Chapter 19

2.6K 122 50
                                    


SABAY-SABAY kaming lumabas ng classroom nang muli kaming balikan ng aming adviser. Sumunod kami sa kaniya hanggang sa school grounds kung saan kami magpa-practice para sa graduation. Namataan ko si Jerome na kakalabas lamang mula sa kabilang room.

Iniwas niya ang tingin niya nang kumaway si Solace. Napailing-iling ako.

"Bading," bulong ko.

"Huh?" nilingon ako ni Solace na katabi kong naglalakad.

"Nothing."

Wala na akong panahon pa para sa kabadingan ng Jerome na 'yon. Kung makapag-inarte siya ay talo pa ang babae. Hanggang ngayon na malapit na kaming magtapos ng high school ay hindi niya pa rin pinapansin si Solace. Parang wala silang pinagsamahan, ah? Napakaarte.

Nakarating kami sa tamang lugar at naroon na ang iilang section. Ang alam ko'y ang ieensayo namin ngayon ay ang mga kakantahin namin para sa graduation.

Tangina. Who would have thought that I will finally graduate? After repeating twice... finally.

The past weeks were tough. We made a lot of projects, reports, exams, and many more. I wouldn't survive all those shits without Solace by my side though. She became my number one inspiration. I wanted to make her proud of me, as well.

Na kahit ganito ako... at least makakapagtapos ako.

Pinaghiwalay na ang mga lalaki at babae upang gumawa ng linya. Solace pouted as she moved away from me to get to the girls' line.

Nagsimula na ang pag-eensayo namin ng kanta at tamad ko lang na binabasa ang lyrics na ibinigay sa amin. Hindi ako sumasabay sa kanta kaya hindi na ako nagulat nang tawagin ang atensyon ko ng isa sa mga teachers na nagtuturo ng kanta sa harap.

"Mr. Marqueza, you are not cooperating! Sing or I'll make you stand here in front and let you sing alone!"

Tamad ko lamang siyang tiningnan at isang beses lang na tumango na para bang napipilitan.

"Bakit ba nandito siya? Ga-graduate na rin?"

"Obviously, stupid. Mukhang nadala na."

"Dahil siguro kay Solace. Baka si Solace taga-gawa niya ng mga projects saka puro kopya lang siya ro'n kaya siya pumapasa."

"Tsk! Sshh! Hayaan mo na. At least araw-araw natin makikita rito. Even though he's a total asshole, we can't deny the fact that he's hot."

"Ang ingay, ano ba 'yan!"

Napailing-iling na lamang ako sa naririnig kong bulungan ng kabilang section tungkol sa akin. Sanay naman na ako. Grumaduate man ako o hindi, magsipag man ako o hindi, may masasabi at masasabi sila.

I understand, though. People are innately judgmental -- either they voice it out loud or just keeping it to themselves. It's part of being human, so I understand. That's why no one is perfect because judging someone without enough basis is definitely a flawed mentality.

*****

"Quillon, let's go watch a movie!" pangungulit sa akin ni Solace nang mag-uwian na.

"Okay. What do you wanna watch?"

"Hindi ko pa alam. Tingin na lang tayo ro'n kung anong showing."

Pumasok na kami sa sasakyan kung saan naroon ang driver ko at ang assistant kong si Martin sa front seat.

"Magandang hapon, Señorito, Señorita," bati ni Martin gamit ang natural na mababa niyang boses.

"Good afternoon po!" masayang bati ni Solace.

The Death of SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon