Chapter 22

2.5K 110 48
                                    


PINIGILAN ko ang mga kamay ko na huwag ibato ang remote sa TV nang mapanood na naman ang laman ng balita. Kumuyom ang mga kamao ko at nasipa ang maliit na coffee table sa gilid ko dahil sa galit.

"Kinumpira ng mga awtoridad na nag-match ang finger print sa nawawalang miyembro ng pamilyang Montelibano na si Solanna Cecilia Montelibano sa kutsilyong natagpuan sa krimen. Ayon sa mga pulis ay may posibilidad na ang dalagita ang gumawa ng krimen dahil sa finger print nito sa kutsilyong ginamit sa pagpatay sa mga biktima. Patuloy na pinaghahanap ang dalagita upang malaman kung may kinalaman ba talaga ito sa nangyaring trahedya."

Inis kong pinatay ang TV at napaupo sa couch. Itinukod ko ang mga siko ko sa magkabilang tuhod ko at napahilamos sa aking mukha. Mabilis ang paghinga ko dahil sa galit, hindi makapaniwala sa ginagawa nilang pagbibintang sa mahal ko.

Putangina!

Napasuntok ako sa couch at pagod na isinandal ang likod sa sandalan. Tumingala ako at pumikit, pilit na kinakalma ang sarili.

Ang mga punyetang pulis na 'yan! Anong karapatan nilang pagbintangan si Solace? Nang dahil lang sa iisang kutsilyo na may finger print niya ay magco-conclude na agad sila na siya ang salarin? Para lang mabilis na malutas ang kaso ay magbibintang na lang sila agad?

Araw-araw nang laman ng balita ang tungkol sa Montelibano massacre. Paulit-ulit ko na ring nakikita ang mukha ni Solace sa mga diyaryo at TV dahil patuloy ang paghahanap sa kaniya na akala mo'y most wanted.

Wala akong tiwala sa imbestigasyon ng mga pulis at napakabagal din nilang kumilos kaya hindi ako tumigil sa pagpapahanap kay Solace sa mga tauhan ko. Araw-araw nila akong binabalitaan tungkol sa paghahanap nila. Mas nauuna pa nga silang makakalap ng impormasyon kesa sa mga pulis, e.

Sa paghahanap na kay Solace umikot ang bawat araw ko hanggang sa sumapit ang graduation namin. Hindi ako makangiti habang tinatanggap ang high school diploma ko. Ang mga ka-batch ko ay masayang-masaya ngunit wala akong ibang maramdaman kundi kakulangan.

Kung alam ko lang na hindi ko pala makakasabay sa pag-graduate si Solace ay sana hindi na lang ako nagseryoso sa pag-aaral. Sana umulit na lang ulit ako ng fourth year dahil kapag nakita ko na si Solace at bumalik siya, paniguradong uulit siya ng fourth year.

"We'll have a simple celebration at home, son. I invited some of our friends and distant relatives. You can invite some of your friends here," sabi ni Papa habang papalapit kami sa aming sasakyan nang matapos ang graduation.

Walang gana akong umiling.

"Solace is my only friend here."

Nagtagal ang tingin sa akin ni Papa bago siya nakakaintinding tumango. Pumasok na siya sa sasakyan at papasok na rin sana ako ngunit natigilan nang may tumawag sa akin.

"Q-Quillon..."

Nilingon ko si Jerome na nag-aatubili pang lumapit sa akin. Walang reaksyon ko siyang tiningnan. Hindi ko makita sa mukha niya ngayon ang kapaitan at pagsusuplado. Tipid pa siyang ngumiti sa akin.

"Congrats," he said.

Tumango lang ako at naghintay pa ng kaniyang sasabihin. Huminga siya nang malalim at yumuko.

"W-Wala ka pang bang b-balita kay Solace?" he sounded hesitant when he asked that.

Bahagyang gumalaw ang panga ko ngunit hindi nagbago ang walang ekspresyon kong mukha.

"Wala pa. Bakit mo tinatanong? Wala ka nang pakialam sa kaniya, 'di ba?" maangas kong tanong.

Dumaan ang sakit sa mga mata niya at mukang sobrang nakonsensya.

The Death of SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon