NAGISING ako na mahapdi ang mga mata. Gumalaw ako at natantong naka-unan ang ulo ko sa hita ni Ciello. We were on the sofa. I looked up on her and saw that she was still sleeping. Nakatulog siya nang nakaupo habang ako ay nakahiga.Sa sobrang pagod ko ay hindi ko namalayan na dito na pala kami sa sofa nakatulog. I told her that I finally saw Solace… but probably the last time we’d see each other, too.
“Grabe naman. Ano ‘yan, “hello, love, goodbye”? Hay,” Iyon ang naalala kong huling sinabi niya bago ako hinila ng antok.
“Cie…” tinapik ko ang hita niya upang gisingin siya.
Nagpa-room service na lang kami kaya dito na kami kakain ng almusal. Tahimik lang kami habang kumakain. Ramdam ko ang parati niyang paguslyap sa akin na tila tinitimbang ang nararamdaman ko. Malapit na akong matapos kumain nang tumikhim siya at nagsalita.
“We will check out at twelve PM sa resort, then babalik nang Maynila. Uuwi ka na rin ba?”
Uminom ako ng tubig bago siya sinagot.
“Oo.” Nasa pagkain pa rin ang mga mata ko.
“Ah… a-akala ko lang… mag-i-stay ka pa r-rito.” Para bang may gusto pa siyang idagdag.
Doon na ako napaangat ng tingin sa kaniya. Umiling ako.
“Wala naman na akong dahilan para manatili.”
Nag-ayos na ako ng mga gamit ko upang maghanda sa pag-alis namin. Si Ciello ay bumalik na roon sa resort na tinutuluyan nila upang maghanda na rin.
I busied myself just to avert my mind from Solace. All that we talked about felt too much. It were all draining. It felt tiring. Kaya kinailangan kong maging abala dahil kung palaging iyon ang magpapaulit-ulit sa isipan ko ay baka magkulong lang ako sa kwarto at umiyak buong magdamag.
Nang makasakay kami sa eroplano pabalik ng Maynila ay tulala lang ako sa bintana. Paulit-ulit ang pagbuntong hininga ko dahil sa bigat pa rin ng dibdib. Hindi ko alam kung tuluyan nang namanhid ang mga mata ko dahil wala nang tumutulong luha o dahil baka naibuhos ko na lahat kagabi. Baka naubos na.
Nang lumapag sa NAIA ay nalapitan muna ako ni Ciello bago ko nalapitan si Martin na naghihintay sa pagdating ko.
“Call me if you need someone to talk to, okay? Pupuntahan kita agad.”
Tumango lang ako sa sinabi ni Ciello bago siya niyakap. Hinagod niya ang likod ko at tinapik-tapik.
“You’ll be fine.”
Nariyan na rin ang driver niya kaya nauna na siyang umalis. Kinuha ni Martin ang iilang bagahe ko bago siya may tiningnan sa kaniyang cellphone. Maglalakad na sana ako palapit sa aming sasakyan nang mapansin ko ang ekspresyon ng mukha niya.
Mukha siyang gulat at napakalalim ng iniisip. Kumunot ang noo ko.
“Bakit?”
“S-Señorito, katatanggap ko lang ho ng update. Iyong mga tauhan nating naghahanap sa Surigao del Norte, m-may nakapagsabi ho sa kanila na nakatira si Señorita sa Siargao. Papunta na po sila roon. G-Gusto niyo bang bumalik?”
Mabigat akong nagpakawala ng hininga at lumapit na sa aming sasakyan. Blangko lang ang mukha ko dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit sa muli kong pagkakakita kay Solace… matapos ng ilang taon.
“Hindi na. Pabalikin mo na sila rito sa Maynila ngayon din.” Binuksan ko ang compartment ng sasakyan at inilagay roon ang isang bag na bitbit ko. “Tigilan na rin ang paghahanap. Wala na tayong hahanapin. Ihahanda ko na ang huling sweldo nila.”
BINABASA MO ANG
The Death of Solace
Fiction générale[NOW AN ACTUAL BOOK. Published under Immac Printing and Publishing House] A soothing world was what Quillon Marqueza has been aiming to have. His life has always been chaotic ever since he was born. Soulless. Dull. Disarray. But when he met Solace...