Chapter 21

2.6K 138 37
                                    


NANGHIHINA akong napaupo sa marmol na sahig ng aming living room matapos kong magwala. Mabilis pa rin ang hininga ko at nanginginig ang mga kamao sa galit at panlulumo. Lahat ng mga tauhan namin ay pare-pareho lang na nakayuko. Si Papa ay tahimik akong pinanonood sa isang tabi.

“Putangina!” sigaw ko at malakas na tinabig ang paso na nasa gilid ko.

Hinanap namin si Solace sa bawat sulok ng subdivision nila ngunit inumaga na lang kami ay hindi pa rin namin nakita. Hindi rin nakita ng ibang mga tauhan namin na naghahanap sa mga lugar na malapit sa subdivision.

I tried contacting her number again, but it was not available anymore. Seemed like her SIM was no longer planted on her phone. We also tried to track her phone, but for some reason, we couldn’t. Walang lokasyon na nagpapakita kung nasaan ito.

Narinig ko ang buntong hininga ni Papa.

“Sa tingin ko ay dapat pa ring ipagpatuloy ng mga tauhan natin ang paghahanap sa nobya mo kahit pinaghahahanap din siya ng mga pulis.”

“Sino bang nagsabing titigil ako sa paghahanap ko sa kaniya?” pilosopo kong sagot, hindi pa rin humuhupa ang inis.

Kinausap ni Papa ang mga tauhan namin tungkol sa paghahanap kay Solace. Nanatili akong tulala at nanlulumo. Hindi pa matanggap ng sistema ko na nawawala ang babaeng mahal ko.

Parang noong Biyernes lang ay kasama ko pa siya. Kahapon ay kausap ko pa siya sa telepono tapos bigla na lang siyang mawawala?

“Son, you need to rest. Wala ka pang tulog.”

Hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Papa na magpahinga sandali. Kaunti lang ang naitulog ko dahil hindi ako mapakali. Hindi ako makatulog nang payapa.

I would never really be at peace when Solace’s not around. She was my only peace.

Binuksan ko ang TV sa kwarto ko nang magising ako. Saktong ibinalita ang nangyari sa mga Montelibano kaya tuluyang napadilat ang mga mata ko kahit namumungay pa.

“Kasalukuyang pinaghahanap ang isa sa mga miyembro ng pamilyang Montelibano na si Solanna Cecilia Montelibano. Patuloy na iniimbestigahan kung ang nangyaring massacre ay planado o hindi sinasadya. Ayon sa mga pulis ay maaaring hindi pagnanakaw ang dahilan sa krimen dahil wala raw umanong mga mamahalin o mahahalagang kagamitan ang nawala. Nang mag-inspeksyon ang mga pulis ay naroon pa rin ang mga mahahaling gadgets ng pamilya, mga alahas, at pera. Inaalam pa kung mayroong mga naka-alitan ang pamilya bago nangyari ang krimen.”

Kumunot ang noo ko habang nakatutok pa rin ang mga mata sa telibisyon. Naitukod ko ang siko ko sa aking tuhod at napahawak sa aking baba — nag-iisip.

Let’s say armed men forced to enter their house. The first thing that would cross Solace’s mind was to not get herself harmed. She would be scared. So maybe she ran away and was able to get away from them.

The worst case scenario would be… she might got kidnapped.

Pinatay ko ang TV nang matapos ang balita tungkol doon. Bumaba ako at hindi ko nakita si Papa, malamang ay nasa kalagitnaan na naman ng isang transaksiyon.

“Martin!” tawag ko.

Agad itong lumapit sa akin habang ang iba ay nag-aabang kung may ipag-uutos ako. Kakaunti lang ang narito dahil ang iba ay alam kong patuloy na naghahanap kay Solace habang iba ay marahil kasama ni Papa.

“Alamin mo kung may kalaban si Theodore sa negosyo o kahit sino sa kanila. Balitaan mo ‘ko kaagad,” utos ko.

“Masusunod, Señorito.”

The Death of SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon