Chapter 13

2.6K 143 12
                                    


NAPATINGIN ako kay Solace nang bigla na naman siyang pumulupot sa katawan ko. Natigil ako sa pagsusulat sa aking notebook para ipaikot sa baywang niya ang aking braso.

"Do you know what day it is today?" she asked.

"Uh, Tuesday?"

Ngumuso siya at ang pagtatampo ay nasa mga mata.

"Alam kong Martes ngayon. Pero... hindi mo ba naaalala kung anong meron ngayong date na 'to?"

Kumunot ang noo ko at mabagal siyang inilingan. Mas lalong nadagdagan ang pagtatampo sa kaniyang mga mata. She slowly withdrew her hug and averted her gaze like a hurt kitten.

"Hindi mo pala tinandaan..." malungkot niyang saad.

Binuksan niya ang notebook niya at pinili na lamang magsulat ng kung ano roon. Unti-unting sumilay ang ngisi sa mga labi ko at ako naman ang yumakap sa kaniya ngayon. She looked at me, sadness was still in her eyes.

I smiled at her before I kissed her soft cheek.

"I was just kidding, baby. Happy monthsary!"

Mabilis na nabura ang pagtatampo sa mga mata niya. Agad siyang napangiti at muli na namang yumakap sa akin. Natawa ako at hinalikan na naman siya sa pisngi.

"Akala ko nakalimutan mo, e! This is our first monthsary! We should celebrate!"

"Uh-huh. We'll have a date after school, okay?"

"Yehey!" She giggled.

Ganoon nga ang ginawa namin. Nang matapos ang araw namin sa eskwelahan ay agad kaming dumiretso sa isang mall. Naghanap muna kami ng ramen house dahil gusto na naman niyang kumain ng ramen.

"Wow! Ang dami! Puwede na tayong hindi kumain ng dinner!" sabi niya nang dumating ang in-order namin.

"No, we will still eat dinner. Maaga pa, oh. Four-thirty pa lang ng hapon," tugon ko.

"Hmp! Pinatataba mo yata ako, eh!

I laughed. "What's wrong with getting fat? I imagine you getting more cute when you get chubby."

Nanlaki ang mga mata niya at kinurot ako sa braso. Muli akong natawa.

"Mahal pa rin naman kita kahit pa maging balyena ka," dagdag ko pa.

"Quillon!" reklamo niya.

Pagkatapos naming kumain ng meryenda sa ramen house ay nagyaya si Solace sa Timezone. Kung ano-anong nilaro niya roon at minsan pa'y niyayaya ako at wala naman akong magawa kundi pagbigyan siya.

"May photo booth! Let's go inside and take pictures!"

Parang hangin akong nagpatangay lang sa kaniya. Nang makapasok kami sa maliit at masikip na photo booth ay umupo kami sa upuang naroon kaharap ng isang camera.

"Ayan na! Smile!"

Parang tuod akong ngumiti sa harap ng camera. Solace threw her arms on my neck as she posed.

"Wacky naman!"

Mariin niyang kinurot ang pisngi ko habang nakalambitin pa rin sa akin. Natawa kaming pareho kasabay ng pag-flash ng camera.

Hindi ako sanay sa mga ganitong bagay pero para bang kapag kasama ko siya ay gumagaan ang mundo ko at nagiging komportable ako. Natuto akong ngumiti nang kusa. Natuto akong maglambing. Itong mga bagay na kailanman ay hindi ko inaasahang magagawa ko ay hindi ko namamalayang nagagawa ko na pala ngayon.

Nang dahil kay Solace. Dahil nandito siya sa tabi ko. Para bang lahat ng bagay ay posible kapag kasama ko siya.

Hinalikan ko ang pisngi niya habang nakaakbay ako sa kaniya. Saktong pag-flash naman ng camera. Lalong lumaki ang ngiti niya.

The thing about being in love is the fact that it makes us do things unintentionally. We're unconsciously doing things that we've never even thought of doing before. It makes us feel like a child again. It makes us feel free. It's like our world is suddenly becoming at peace.

We know it's love if simple things are making us already very happy. We know it's love if a simple smile from that person is already enough for us.

And I could attest to that. Just seeing Solace's smile was already making me feel contented. I couldn't ask for more if the tranquility of the world was already in my arms. And if this solace that I was feeling would come to an end... it's better to end my life, too.

Ngayon ko lamang naramdaman ang ganitong klase ng pagmamahal... kaya sana'y hindi na matapos pa.

"We look silly!" I said when we already got the pictures from the photo booth.

Dalawang frame iyon pero may apat na grid kaya bale walong pictures ang na-capture sa amin. Tig-isa kami ng frame na itinago.

Kung saan-saan pa kami naggala sa loob ng mall hanggang sa mapadaan kami sa isang jewelry shop. Hinila ko ang magkahawak naming mga kamay ni Solace at pumasok kami sa loob.

"O, may bibilhin ka rito?" tanong niya habang isa-isa kong tinitingnan ang disenyo ng mga bracelets na naroon.

"Are these all the designs?" tanong ko sa sales lady na sinusundan kami.

Wala akong magustuhan sa mga bracelets na iyon para kay Solace. Masyadong magagarbo ang mga disenyo. Gusto ko ay iyong simple lang dahil simpleng babae lang naman siya.

"Yes, Sir. Pero kung gusto niyo po, puwede po kayong magpa-customize. It can be a name or a word at gagawin din po iyon ngayon dito at makukuha rin agad."

Ganoon na nga lang siguro. At least, sarili kong kagustuhan. Sinabi ko sa babae ang iuukit nilang pangalan sa bracelet at babalikan ko na lamang pagkatapos ng ilang oras. Sinabi rin sa akin ng sales lady kung magkano ang aabutin no'n dahil totoong ginto iyon. Wala namang problema sa akin basta para kay Solace.

Nagpunta muna kami sa kung ano-anong boutique habang ginagawa pa iyong bracelet.

"You like that? Let's buy it," sabi ko nang makita ko siyang nagsukat ng isang sapatos.

"Ano ka ba, sinukat ko lang. Tiningnan ko lang kung bagay sa paa ko," sagot niya at saka lumapit sa isa pang sapatos.

"Bagay naman sa 'yo. Bilhin ko na."

She looked at me, sighing before smiling tenderly at me.

"I get that you like to spoil me, but not every time, okay? Ayokong tino-tolerate 'yong pang-i-spoil mo sa akin. You're my boyfriend, not my ATM."

Bahagya akong napasimangot. Lumaki ang ngiti niya at pinatakan ako ng halik sa aking panga.

Nang bumalik kami sa jewelry shop ay tapos na raw iyong bracelet. Agad ko itong sinuri ng tingin. It was a 24-Karat gold. It looked so simple yet classy at the same time. In the middle, the word 'solace' stood in a cursive font.

Laglag panga itong pinagmamasdan ni Solace. Para bang hindi pa siya makapaniwala. Ngumiti ako at marahang kinuha ang kamay niya. Isinuot ko ang gintong porselas na saktong-sakto ang sukat sa kaniyang braso.

"Q-Quillon, what..." it seemed like she didn't know what to say.

"It's my first gift for you. Happy monthsary." I smiled at her again.

Napakurap-kurap siya. Gulat na gulat pa rin ang kaniyang mukha.

"B-But... m-magkano 'to?"

"It doesn't matter."

"Pero, Quillon--"

Bumuntong hininga ako.

"Hindi ka na nga pumayag na bilhan kita ng sapatos. Kahit ito na lang ay tanggapin mo." Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya nang matapos kong isuot sa kaniya ang bracelet. "Gusto kong suot mo 'to palagi. Para palagi mong maaalala na mahal kita."

Kuminang ang kulay berde niyang mga mata dahil sa pagsilip ng luha. Bago pa may tumulo sa pisngi niya ay mahigpit niya na akong niyakap.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

The Death of SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon