NAGISING ako nang maramdaman kong may umaakay sa akin. Gamit ang lasing na mga mata ay nakita kong nakaakbay sa akin si Enrico at si Ciello ay inaalalayan din ako. Napakapit sa baywang ko si Ciello nang akma akong matutumba. Natawa ako."Tangina mo," mura niya sa akin.
Nakita ko ang paglapit ni Martin at nang iilan pa naming tauhan.
"Anong nangyari?"
"Sobrang lasing tapos may nakaaway sa bar," si Iñigo ang sumagot.
Ipinasa nila ako kay Martin at agad namang umalalay sa akin ang ilan pang mga tauhan. Hindi ko na halos narinig ang pagpapaalam nila Ciello dahil sa pag-ikot ng paningin ko. Gusto ko na lamang ibato ang sarili sa kama.
"Señor, narito na po si Señorito!" Martin announced.
Nakarinig ako ng nabasag na para bang ibinato. Pagkatapos no'n ay bigla ko na lamang naramdaman ang malakas na pagsuntok sa mukha ko. Nabitawan ako nila Martin dahil sa paghandusay ko sa sahig.
"Putangina, Quillon! Punong-puno na 'ko sa 'yo! What the fuck are you doing with your life? Tingnan mo nga ang sarili mo!" bulyaw ni Papa.
Nanatili akong nakalupasay sa sahig at pilit nagbibingi-bingihan.
"Kung sakaling bumalik siya, sa tingin mo ba matutuwa siya kapag nakita kang ganiyan? Sa tingin mo babalikan ka niya kapag nakita niyang patapon ka na?!"
Umigting ang panga ko ngunit nanatili pa ring tahimik.
"Ayusin mo ang buhay mo, putangina! Huwag mong itapon ang buhay mo nang dahil lang sa isang babae!"
Those were the words that kept circulating my mind for the next few days. My father had a point. Pilit kong itinatak sa utak ko ang kaunting words of wisdom mula sa kaniya. Bahagya akong natauhan ngunit hindi mawala-wala sa isipan ko si Solace.
May mga araw na tumitira pa rin ako ng droga dahil sa pamamagitan no'n ay para bang nakakatakas ako sa lungkot. Patuloy pa rin ako sa pag-inom para lunurin ang sakit na nararamdaman.
Hindi na kailanman naging payapa ang mundo ko. Palagi na lang akong nag-iisip. Palaging nangangamba. Kung ano-anong tumatakbo sa utak ko. When she disappeared, my solace really died. I was never became at peace again.
I continued my study until I reached my third year in college. Mas naging hectic ang schedule ko dahil sa dami ng mga kailangang ipasa ngunit walang araw na hindi ako nakikibalita tungkol sa paghahanap kay Solace. It was like my day wouldn't be completed if I wouldn't get to hear updates about the searching.
It was like a cycle already. It already became a part of my life. The search, the torment, the lack of peace -- it all became a part of me.
Mahirap. Sobrang hirap, pero kakayanin hangga't hindi ko siya nakikita.
"Please don't tell me you fucking forgot your plates," bungad ni Ciello sa akin.
Umupo siya sa tabi ko. Kararating niya lang at nag-text siya sa akin kanina kung nasaan ako at sinabi kong narito ako sa library para matulog. Ang kaso ay hindi naman ako makatulog kaya nag-drawing na lang ako ng bahay para patayin ang oras. Mamaya pa kasi ang susunod kong klase.
Nagpanggap akong nagulat. Nanlaki ang mga mata ni Ciello at handa na akong bugahan ng apoy.
"Oh, shit," sabi ko pa na parang nakalimutan ko ngang gawin ang plates ko.
"You fucking stupid!" singhal niya at hinampas ako ng kaniyang bag.
Tumawa ako at umiwas.
"Joke lang! Nasa kotse ko pa!" bawi ko.
Natigil siya sa paghampas sa akin at sinamaan ako ng tingin.
"Oh, God. Hayop ka, kinabahan ako. Hindi ko na talaga alam kung bakit ka mag-a-arkitekto kung makakalimutin ka. Baka gumuho ang bagay na gagawin mo kapag may nakalimutan kang detalye."
Tumaas ang kilay ko at mapang-asar siyang tiningnan.
"Grabe ka naman sa 'kin. Sino sa atin ang palaging may mataas na grado pagdating sa paggawa ng plates?"
Lalong sumama ang tingin niya sa akin. Napangisi ako para mas lalo pa siyang maasar.
"Ulol." She rolled her eyes.
I took architecture because I couldn't think of any course when I entered college. I didn't want to take Business course because it felt like I would just waste my skills if I would only manage our dirty businesses in the future. Pakiramdam ko ay hindi tama na gagamitin ko lang sa masasamang negosyo namin ang pinag-aralan ko.
I thought of taking architecture because first, as I said, I didn't really know what to take. Wala akong pangarap. Wala akong plano. Second, I knew that I fucking have a talent in illustrating and I could use that skill in this field.
"How are you and that guy you're dating?" I suddenly asked Ciello while I was still illustrating.
Naramdaman ko ang pagbaling niya sa akin.
"We're done. I realized that he's not my type."
I chuckled.
"Bakit, ano ba type mo?" Magaan kong binura ang maling naiguhit ko.
"U-Uhm... well, matangkad, with dark and dangerous eyes, physically fit but not bulky, magulo 'yong buhok minsan that makes him so hot. Tsaka... mabait at galante only with his friends, masama ugali, medyo mabilis magalit--"
Natigilan siya nang mahina akong tumawa.
"Ang dami mo pang sinabi. Bakit hindi mo na lang sabihin na ako?"
"H-Huh?!"
Napatingin ako sa kaniya at nakita ang gulat na gulat niyang ekspresyon. Napapalunok pa siya at bahagyang namumula ang pisngi. Natawa ako at umiling-iling.
"Biro lang. 'Di tayo talo," pambawi ko sa pagbibiro ko at muling itinuloy ang pagdo-drawing.
Natahimik siya. Maya-maya'y tumikhim at umiwas ng tingin.
"O-Oo nga. Gago ka talaga."
Bahagya akong napangiti at hindi na lang ipinahalata ang mga naiisip ko.
Did she think I was fucking dense? She was too transparent -- very easy to read. Hindi ako tanga. Hindi ako manhid.
Naaalala ko tuloy sa kaniya si Solace. Parehas silang madaling basahin. Parehong madaldal at makulit. But of course, they still differed from a lot of things. Solace was soft while Ciello was a tigress. And I would always prefer the calm rather than the wild.
Always.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hello. Please 'wag niyo akong utusan or pangunahan sa kung anong dapat kong gawin sa story na 'to. Ako masusunod. Thanks :>
BINABASA MO ANG
The Death of Solace
General Fiction[NOW AN ACTUAL BOOK. Published under Immac Printing and Publishing House] A soothing world was what Quillon Marqueza has been aiming to have. His life has always been chaotic ever since he was born. Soulless. Dull. Disarray. But when he met Solace...