Chapter 11

2.8K 162 41
                                    


NAGULAT ang mga tauhan namin nang makitang duguan ako gawa ng tama ng bala ng baril na natamo ko sa aking balikat. Nagtuloy-tuloy ako papasok sa malaking double doors ng mansyon.

"Nasaan ang Papa?"

"Nasa hardin po, Sir," sagot ng isa sa mga tauhan.

Magtutungo na sana ako roon ngunit naunahan na ako ng pagpasok ni Papa sa living room. Kumunot ang kaniyang noo at nagbaba ng tingin sa dumudugo kong balikat.

"What happened to you?"

Inis akong napasuklay sa aking buhok at nagpalakad-lakad. Hanggang ngayon ay bahagya pa rin akong gulat sa nangyari. Namamayani pa rin sa aking dibdib ang galit.

Ang lakas ng loob ng mga animal na 'yon na sumugod at paulanan ng bala ang sasakyan ko! Palibhasa'y nakita nilang kami lang ng driver ko at walang kasamang mga tauhan.

"Sinundan ako ng mga tauhan ng Sandejas na 'yon at pinagbabaril ang sasakyan ko!"

"Ano?!" gulat na pahayag ng aking ama.

"Ang mga putanginang 'yon," I hissed before I turned my sharp eyes on my father. "I thought that everything is alright now between you and that Sandejas? Ang sabi mo'y naayos na, hindi ba?"

Napahilot siya sa kaniyang sintido at malalim na napabuga ng hininga na para bang stress na stress.

"That was what I also thought, hijo. Ngunit tuso pala ang de putang iyon. Nalaman ko na kinukuha niya lamang ang loob ko upang mapapayag ako sa proposal na inaalok niya. Malaki ang makukuha niyang parte sa kompanya natin kapag pumayag ako at gagamitin niya iyon upang maghiganti at pabagsakin tayo."

I laughed without any trace of humor. I was expecting so much from my father regarding these things. Hindi ko akalaing ganito siya kadaling mauuto.

"And you really believed that?" hindi makapaniwala kong tanong.

"I did--"

"What the fuck, Pa!" My voice thundered. "We were the one who fooled them in the casino and you really expect that they will let it pass just like that?"

Mukhang hindi na rin natutuwa ang ama ko sa tono ng bose ko dahil masama na ang tingin niya sa akin. Hindi ko lang mapigilan ang pagbuhos ng galit. Muntik na akong mamatay kanina! Wala akong ibang kasamang tauhan kundi ang driver ko. Kung hindi pala bullet proof iyong sasakyan ko, malamang ay hindi na ako humihinga ngayon.

"Kaya nga ginagawan ko na ng paraan. Hindi ko lang akalain na mauunahan nila tayo sa pagsugod."

My jaw clenched. I averted my gaze to control myself from punching him. This stupid man! Madalas kasing padalos-dalos kaya minsan ay nabubulilyaso kami!

"Don't worry, I will send our men to the Sandejas' residence this night. Sisiguraduhin kong matatapos na ang problema natin sa kanila ngayong gabi."

*****

"Are you okay?" tanong ni Solace sa kabilang linya.

Tumagilid ako sa pagkakahiga habang ang cellphone ay nasa ibabaw pa rin ng aking tainga. Tahimik akong napangiwi nang muling kumirot ang balikat ko.

Ipinatawag ni Papa ang personal doctor namin kanina kaya nagamot na ang tama ng bala at nalagyan na rin ng gasa.

"Yeah."

I didn't tell her what happened. I didn't want her to worry. And as much as possible, I wanted to spare her from this evil part of my life. She should never be dragged to this.

"Something's off with your voice. I don't know," she added.

I silently heaved a sigh. Truth is... I felt worried. Not for me. Not for Papa. Not for our possible fall down. I was afraid for Solace and I. I was afraid for her.

The Death of SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon