ang pinto dahil baka hindi lang iyon ang maging tama ko.
"Kieta el!"
Nagbaba ako ng tingin sa dumudugo kong balikat at muling napamura. Kailangan kong makausap si Papa tungkol sa insidenteng ito.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Death of Solace
General Fiction[NOW AN ACTUAL BOOK. Published under Immac Printing and Publishing House] A soothing world was what Quillon Marqueza has been aiming to have. His life has always been chaotic ever since he was born. Soulless. Dull. Disarray. But when he met Solace...