Chapter 8

3K 186 61
                                    


NAGLAGLAGAN ang mga libro ng babaeng nabangga ko dahil sa pagmamadali ko sa paglalakad. Agad siyang lumuhod upang pulutin isa-isa ang mga ito. Naiinis kong kinamot ang aking ulo bago lumuhod din at tinulungan siya.

Tsk! Hassle naman 'to!

Nang mag-angat ito ng tingin ay saka ko ito namukhaan. Alanganin itong ngumiti sa akin bago tumayo, nasikop na ang tatlo niyang libro. Tumayo na rin ako at iniabot sa kaniya ang dalawa pa.

"Salamat, Quillon,"

Bahagyang tumaas ang kilay ko sa gulat dahil kilala pa pala niya ako. Naging magkaklase kami noon at pagkatapos no'n ay madalang ko na lamang siyang makita. And even though we became classmates, I couldn't remember a time that we had an interaction.

It was really a surprise that she still remembered me.

"Uh, do you still remember me? I'm Rijiella. Naging magkaklase tayo dati."

Mabagal akong tumango na seryoso pa rin ang mukha habang siya ay malaki ang ngiti. Humakbang ako upang maipagpatuloy na ang paglalakad. Ikinagulat ko ang pagsabay niya sa akin.

"How are you?"

"Ayos," tamad kong sagot.

Tumango siya. "Mabuti naman. Sino nga palang adviser niyo?"

Tsk. Kulit pala nito. Gusto ko nang magmadali dahil baka hinihintay na ako ni Solace. Sabay kaming aalis ng school dahil kakain kami sa labas.

"Mrs. Fajardo."

"Really? Naku, masungit daw 'yon, a?"

Humaba ang leeg ko para tanawin kung naroon na ba si Solace sa madalas naming tambayan na gazebo pero hindi ko siya nakita. Nasaan na kaya 'yon? Ang sabi niya ay may kukunin lang siya sa locker niya.

"Buti hindi pa nagda-drop out ang mga students niya?"

Iginala ko pa ang mga mata ko habang naglalakad, baka sakaling makita ko si Solace. Tama nga ako at nahagip siya ng matatalas kong mga mata. Kumunot ang noo ko nang magbawi siya ng tingin at mabilis na nagtago sa likod ng isang pader. Hindi ko na siya nakita dahil do'n

"I need to go, Rijiella."

"H-Huh?"

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at tumakbo na ako sa direksyon kung saan ko nakita si Solace. Nang matunton ko iyong pader na pinagtaguan niya ay wala na siya roon. Tinahak ko na lang ang daan kung saan posible siyang dumiretso.

Hindi nga ako nagkamali dahil naabutan ko ang pagmamadali niya. Likod na ito ng building kung kaya't walang tao. Madali ko lang siyang matatawag.

"Lace!"

Sandali siyang nahinto ngunit nagpatuloy rin. Ngayon ay mas lalong bumilis ang lakad. Tinakbo ko na ang distansya namin at mabilis hinila ang braso niya upang iharap siya sa akin.

I scanned her face. I was already used seeing her brightened face, so I knew when something was wrong. Ang ekspresyon niya ngayon ay hindi ganoong kasigla. Para siyang maiiyak na ewan.

"What's wrong?" tanong ko agad.

Mabilis siyang umiling at ngumiti nang pilit.

"W-Wala." She gulped. "K-Kailangan ko na nga palang umuwi. Bukas na lang tayo kumain sa labas."

Nanatili ang mapanuri kong titig sa kaniya hanggang sa unti-unti siyang napayuko na tila ba napapaso.

I advanced closer. She stepped back. I immediately got a light hold of her elbows to stop her. I tilted my head and bowed it a bit to match her eyes. Pilit niya nang iniiwas ang kaniyang tingin.

The Death of SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon