NAPAANGAT ako ng tingin sa taong naglapag ng fruit shake sa lamesa ko. Matamis ang naging pagngiti sa akin ni Rijiella Benavidez. Hindi ko sinuklian ang ngiti niya. Nanatili ang seryoso kong tingin."U-Uhm, p-puwede bang maki-share ng upuan?" nauutal niyang tanong.
Agad akong umiling. I was with Solace. She just went to the restroom because she felt that she was already having her period. Pandalawahan lang itong table namin na naupuan dito sa cafeteria kaya hindi na puwede ang isa pa.
"I'm with my girlfriend," I simply said.
"Oh!" napapahiyang tugon niya.
Binawi niya ang fruit shake niya mula sa lamesa at nahihiya akong nginitian muli. "S-Sorry, I didn't know. But... where is Solace?""CR," I answered shortly — not wanting to prolong the conversation.
Tumango siya at nagdalawang tingin sa likod ko. "Oh! There she is."
Napalingon ako sa itinuro niya. Naglalakad na papalapit sa amin si Solace. Her expression was a bit stiff. She didn't look happy watching Rijiella in front of me. I hid my teasing smirk.
"I'll go now. P-Pasensya na, akala ko kasi wala kang kasama." Nginitian niya muli ako na hindi ko naman tinugon. Ngumiti rin siya kay Solace.
My girlfriend cutely smiled at her, but I knew better. I knew that she was annoyed with her — she just didn't want to be mean.
Nang makaalis si Rijiella ay nawala ang ngiti ni Solace. Nakanguso siyang umupo sa katapat kong upuan. She was avoiding my stares like a hurt kitten again. My smirk grew bigger.
"Baby..." I called.
Hindi niya ako pinansin. Ipinatong ko ang kamay ko sa kamay niya na nasa lamesa upang magpapansin. Bumuntong hininga siya ngunit hindi pa rin ako sinusulyapan. Piniga ko ang kamay niya at inangat ito upang halikan.
"What's wrong with my Lacey?" malambing kong tanong.
Dahan-dahan na siyang nag-angat ng tingin sa akin. Para na naman siyang bata at mukhang maiiyak pa. Magaan ko siyang nginitian.
"What did you two talk about?"
Nawala ang ngiti ko sa tanong niya. Umiling ako.
"Nothing. Makiki-share sana siya ng upuan pero sabi ko ay kasama ko ang napaka-cute kong girlfriend." I winked at her.
Umamo ang mga mata niya. Sa halos tatlong buwan na naming magkarelasyon ay mas nakikilala ko pa siya. Bibihira siyang magalit. Nagtatampo man ngunit hindi pa nga yata inaabot ng isang minuto. Madaling suyuin. Isang lambing lang, tumitiklop na agad.
Her personality was just really adorable. She was so lovable that only a fool wouldn't want her around.
"Hanggang ngayon ba ay nagseselos ka pa rin sa kaniya?" tanong ko.
Nag-iwas siya ng tingin. Muli kong hinalikan ang malambot niyang kamay.
"Lace, how many times should I have to tell you that there's nothing to be jealous about her? She's nothing to me."
Muli niya akong tiningnan.
"I can't help it! Rijiella is pretty and I think she likes you!"
"And so? You're very pretty, cute, charming, lovable, and I don't like her, so what's the big deal?"
Natahimik siya sa tuloy-tuloy kong sagot. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at mataman siyang tinitigan. I wanted her to see the sincerity in my eyes. The sincerity and truthfulness of my words and actions would only be dedicated to her. Only to her.
BINABASA MO ANG
The Death of Solace
General Fiction[NOW AN ACTUAL BOOK. Published under Immac Printing and Publishing House] A soothing world was what Quillon Marqueza has been aiming to have. His life has always been chaotic ever since he was born. Soulless. Dull. Disarray. But when he met Solace...