Chapter 4

3.5K 161 26
                                    


TITIG na titig ako sa mukha ni Solace habang masaya siyang nagkukwento sa akin ng kung ano-ano na namang mga bagay. Hindi ko maiwasang titigan siya kahit na wala naman akong pakialam sa mga pinagsasasabi niya.

I was irritated at her, but I wasn’t a hypocrite. It was true that she’s really pretty that was why I couldn’t get my eyes off her.

“Gusto ko ring magpunta sa Canada. Sabi kasi ng mama ko, Canadian daw ‘yong tatay ko, e. I never really got the chance to meet him. All I had since birth was my mom until she met Uncle Theodore and they got married. I was six that time. It was also the start of hell for me.”

Now that she mentioned about her family, I got curious again. Magmula noong nakita ko siyang unang beses na nagalit at bigla-biglang nagkwento sa akin ng tungkol sa kaniyang pamilya, hindi na natigil ang kuryosidad ko.

Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang mas makilala pa nang lubos bukod sa pagiging “seatmate” at “classmate” niya sa akin. Maybe because of her sudden shift of mood and attitude? ‘Cause I didn’t really expect that she could think ill of her family.

Hindi ko pa nga siya kailanman nakikitang sobrang nagalit dahil sa bait niya at pagkamasiyahin. Tapos bigla ko siyang makikita at mariringgan ng mga bagay na gano’n? I just found that really… interesting? Or it creeps me out to the point that my curiosity got bigger and bigger?

“Why? Your stepfather’s hurting you?” hindi ko na naiwasang magtanong.

Bumuntong hininga siya at malungkot na nagbaba ng tingin sa kaniyang plato. Para bang bigla siyang nahiya at natakot magkwento.

“Hmm… a bit. S-Sometimes he’s pinching me, pulling my hair and pushing me. A slap on the face m-most of the times.”

Bumigat ang dibdib ko at unti-unting dumilim ang mga mata. For a girl whom I’ve known for being always happy, it was a shock to know that she was experiencing cruelty.

Namuo ang galit sa dibdib ko. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ako apektado dahil hindi naman dapat. Wala dapat akong pakialam. Para sa isang taong nabuhay na sa kasamaan buong buhay nito, talagang hindi ko maintindihan kung bakit ako nakakaramdam ng galit para sa karahasang natatamo ng isang kaklase lamang.

“Kaya nga minsan, parang gusto ko na lang talagang lumayas,” malungkot niyang dagdag.

“Bakit hindi mo gawin?”

Napatingin siya sa akin at malungkot na ngumiti.

“Saan naman ako pupunta? I still cannot live on my own, I know that. If there’s just a good God-oriented family that is willing to adopt me, hindi na ako magdadalawang isip na magpa-ampon.”

“Paano kung wala? You’ll just gonna stay with them until you die because of your fucking stepfather’s violence?” mariin kong tanong.

Bumuntong hininga siya at pumangalumbaba.

“E ano ngang gagawin ko? As much as I want to run away, I can’t because I have nowhere to go to. I still couldn’t provide for myself for I am still a student.” Nagkibit siya ng balikat. “Ewan. Araw-araw ko na lang sigurong hihilingin na mawala na sila. Baka sakaling matupad.”

Napainom ako ng tubig at mataman siyang tinitigan.

“Naku! Malapit na palang mag-one pm, Quillon! Baka ma-late tayo, tara na!” yaya niya sa akin pagkatapos tumingin sa kaniyang relo.

I scowled at her. “Mamaya na. Lagi namang late dumating ‘yong si Ma’am. O kung gusto mo, mauna ka na. Mamaya pa ako papasok.”

“Hmm! Ayoko nga! Baka mamaya hindi ka na naman pumasok, ‘no! Dito lang ako at babantayan kita. Sabay tayong papasok!”

The Death of SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon