Chapter 1

6.9K 220 44
                                    


SUMALAMPAK ako sa nag-iisang bench ng isang abandonadong building ng eskwelahan namin. Dito ako madalas tumambay dahil walang mga estudyante’t mga guro ang nagagawi sa parteng ito. Bukod sa madilim at maalikabok, nakakatakot din ang itsura dahil mukhang pinamumugaran na ng mga multo.

For others, this place was a trash, but for me… this was haven. I just liked how serene it felt. I liked the silence. I liked the comfort it was giving.

If solitude means being at my safest haven, I would choose to just die here.

Napatingin ako sa aking relo at nakitang alas diez y kinse pa lamang ng umaga. Paniguradong nagsisimula na ng leksyon si Mrs. Arellano habang ako ay narito — dinadama ang kapayapaan at sinusunog ang baga.

Nag-cutting na naman ako dahil nabubwisit ako sa subject naming iyon. Tangina, ano bang pakinabang ng mga “find the value of x” sa mga buhay namin? Ayos na ‘yong may kaalaman kami sa pagkukwenta katulad ng addition, subtraction, multiplication, at division. Those are the only essential things one will need to be able to survive.

I couldn’t understand those theorists sometimes. They were just making life more complicated.

Muli akong humithit sa aking sigarilyo. Nagre-relax ako rito habang iyong mga walang kwenta kong kaklase ay siguro’y stress na naman sa classroom namin. Mas mabuti nang mag-cutiing kaysa araw-araw akong mabuwiset sa pinagtututuro no’ng teacher na ‘yon! Halos lahat naman yata ng teacher ko ay kinaiinisan ko.

Pati rin naman ang mga kaklase ko. Iba-iba ang mga kaklaseng mayroon ako. May mga tarantado, tahimik, matatalino, bobo, at baliw.

My seatmate was one of the unfortunate ones who has a crazy attitude. Ang ingay-ingay no’n at napakakulit! Ang sarap balutan ng sako sa mukha habang may busal sa bibig! She was always talking and saying nonsense shits to me.

Even the way how she bath her dog, she was telling that like it was the very interesting thing in the world. She was so irritating! Pasalamat siya’t babae siya dahil kung hindi ay matagal ko na siyang nasapak sa kadaldalan niya.

Kinuha ko mula sa bulsa ko ang nagri-ring kong cellphone. Tumatawag ang assistant ko at sa tingin ko’y may mahalaga siyang sasabihin kaya sinagot ko agad.

“Yes?”

“Sir, nandito na po ang bagong deliver na mga drugs,” imporma niya.

“Alright. Na-inform na ba si Papa?”

“Opo, Sir.”

Tinapos ko na ang tawag. Iyon lang ang kailangan kong malaman. Ang mga drogang ‘yon ay kailangan pa munang i-check ni Papa bago ibenta sa mga negosyante o politiko sa milyon-milyong halaga.

Illegal businesses were our only source of living. My father’s a drug lord. He was the one who introduced me to illegal doings. Hindi lang droga ang negosyo namin kundi pati na rin ang pagbebenta ng mga hindi lisensyadong armas sa iilang sindikato ng bansa. We were also into illegal gambling.

I was born in danger. I was living a life in hell. Lumaki na akong purong kasamaan ang nasa aking paligid. Ito ang buhay na aking nakagasnan. Napilitan akong yakapin ang dilim at kapahamakan. Ang mga ito lang naman ang mayroon ako, wala naman ibang pagpipilian.

Halos dalawang oras akong nakatambay sa abandonadong gusali nang kumalam ang sikmura ko. Pasado alas dose na kasi. Nagtungo ako sa cafeteria at bumili ng kanin at ulam.

Paupo na sana sa pandalawahang upuan ang sa tingin ko’y dalawang mag-siyota ngunit inunahan ko na ng paglalapag ng tray ko.

“Puta, ayos, ah?” Nag-angat ng tingin sa akin iyong lalaki ngunit parang nakagat din agad ang dila. “Ay! I-Ikaw pala, Quillon. S-Sige, sa iba na lang kami uupo.”

Hindi na ako sumagot pa at umupo na upang kumain. Namataan ko ang iilang kaklase ko na nakatingin sa akin. Sabay-sabay silang nag-iwas ng tingin.

