Chapter 9

2.8K 166 61
                                    


NAPANGISI ako nang mabasa ko ang reply sa akin ni Solace sa text message na ipinadala ko sa kaniya. Nahiga ako sa kama ko at niyakap nang mahigpit ang isa sa mga unan ko.

Lacey:
I still can't believe na boyfriend na kita. Parang dati crush lang kita eh

Nakangisi akong nagtipa ng reply. Ang kabog sa dibdib ko ay ganoon pa rin magmula kanina noong nagtapat ako sa kaniya. Kahit wala si Solace ngayon dito ay nagagawa niya pa ring patibukin nang ganito ang puso ko. Tangina, kabaklaan mang maituturin pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko.

Ang saya.

Ako:
Sabi na matagal mo na akong crush eh. Mas patay na patay ka pala sa akin, kung ganoon?

Itinago ko ang mukha ko sa unan matapos i-send iyon. Puta! Hindi ko alam pero pakiramdam ko naba-bading ako! Ganito ba talaga kapag may girlfriend?

Was it just normal to feel this kind of foolishness? Was it normal for a man like me to feel this kind of giddiness? Ngayon lamang ako nagkaganito at tanging kay Solace lang. Ganito pala ang pakiramdam.

Umangat ang ulo ko mula sa unan nang marinig ko ang pag-beep ng cellphone ko. Agad kong tiningnan ang reply ni Solace.

Lacey:
Hmp! Nakakainis ka nga noon! You were always so rude to me. Imagine, I have a crush on you and then you're always being mean to me. It hurts!

Napanguso ako at nakaramdam ng guilt.

Ako:
I'm sorry, baby. I just want to spare you from my cruelty. I'm not really a nice person, you know that.

Lacey:
Don't say that. There's always a good side from everyone. Nagustuhan kita dahil may nagustuhan ako sa personality mo. And I will never regret na kinulit-kulit kita dahil kundi dahil doon, hindi kita magiging boyfriend ^_^

Napangiti ako nang matamis sa aking nabasa. Humigpit ang yakap ko sa aking unan. How I wished she was here, so that I could hug her this tight. She was just like this pillow -- so soft and very comforting.

Magpa-customize kaya ako ng unan na may mukha niya? Para kahit wala siya ay nakikita ko pa rin siya.

Tangina, nababaliw ka na, Quillon!

*****

"Mauna ka na sa locker, Lacey. I'll just go to the CR," sabi ko nang matapos ang pang-huling klase namin.

She pouted like a cute puppy.

"Huh? Sama na lang ako!"

I gave her a 'what-the-fuck' look and she just smiled.

"Seriously, baby? Hindi ka puwede roon." I gave her a kiss on her forehead. "Sige na, mauna ka na at susunod din naman ako agad."

Wala na rin siyang nagawa at tumango na lang. Nilakad ko na ang daan patungong CR ng boys at binilisan ang dapat na gawin dahil alam kong naghihintay si Solace sa akin sa may locker.

Solace became more clingy now that we were in a relationship. She always wanted us together. She became touchy also. She was always hugging me, holding my hand, and kissing me when no one's looking.

But never did I ever get annoyed, though. Tuwang-tuwa pa nga ako na ganoon siya. Gusto ko rin naman kasi. Sa aming dalawa, siya talaga ang affectionate at sobrang lambing. I didn't want to be clingy as her because I was afraid that it would lead us to something more intimate.

Kaagad na akong pumunta sa locker area matapos kong mag-CR. Nawala ang ngiting ibubungad ko kay Solace nang makita ko si Jerome sa harap niya. Pareho silang nakatagilid sa akin kaya hindi pa nila ako napapansin.

"So totoo nga? Kayo na talaga ng Quillon na 'yon?" bakas ang galit sa tono nito.

"J-Jerome--"

"For Pete's sake, Solace! Ano bang ginagawa mo? Nasa normal ka pa bang pag-iisip? Ano, sisirain mo na rin ang buhay mo katulad niya?"

"Jerome, huwag ka ngang nagsasalita nang ganiyan! And can you stop judging us? Nakakarindi na!" galit na rin ang tono ni Solace.

Sarkastikong  tumawa si Jerome at umiling-iling.

"Judge? Hindi 'yon panghuhusga! Nagsasabi lang ako ng totoo! Kung ayaw mo talagang makinig sa akin, bahala ka na! Hindi na ako magugulat kung mabalitaan kong pati ikaw ay nag-a-adik na rin--"

Bago ko pa mapigilan ang mga paa ko ay mabilis na itong humakbang. Isang malakas na suntok ang ipinatikim ko sa walang kwentang kaibigan ni Solace. Tumumba ito sa sahig at nagdugo ang nguso.

"You can say anything you want against me, but you can't fucking disrespect my girl!" Dinuro ko siya gamit ang nanginginig na kamay dahil sa galit.

"Quillon, s-stop. I-It's fine--"

Kunot noo kong binalingan si Solace na pilit hinahawakan ang nakakuyom kong kamao.

"Fine? No, it's not! Ilang beses mo bang pilit iintindihin ang saradong utak ng gagong 'to?"

Pinamunoan ng luha si Solace at nagbaba ng tingin kay Jerome. Gumalaw ang panga nito.

"Ni hindi marunong makinig sa 'yo! Tanginang kaibigan 'yan!" Muli kong ibinalik ang nagpupuyos sa galit kong mga mata kay Jerome.

Pinantayan nito ang talim na ipinapakita ng mga mata ko. Padabog nitong pinunasan ang dugong tumulo sa kaniyang ilong at nagsikap na tumayo.

"Mas mabuti pang lumayo na lang talaga ako kaysa magkaroon pa ng kaibigan na may karelasyong masahol pa sa hayop!"

Susuntukin ko ulit sana siya ngunit hindi ko nagawa dahil sa mahigpit na pagyakap sa akin ni Solace mula sa likod.

"Quillon, please!"

Isang masamang tingin pa ang iginawad sa amin ng tarantado bago naglakad palayo. Napapikit ako at napahinga nang malalim upang kalmahin ang sarili.

Nakayakap pa rin sa akin si Solace at nararamdaman ko ang kaunting basa sa aking uniform, marahil ay dahil sa mga luha niya. Dahan-dahan kong kinalas ang pagkakayakap niya sa akin upang umikot paharap sa kaniya.

I cupped her cheeks. Her green eyes looked sad and guilty. Napabuntong hininga ako.

"I'm sorry, you shouldn't have seen me that way," pagtutukoy ko sa pagiging bayolente ko kay Jerome.

She smiled a bit. "It's okay. I understand."

Tinitigan ko siya. Tinitigan niya ako nang mas malalim. Muli niya akong niyakap at isinubsob ang mukha sa aking dibdib.

"I'm sorry," nababasag ang boses niyang saad.

I caressed her hair. "For what?"

"For everyone. For all their judgments."

I tenderly kissed her head.

"You don't have to. Besides, they don't matter to me. As long as I have you, I don't care about other people."

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

I'll update again later. This chapter is too short. Well honestly, sinasadya kong iklian lang ang bawat chapter. Because as a reader myself, when the whole story is finished and when I read it from the very beginning, long chapters bore me real bad. That's what I realize sa halos tatlong taon kong nagsusulat dito sa wattpad. Long chapters seem only good if the story is still on going dahil mabibitin nga naman kayo pag maikli. Kapag sinimulan niyo pa lang basahin ang isang story once it's already completed and every chapter consists of 3k up to 5k word count, hindi ba kayo mabo-bored?

Anyway, iba-iba naman tayo ng preference haha! See you again later! :>

The Death of SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon