Dearest Germain, another story of mine has come to an end. I've said in Chapter 30 that it's up to you if you will still continue this. I understood your frustrations and your irritation about Ciello, Quillon, and the then disappearance of Solace, that's why I suggested you to stop reading this anymore if this is already making you mad. But here you are, reading this and still continuing. I admire your bravery. I admire that until now, you still keep on opening your eyes for more even if you probably know that this might hurt. I've never been so proud of your bravery. Thank you. Let's hear and understand Quillon for the last time. This is his story. Not Solace's. Nor even their story. Thank you for staying with him throughout his journey of finding the real meaning of solace.SUMIKLAB ang halo-halong emosyon sa dibdib ko nang muling tumapak ang mga paa ko sa tahanang minsan nang nakasaksi ng mga pagbabago sa aking buhay. Inilibot ko ang mga mata ko. Bawat madapuan ko ng tingin ay nagpapaalala sa akin ng dati kong buhay.
Naglakad ako at huminto sa tapat ng malaking portrait ni Papa. I stared at his face like I was just facing in a mirror. My heart ached when I remembered Solace's words. That it was Papa who ordered to kill her whole family years ago.
Nagpakawala ako ng mabigat na hininga at napayuko, nag-iigting ang panga. Ilang sandali ay nagtungo na ako sa hagdan upang umakyat. Nagtungo ako sa study room at walang ganang binuksan ang pinto. Binuksan ko ang ilaw at muling bumungad sa akin ang pamilyar na lamesa, mga sofa, at mga book shelves.
Dito madalas nagpaplano si Papa ng mga gagawin niyang anomalya kasama ang mga tauhan namin. Minsan din ay isinasama niya ako sa kung ano-anong plano kahit bata pa ako.
Hindi ko alam kung pang-ilang buntong hininga na ang pinakawalan ko bago ako umupo sa isang one seater sofa na naroon. Katabi nito ang isang one seater din na sofa na bahagyang nakaharap sa akin.
Ganitong-ganito noon. Nakaupo ako sa sofa. Si Papa ay nakaupo sa sofa na katabi ko. Ang iilang tauhan ay nakatayo habang ang iba ay nakaupo sa mahabang sofa. Si Martin ay nakatayo sa kabilang gilid ko. Lahat sila ay nakikinig sa akin sa plano kong pagpatay sa mga Montelibano.
"Hindi naman natin kaaway 'yon, Quillon. Bakit gusto mong ipapatay? At nabanggit mo na pamilya 'yon ng nobya mo. Bakit, may ginawa ba--"
"Hindi isasali si Solace, Pa." Bumuntong hininga ako. "Sinasaktan siya no'ng gagong stepfather niya at no'ng kambal nitong anak palagi! Hindi ko na kayang makita na may pasa siya sa katawan sa tuwing pagmamasdan ko siya nang mabuti!"
Akala ko ay matapos kong takutin iyong nanay niya ay titigil na ang mga ito sa pananakit sa kaniya. Pero noong nanood kami ng sine kahapon, napansin ko ang malaking pasa sa may collar bone niya na pilit niya mang itago sa akin ay nakita ko pa rin.
"Ang mga putanginang 'yon. Kamatayan lang ang makakapagpatigil sa kanila."
"Anong balak mo sa nobya mo, kung ganoon?"
Nag-iwas ako ng tingin kay Papa at bahagyang nahiya pati na rin sa mga tauhan naming narito.
"K-Kukupkupin ko. Dito ko patitirahin," sabi ko.
"Ano?! Nasisira na ba ang ulo mo?" As expected, he would react this way.
Bumuntong hininga ako at napakamot sa aking mga kilay.
"She won't be a burden, Papa. Akong bahala sa kaniya. Or if you really don't want her here, then... bubukod kami. Maghahanap ng condo."
Napailing-iling si Papa at napahilot sa kaniyang sentido.
"You are just eighteen! Bakit pakikipag-live in na agad ang gusto mo?! Baka mamaya bata na ang iuwi mo rito?!" singhal niya.
"It's not what you think! I know how to discipline myself! Besides, I don't have any choice. Ipapapatay ko ang pamilya niya kaya saan siya pupulutin?"
BINABASA MO ANG
The Death of Solace
General Fiction[NOW AN ACTUAL BOOK. Published under Immac Printing and Publishing House] A soothing world was what Quillon Marqueza has been aiming to have. His life has always been chaotic ever since he was born. Soulless. Dull. Disarray. But when he met Solace...