I didn’t have any friends here. No one would dare to befriend me for I was a good for nothing kind of a man. They were all scared of me. Madalas kasi nilang mabalitaan ang pakikipag-away ko at bukod doon, madalas akong mukhang sabog kapag pumapasok.

Minsan, ang ilalim ng mga mata ko ay maitim at malalim. Madalas ding magulo ang buhok ko. Hindi ko sila masisisi kung iisipin nilang nag-aadik ako dahil totoo naman.

I was using drugs once a week, sometimes twice. Be it cocaine, marijuana, shabu, o kung ano-ano pang makakapagpa-high sa akin. Sa kadiliman at kaguluhan ng buhay ko, natuto akong gumamit ng droga. Every time I take it, my world was turning into something joyful and colorful — very opposite from my reality.

Ayos na rin na wala akong kaibigan. At least, walang mangingialam sa mga pinaggagagawa ko. Ayoko rin namang idamay sila kaguluhan ng mundong ginagalawan ko. Isa pa, I didn’t think that I could get along well with these kids. I was already eighteen. My classmates or batch mates were what? Fifteen? Sixteen? Tss.

Dalawang beses na akong umuulit ng 4th year high school. Magiging pangatlo na ngayong taon kung hindi ko pa rin papasukan ang mga klase ko. Wala naman akong pakialam kung grumaduate ako o hindi. Wala na rin naman akong ibang magiging kinabukasan kundi ang maging drug lord katulad ng ama ko. Kaya bakit pa ako mag-aaral?

Nang matapos akong kumain ay muli akong bumalik sa paborito kong tambayan. Naupo ako sa bench at idinantay ang ulo sa sandalan. Ilang sandali ay naisipan kong gumamit. Wala namang ibang tao rito kundi ako lang. Walang makakakita sa akin.

Inilabas ko mula sa secret pocket ng bag ko ang isang pakete ng shabu. Binuksan ko ito at sisinghot na sana.

“Quillon, ano ‘yan?”

Muntik ko nang mabitawan ang pakete nang marinig ko ang pamilyar na nakakairitang boses na iyon. I turned my head and saw my annoying seatmate standing behind me. My brows furrowed immediately out of irritation.

“Tangina, anong ginagawa mo rito?” I spat.

Ngumuso siya. “Sinundan kita!” tuwang-tuwa niyang saad na para bang dapat kong ika-proud iyon.

I just looked at her wearily. Sa lahat ng mga kaklase ko, siya lamang ang may tigas ng mukha na palagi akong kausapin. I didn’t know if she was just always too happy, attention seeker, or just plainly annoying!

Maganda nga… may saltik naman.

“Go away, Solace. Science na natin, bumalik ka na sa room,” utos ko.

Imbes na maglakad palayo ay naupo pa siya sa tabi ko. Lalong sumama ang mukha ko. She smiled widely at me. I admit, I always appreciate her beauty and softness, but I couldn’t help but be irritated at her jolly personality!

“Why just me? Ikaw din! Classmate tayo, e.”

Tahimik akong bumuntong hininga. Inilabas ko mula sa bulsa ng pantalon ko ang isang stick ng sigarilyo. Iniipit ko ito sa aking mga labi bago sinindihan gamit ang lighter.

“Hindi ako aattend. Bilisan mo, umalis ka na.” Bumuga ako ng usok sa kabilang gilid ko. “Naiirita na naman ako sa ‘yo.”

She crossed her arms like a kid having her tantrums.

“You’re always so mean to me, Quillon! I just want to be your friend!”

“I don’t need a friend, Lace. Especially if he or she’ll just be as annoying as you.”

Akala ko ay maiinis siya at tuluyan nang lalayas ngunit ikinagulat ko ang nagagalak niyang pagtili.

“Lace? I like that! Ikaw pa lang ang tumawag sa akin nang gano’n! Gusto ko ‘yon! Puwede ring Lacey para mas cute!”

Napahilot na lamang ako sa aking sintido. This girl… no matter how irritating and annoying, was still adorable.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Please be informed that Solace’s and Quillon’s personalities are very different from my other lead characters, so bear with them. I like exploring different personalities, so let’s accept them wholeheartedly, please? Hehe.

I hope you stay with me until the next updates. Thank you! ;)

The Death of SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon