Chapter 29

2.6K 104 49
                                    


PINAGLARUAN ko ang ballpen ko habang nakatanaw pa rin sa cellphone. Nakailang text na ako kay Ciello pero kahit isang reply niya ay wala. Isinandal ko ang ulo ko sa swivel chair at mariing pumikit.

Muli lang akong napadilat nang may kumatok sa pinto ng opisina ko. Tamad akong tumayo at binuksan ang pinto.

"Hi, Architect!" bati ni Cydney Vallescas, Enrico's sister.

"Come in." Niluwagan ko ang pinto para makapasok siya.

Nang makaupo muli ako sa swivel chair ko ay saka niya sinabi ang sadya niya.

"Ipapapirma ko lang sana sa 'yo 'tong mga 'to. I'll get it after lunch. Is that okay?" Inilapag niya ang tatlong folder sa lamesa ko.

"Yeah, sure. No problem."

Nang makaalis siya ay inumpisahan ko nang basahin ang mga dokumentong ibinigay niya. Hindi ako makapag-concentrate dahil panay ang tingin ko sa cellphone ko, naghihintay ng reply ni Ciello.

It's been three days since that night. I went home eventually because Ciello couldn't open her door for me. It seemed like she didn't want to talk to me that time, so I respected that. Maybe she wasn't ready to talk to me again because I've hurt her feelings so much.

Gusto kong bigyan muna siya ng space. Baka sakaling humupa 'yong pagtatampo niya sa akin kapag hindi ako nagpakita. Pero tatlong araw pa lang ang lumilipas ay parang gusto ko na agad siyang makita. I wanted to keep on saying sorry. I didn't like it when she's mad at me.

Nasanay na ako na nandiyan siya palagi kaya hindi ko kinakaya kapag hindi niya ako pinapansin at kinakausap.

To Ciello:
I'm sorry na. Please talk to me :(

Iyon na muna ang huling text ko sa kaniya bago ako nag-focus sa mga pinipirmahan ko hanggang sa malapit nang sumapit ang lunch. Fifteen minutes before our lunch when I heard a knock on the door. My brows furrowed, thinking it was Cydney. Wala pa namang lunch, ah? Sabi niya kukunin niya after lunch?

"Come in, Cyd," sabi ko.

Hindi bumukas ang pinto. Kumatok ulit kaya napatingin ako roon. Inis akong bumuntong hininga at tumayo. Pinigilan ko ang sarili kong 'wag maging gago sa harap ni Cydney na anak ng may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon.

Magaan kong binuksan ang pinto at inihanda ang pekeng ngiti kay Cyd ngunit napawi iyon nang makita ko si Ciello.

Tinaasan niya ako ng kilay at inirapan bago nagtuloy-tuloy papasok sa aking opisina. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa sofa. Maarte siyang humalukipkip at tumingin lang sa pader, iniiwasan ang tingin ko.

I cleared my throat and walked towards the sofa. Umupo ako sa tabi niya. Nang makita ko ang kaunting espasyo sa pagitan namin ay lumapit pa ako lalo. She looked at me on her peripheral vision before she sighed.

"What brought you here?" I carefully asked.

Tiningnan niya lang ang mga kuko niyang bagong manicured at hindi ako sinagot. Mas lalo akong lumapit na halos masiksik na siya sa pinakadulo ng sofa. Napansin ko ang bahagya niyang pagkataranta.

"Miss mo 'ko?" I playfully asked with a smirk on my face.

Sa pagkakataong ito ay napatingin na siya sa akin gamit ang iritado niyang mukha.

"Assuming ka, p're," maarte niyang saad. "Si Enrico ang ipinunta ko rito, 'no! I visited him!"

Agad akong napasimangot at sinamaan siya ng tingin.

"And why would you visit Enrico?" inis kong tanong.

Pinagtaasan niya ako ng kilay at pinaningkitan ng mga mata.

The Death of SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon