HINALIKAN ni Solace ang kamay ko at idinikit ito sa kaniyang pisngi. She tenderly smiled at me despite of the bit sadness and frighten that I was seeing in her eyes."I thought I'm gonna lose you," aniya.
Tipid akong ngumiti at marahang hinaplos ang kaniyang pisngi. Pumasok ang nurse sa pribadong kwarto na kinaroroonan ko sa ospital. Sandali niya akong chineck at nang matapos siya ay muling hinawakan ni Solace ang kamay ko.
"I'm sorry. Dahil sa akin, nabaril ka," dagdag pa niya.
Ipinagtapat niya sa akin na lumabas siya ng kotse dahil nag-aalala siya para sa akin. Hindi pa raw kasi ako bumabalik kaya hindi niya na napigilang lumabas ng kotse at hanapin ako. Doon niya nakasalubog iyong Remuel na tauhan ni Alonzo.
Sa balikat ko tumama ang bala na dapat ay kay Solace kung hindi siya dumapa. I preferred that, though. I always preferred to get hurt instead of Solace.
Sa ginawa ng Remuel na 'yon ay kaagad siyang pinaputukan nila Martin at hindi na binigyan pa ng pagkakataon na tumakas nang buhay.
"It's not your fault. I'm fine, anyway. Malayo 'to sa bituka." I chuckled.
Ngumuso siya at sinamaan ako ng tingin. Binitawan niya ang kamay ko at hinampas ako sa tiyan na para bang naiinis siya na hindi man lang ako nag-aalala sa sarili. I hid my amusement, especially when her eyes got covered by tears.
Maya-maya'y bigla niyang isinubsob ang mukha niya sa tiyan ko habang yakap ito. Doon siya umiyak.
Bumuntong hininga ako at bahagyang nalungkot sa pag-iyak niya. My soft little Lacey...
"Stop doing those things! I don't want you to get hurt again!" humihikbing saad niya.
Napanguso ako kasabay ng paghaplos ko sa kaniyang ulo.
She wanted me to stop doing evil things, but the thing was, it was already a part of my life. I started to accept danger in my life since I was a child. It was already tainted on my name.
"Ayos lang kung ako ang masaktan. Huwag lang ikaw," I said. Lalong humigpit ang yakap niya sa akin. "Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa 'kin."
Her eyes full of tears looked up on me.
The solace she was bringing - it was what I lived for. She was the peace that I was looking for after a war. The tranquility that always brought me back to life after being died every time the world was killing me.
And if ever the cruelness of the world takes her away from me, my solace would come to an end.
"I want you to remember that you're my only calmness. My solace in the middle of chaos." I wiped her tears. "If I lose you, it would be my death."
Kaya gagawin ko ang lahat para hindi siya mawala sa akin. Dahil alam ko... sa oras na mawala siya... mawawala na rin ang katiwasayan ng mundo ko. Kapag nangyari 'yon, mas mabuti pang magpalamon na lamang nang tuluyan sa karimlan.
Hindi pa rin umuwi si Solace nang sumapit ang dilim kahit sinabi kong ihahatid na siya ng driver ko. Nanatili siya hanggang sa dumating si Papa. Nagpakaplastik na naman ang ama ko sa harap ni Solace at nang bumaling sa akin ay mariin na ang tingin.
"Kita mo ang nangyari sa 'yo? Ngayon ka pa lamang nabaril sa isang malaking engkwentro. You're fucking distracted because of her!" mariing bulong niya, hindi nais iparinig kay Solace ang kaniyang hinaing.
Tamad kong ibinaling sa ibang direksyon ang mga mata ko. Nahagip ko si Solace na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV.
"Gusto mo bang mangyari sa kaniya ang sinapit ng Mama mo-"
"Puwede ba, Pa? Walang mangyayaring masama sa kaniya, I'll make sure of that," mariin kong sagot.
Tumango siya at madilim pa rin ang tingin sa akin na para bang sobrang dismayado.
"Fine, but don't say I didn't warn you."
*****
I could say Solace got a bit traumatized because of what happened to us. She was not used to it. Three weeks had passed, but it seemed like she was still in shock. She got paranoid of our surroundings every time we're outside the school.
Kapag nasa kotse kami, hindi niya man ipahalata ay ramdam ko pa rin ang kaba niya at pagmamasid. Sa tuwing ganoon siya ay palagi ko lang siyang pinaaalalahanan na nandito ako at hindi ko naman siya pababayaan.
"What do you want to eat?" tanong ko habang papunta kami sa cafeteria.
Nabitin sa ere ang sagot niya nang makasalubong namin si Jerome. I saw Solace smiled at him, but he just ignored her. Tamad ko itong sinundan ng tingin na pumasok ng cafeteria.
"Sa iba na lang tayo kumain?" Binalingan ko si Solace.
Umiling siya. "Huwag na, dito na lang. Baka ma-late pa tayo, e."
Tumango ako at hinawakan ang kamay niya. Sabay kaming pumasok ng cafeteria at pumila upang makabili. Like the usual, all eyes were on us like we were a fucking VIP couple. If I could just shoot their eyeballs one by one, I would.
Nang makabili kami ng pagkain ay naghanap kami ng mapupwestuhan. Nakakita ako ng pandalawang lamesa na bakante. Hinila ko na ang kamay ni Solace upang malapitan iyon. Saktong paglapag ko ng tray ay siyang paglapag din ng tray ni Jerome.
Napatingin siya sa aming dalawa at mukhang nagulat. My forehead creased and looked at him darkly - silently telling him to fuck off and find another table. Napalunok siya at napaatras.
"H-Hi, Jerome! Sabay ka na sa amin!" maligayang yaya ni Solace kahit pa may pag-aalinlangan.
Bumuntong hininga ako at padabog na umupo. Umiling si Jerome kay Solace at dali-dali nang umalis. Ilang sandali pang nakangusong pinagmasdan ni Solace ang paglayo ni Jerome bago siya naupo sa tapat ko.
"I miss him. Sayang, sana sumabay na lang siya-"
"E 'di sundan mo," nababanas kong asik.
Napaangat siya ng tingin sa akin at nagtagal iyon. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. I suddenly heard her chuckle.
"Are you jealous?"
Doon lamang ako muling napaangat ng tingin sa kaniya.
"What?" naiinis pa rin ang aking tono.
Unti-unting sumilay ang pilya niyang ngisi. Inabot niya ako at kinurot sa tiyan. Kinunutan ko siya ng noon at tumawa lamang siya.
"Huwag kang magselos do'n kay Jerome. You see? Hindi na nga ako pinapansin."
"I'm not jealous!"
"Sus! I can tell you are. Ganiyang-ganiyan ang reaksyon ko kapag nakikita ko si Rijiella. Yiiee! Selos siya!"
Pakiramdam ko ay nag-init ang mukha ko lalo pa noong nilingon kami ng iilang estudyante. Nakangiti silang pinagmamasdan kami.
"Stop it, Lacey! It's not funny."
Muli lang niya akong tinawanan.
I shook my head, still convincing myself that I wasn't jealous.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Death of Solace
General Fiction[NOW AN ACTUAL BOOK. Published under Immac Printing and Publishing House] A soothing world was what Quillon Marqueza has been aiming to have. His life has always been chaotic ever since he was born. Soulless. Dull. Disarray. But when he met Solace...