NARINIG ko ang galit na boses ni Papa kasabay ng pagkabasag ng iilang mga kagamitan. Nang tuluyan akong nakapasok sa living room ay nakita ko ang iilang mga tauhan namin na pare-parehong nakayuko habang dumadagundong ang boses ni Papa.“Mga bobo! Paanong nakalusot sa inyo ang mga pekeng droga na ito? Hindi ninyo chineck nang maayos?!”
Ilang sandali muling katahimikan mula sa mga tauhan bago may naglakas ng loob na magpaliwanag. Lumapit ako sa tabi ni Papa. Hindi niya ako binalingan at nanatili lamang ang nanlilisik na tingin sa nagsasalita.
“Chineck naman ho namin, Sir. Kaya lang, iyong mga nasa ilalim ang hindi namin gaanong napagtuunan ng pansin. Hindi namin nahalatang asin lang pala ang—“
“Kieta el estupido!”
Hindi na ako nagulat nang bumunot ng baril si Papa at pinasabog ang ulo ng tauhan niyang iyon. Talsikan ang dugo at iilang laman sa sahig at sa mga tauhang nakapaligid. Umatras ako kahit pa wala na rin namang silbi dahil natalsikan na rin ang uniporme ko.
Mierda!
(Translation: Shit!)
“Mga hijo de puta! Hindi na dapat maulit pa ito, kundi ay isusunod ko kayo sa punyetang ito!” muli niyang pinaputukan iyong tauhang nakalupasay na sa sahig at wala nang buhay.
Nang tumalikod siya ay nagtuloy-tuloy siya sa magara naming hagdan. Nanatiling nakayuko ang mga tauhan habang iyong iba ay sinimulan nang dispatsahin ang bangkay.
“Linisin niyo na ‘yan. Huwag niyo nang galitin pa lalo si Papa,” utos ko.
“Opo, Sir.”
“Quillon, sumunod ka sa opisina ko.”
Nag-angat ako ng tingin nang marinig kong muli ang ma-awtoridad na boses ni Papa. Tuluyan na siyang nakaakyat sa ikalawang palapag.
I heaved a silent sigh. One last look on our men and I immediately went upstairs. I’ve already got a feeling what would our talk be all about. Mukhang sa akin na naman niya ipaaasikaso ang pandarayang ginawa sa amin ng isang kilyente.
Pagpasok ko sa kaniyang opisina ay naabutan ko siyang katatanggal lamang ng kaniyang puting polo. Pinunasan niya ang mukha niyang may mga bahid ng dugo bago pagod na sumalampak sa kaniyang swivel chair.
My father, Giovanni Marqueza was the very first demon I’ve met in this world. I grew up witnessing his evilness. He made me use seeing him killing people, using prohibited drugs, and doing monkey businesses.
Hindi ko alam kung bata pa lang ba siya ay sadyang demonyo na siya o may dahilan ang pagiging ganito niya. Iisang bagay lamang ang maaari kong isipin kung bakit siya naging ganito pero sa sobrang kahayupan niya’y baka hindi naman iyon sapat na rason.
He gave me the right to know things about my mother — how they met, how she was as a mother when I was a child, and up until how she was killed.
Sabi niya’y pinatay si Mama ng nakalaban niya noon na marumi ring negosyante. Pinagbabaril habang minamaneho ang isang sasakyan. Tatlong taong gulang lang daw ako noon kaya wala pang malay sa ganoong pangyayari.
But then this old maid we had before when I was thirteen told me another story. She told me that my Mama got kidnapped by this enemy of Papa — got raped multiple times by the men who abducted her and got brutally killed. Hubo’t hubad at tadtad ng saksak nang ibinalik kay Papa.
I just… didn’t know if it was true. Because if it was, there was really a reason for him to be this evil all his remaining life. Ni hindi ko pa siya nakikitang naging masaya buong buhay ko. Purong galit at kasamaan ang ipinapakita sa lahat.
BINABASA MO ANG
The Death of Solace
General Fiction[NOW AN ACTUAL BOOK. Published under Immac Printing and Publishing House] A soothing world was what Quillon Marqueza has been aiming to have. His life has always been chaotic ever since he was born. Soulless. Dull. Disarray. But when he met Solace...