s o l a c e

5.6K 160 95
                                    


IBINUGA ko ang isang malalim na buntong hininga kasabay ng pagsarado ko sa aking notebook. Mula sa pagkakadapa ay tumihaya ako ng higa. My head was already hurting because of too much reviewing! I needed to stop now and relax and just stare at the ceiling or just play with my dog!

My doggie!

Napabangon ako nang maalala ko ang teacup poodle ko na si Chuchi. Hala! Nakalimutan ko siyang pakainin ng lunch kanina! Baka kinain na naman no'n ang shoes ni Chelsea dahil sa gutom!

Agad akong lumabas ng kwarto upang hanapin si Chuchi. I looked at the wall clock and saw that it was already five-fifteen in the afternoon! Wawa naman Chuchi ko, wala pang kain!

"Chuchi?" I called.

Nang tuluyan akong makababa sa sala ay nanlaki ang mga mata ko nang makitang pinapalo ni Uncle Theodore ng tsinelas si Chuchi. Agad akong tumakbo upang makalapit.

"Uncle, tama na po!" I pleaded.

Mabilis kong kinuha si Chuchi at kinarga. Tiningnan ako nang masama ni Uncle at malakas na binato ng tsinelas. Mabuti na lamang at naigilid ko ang ulo ko kundi ay sa mismong mukha ko tatama ang tsinelas.

"Leche! Sa susunod na ngatngatin niyang aso mo ang tsinelas ko, kakatayin ko na 'yan!"

I pouted. Binato niya pa ako ng newspaper bago siya nagpunta ng banyo. I sighed and looked at Chuchi.

"He's really bad, 'no?" bulong ko sa kaniya.

Kumuha na lang ako ng dog food sa kusina at inilagay sa bowl niya. Naroon si Mama na naglalagay ng mga tubig sa pitsel. Matalim na agad ang tingin niya sa akin kahit wala naman akong sinasabi o ginagawa.

"Hugasan mo 'yong pinagmeryendahan nila Chloe. Bilisan mo at magluluto na ako maya-maya!" nakasigaw niyang utos sa akin.

Ibinaba ko si Chuchi at inilapit sa kaniya ang pagkain niya. Agad akong nagtungo sa lababo at hinugasan ang mga pinagkainan ng dalawang impakta. Sinasabon ko na ang mga ito nang lumabas mula sa banyo si Uncle.

Napahawak na lamang ako sa ulo ko nang malakas ako nitong batukan.

"Tangina ka, ang bagal mong maghugas, ah?!" Pinanlisikan niya ako ng mga mata habang naghuhugas siya ng kamay.

Nang matapos siya ay malakas niyang iwinisik sa mukha ko ang tubig mula sa basa niyang kamay. Napabuntong hininga na lamang ako nang tuluyan siyang makaalis ng kusina. Taas kilay akong tiningnan ni Mama na kailanman ay hindi ako ipinagtanggol sa tuwing sasaktan ako ni Uncle at ng mga anak nito.

Iniintindi ko na lang. Malaki na talaga ang galit niya sa akin noon pa man. Hindi pa ako ipinapanganak ay galit na siya sa akin. Paano, bunga lang naman ako ng panggagahasa sa kaniya noong Canadian niyang amo noong dalaga pa siya.

Nang matapos akong maghugas ng mga pinagkainan ay bumalik na ako sa kwarto ko. Dala-dala ko si Chuchi.

"Tawagan ko na kaya si Quillon?" pagkausap ko kay Chuchi nang makaupo ako sa kama. "I miss him."

Itinayo ko siya at itinaas ang dalawang paa. Nakalabas ang dila niya at gumagalaw-galaw ang tainga. I giggled.

"Cute cute doggie."

Ibinaba ko na muna siya sa sahig at nagtungo ako sa dresser kung saan nakapatong ang cellphone ko. Muli kong natingnan ang sarili ko sa salamin. Ang malaking pasa sa collar bone ko ay kapansin-pansin dahil naka-sando lang ako.

Binato ako ng stapler ni Uncle noong Huwebes dahil sa pakikipagsagutan ko kina Chelsea at Chloe. Tumama mismo ang matigas na stapler sa buto kaya sobrang sakit at nagkaroon ng pasa. Mabuti na lamang at hindi ito nakita ni Quillon dahil alam kong magagalit iyon.

The Death of SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon