IBINAGSAK sa lamesa ng isa sa mga tauhan namin ang isang malaking bag na naglalaman ng dalawang milyon. Inutusan ng ka-deal namin ang dalawa sa mga tauhan niya upang i-check kung puro pera nga ang laman ng bag na dala namin.Napakapa ako sa bulsa ng aking pantalon nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone. Pa-simple ko itong dinukot at binuksan ang mensahe ni Solace.
Lacey:
Wer r u? I want ramen, let's eat! I miss you!I chuckled. Sabado ngayon kaya walang pasok. Kahapon ay buong araw kaming magkasama sa school ngunit miss niya na agad ako?
This cutie was really clingy.
Nawala ang ngisi sa mukha ko nang maramdaman ko ang masamang tingin sa akin ni Papa na nasa harapan ko. Nagbaba siya ng tingin sa aking cellphone saka muling nag-angat ng tingin sa akin. Tumikhim ako at pinili na lamang na ibalik ang cellphone sa bulsa.
Until now, my father wasn't aware that I already have a girlfriend. It wasn't like I was hiding it from him, but knowing his mindset? Tiyak na pagsasabihan niya na naman ako na magiging sagabal lamang ang pakikipagrelasyon sa mga ilegal naming gawain.
"Alonzo, kahit pa bilangin mo iyan sa harap namin ay walang ni isang kusing ang kulang sa dalawang milyong iyan," sabi ni Papa habang pare-pareho naming pinagmamasdan ang pagchi-check ng mga tauhan ni Alonzo sa mga pera.
Nagkakahalaga ng dalawang milyon ang mga bagong hindi lisensyadong armas na binili namin mula sa kanila. Sa laking halaga no'n ay naiintindihan ko ang kapraningan nila kung sakaling hindi kami magbayad sa tamang halaga.
"Marunong kaming tumupad sa usapan, Mr. Alonzo. Baka kayo ang hindi? Baka mamaya'y palpak naman pala itong mga armas?" hindi ko napigilang sumabat.
Nakita ko ang mabilis na pagkunot ng noo ni Alonzo nang magbaling ng tingin sa akin. Matalim akong nilingon ni Papa dahil sa aking pangingialam. Nagtaas lamang ako ng dalawang kilay.
O, bakit? Ako pa rin ang kanang kamay niya. Natural lang na siguraduhin kong mabuti na hindi kami nadadaya.
"Gago ka ba?" sabat ng isa sa mga tauhan ni Alonzo na nakatayo sa kaniyang gilid. "E kung iputok ko kaya sa ulo mo 'tong bala ng baril na hawak ko nang malaman mo kung gumagana?"
Mabilisin niya akong tinutukan ng baril kaya mabilis ding nagsipagtutukan ng baril sa kaniya ang mga tauhan namin. Nakakaloko ko siyang nginisian.
"Why don't we test all these guns on you, instead? Nang magkaroon ka naman ng pakinabang kaysa para kang asong nakatayo lang diyan?" pang-aasar ko pa.
Lalo siyang nanggigil at ambang susugod na sa akin.
"Putang--"
"Remuel!" saway sa kaniya ni Alonzo kaya hindi niya naituloy ang tangkang pagsugod sa akin.
Hindi niya rin naman ako magagawang banatan dahil bago niya pa magawa iyon ay kakalat na ang dugo niya sa buong warehouse na kinaroroonan namin.
Muli akong nilingon ni Papa gamit ang matatalim at nagbabanta niyang mga mata.
"Cállate, Quillon. Por favor," saway niya gamit ang nagtitimping tono.
Nagtagis ang bagang ko at nanahimik na nga lang para wala nang gulo.
(Translation: Shut up, Quillon. Please.)
Nang makalabas kami ng warehouse at papasakay na ng sasakyan ay hindi ko naiwasang ibuhos ang inis ko kay Papa.
"¡Deberías haberme dejado golpear a ese hijo de puta!"
Galit niya akong nilingon at dinuro sa mukha. Kitang-kita ko ang pagtitimpi niya.
BINABASA MO ANG
The Death of Solace
General Fiction[NOW AN ACTUAL BOOK. Published under Immac Printing and Publishing House] A soothing world was what Quillon Marqueza has been aiming to have. His life has always been chaotic ever since he was born. Soulless. Dull. Disarray. But when he met Solace...