KUMIROT ang dibdib ko dahil sa malakas na pagpintig nang magtama ang mga mata namin ng babaeng una at tanging minahal ko. Kinalma ko ang paghinga ko. Nag-iwas ako ng tingin dahil sa halo-halong emosyong lumulukob sa dibdib ko.Hindi ko alam kung anong dapat kong gawing aksyon. Tangina.
Nabigla ako.
Muli akong napatingin sa kaniya nang makita ko sa gilid ng mga mata ko ang mabagal niyang paghakbang palapit sa akin. Pinakawalan ko ang naipong hininga sa dibdib ko.
I slowly walked towards her, too, with my hands still on my pockets. I stopped when there was already enough distance between us. She stopped, too, but stepped twice eventually.
Muli akong nagpakawala ng hininga habang diretso lang na nakatitig sa kaniya. Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko akalaing makikita ko siya rito. Sobra akong nagulat na halos hindi ako makagalaw man lamang ngayon.
"Hi." She smiled a bit.
Nanatili ang tingin ko sa kaniya. Nagpapaikot-ikot sa isipan ko ang napakaraming tanong. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula.
Gustong-gusto ko siyang makita pero ngayong nasa harap ko na, para akong naging pipi bigla.
Tila ako nabunutan ng tinik nang sa wakas ay nakita ko na siya... pero hindi ko akalaing magiging ganito kasakit para sa akin ito.
Mabilis kong sinuri ng tingin ang kabuuan niya bago ko muling ibinalik sa kulay dahong mga mata niya. She got taller a bit. Her whole appearance was now far from the teenage Solace I've met in high school. She looked so womanly now. Her hair was now until her waist when it was just above her chest before. The almost paper white skin she had before became golden tan.
The only thing that didn't change was her face. Until now... it still screamed purity and calmness. She still looked so soft. The living proof of the word 'solace'.
Also... she was still wearing the gold bracelet I gave to her.
Ikinurap ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Nagliliwaliw ang mga mata niya sa kabuuan ng mukha ko na para bang pilit inaalala ang mga bagay na kinasanayan niya noon. Her lips parted when she inhaled a deep breath.
"P-Payakap naman, o?" she smiled again, a bit hesitant.
Bahagyang kumunot ang noo ko sa pagkapal ng mga luha na pilit kong pinipigilan habang nakatingin sa kaniya. When she saw the tears in my eyes, like a trigger, tears also started to pool in her eyes.
Bago pa tumulo ang mga luha ko ay hinila ko na siya upang mayakap. Agad niyang ipinulupot ang mga braso niya sa leeg ko. Pinakawalan ko ang mga luhang kanina pa nagpupumilit lumabas. I closed my eyes as I cried harder on her neck. She was also crying her heart out on my shoulders.
Nang humigpit ang yakap ko ay humigpit din ang kaniya. Para kaming nagpapalakasan ng iyak. Hindi ko alam na magiging ganito kasakit 'to.
"W-Where have you been?" I managed to ask in between sobs.
Humigpit ang yakap niya sa akin. "I'm s-sorry..."
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nakatayo roon at magkayakap. Iilang tao na ang umalis at dumating. Nakita ko si Ciello na tila hinahanap kung nasaan ako. Nang nasulyapan ang direksyon namin ay sandali niya kaming pinagmasdan. Hindi ko alam kung may napagtanto siya nang dahan-dahan siyang umatras at tumalikod. Mabagal na naglakad palayo.
Nang maramdaman kong bumibitaw na si Solace sa yakap ay mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko. Sandali pa kaming nanatiling gano'n bago ko napapayag ang sarili ko na unti-unting bumitiw sa yakap.
BINABASA MO ANG
The Death of Solace
General Fiction[NOW AN ACTUAL BOOK. Published under Immac Printing and Publishing House] A soothing world was what Quillon Marqueza has been aiming to have. His life has always been chaotic ever since he was born. Soulless. Dull. Disarray. But when he met Solace...