Chapter 30

2.9K 124 135
                                    


Hi. You can curse on my characters. You can say anything you want to them. You can even say na ang pangit ng story na 'to if that's your opinion. Pero para pag-isipan na i-report 'to dahil lang hindi niyo na nagugustuhan 'yong mga nangyayari recently, I can't keep my mouth shut anymore. I am here to write. I am here because I love writing. Huwag niyo namang kunin 'yon sa 'kin. This story doesn't even show explicit sexual content or extreme violence to be reported. If this stresses you so much, if you think that this is already making you so mad, please just drop it. Kesa kung ano-ano pang naiisipan niyong gawin. Just please.

Gusto niyong malaman kung ilang chapters na lang? Tatlo na lang. Baka mas mainis pa kayo sa tatlong chapters na 'yon, so huwag niyo nang tapusin 'to kung hindi niyo na feel. Sorry ha. Hindi ako mahilig magsabi ng hinanakit dito pero 'yong isang comment lang talaga na 'yon ang hindi ko kayang palagpasin. Kahit may "char" sa dulo. Knowing na dumaan sa isip niya 'yong gano'n, hindi ko kayang manahimik na lang. Gusto ko lang magsulat. Mahal ko ang pagsusulat. Huwag naman kayong ganiyan.
--------

INILIBOT ko agad ang tingin ko sa paligid nang makababa ako ng eroplano. I pulled my luggage and followed our group. Nakita ko ang mga tao ng MRV na kabababa lamang din. We were on the same flight.

"Welcome to Siargao!" bati ng mga tao sa airport.

I took my shades off and noticed some motorbikes around. Mukhang ganito ang madalas nilang transportasyon dito.

"Architect Marqueza!"

I smiled when Ciello walked towards me, pulling her pink luggage. She was just wearing a backless, sleeveless white top and a high-waist shorts. On her arm was a pink beach bag.

Sa tingin ko'y hindi naman trabaho ang rason niya sa pagsama rito. Mukhang gusto lang niyang mag-explore at mag-beach.

"Where are you guys staying?" tukoy niya sa grupo ng Vallescas Constructions na kasama ko.

"Villa Solaria," sagot ko.

"Ay, really? Sa Siargao Bleu Resort and Spa kami." She pouted.

"Just call me if you need a companion while roaming around."

"Okay!" she smiled cutely.

Sinundo na kami ng company van na maghahatid sa amin sa Villa Solaria. Hindi maalis ang tingin ko sa bintana habang umaandar ang van. Nagtataasang mga puno at malinis na kapaligiran ang nadadaanan namin.

Isang tingin pa lang, para bang napakapayapa ng buhay rito.

Nang marating namin ang Villa Solaria ay medyo marami akong nakitang mga tao roon. Ang iba ay mukhang mga taga-rito ngunit may iilang mukhang mga turista. May mga foreigner din kasi.

"Hi! Welcome to Siargao!" may babaeng lumapit sa grupo namin at nginitian kaming lahat.

Kayumanggi ang kulay ng balat niya — bagay na napansin kong isa sa mga similarities ng mga taga-rito. May punto rin ang pananalita niya, parang Bisaya na ewan. She was just wearing shorts and a red bikini top. I think wearing bikinis every day in this island was already usual. Halos lahat kasi ng makasalubong namin ay may mga suot na bikini.

"Vacation?"

"Nope. We're here for work," sagot ng isa sa amin. "Pero kapag may sobrang oras, mag-iikot-ikot din kami."

"You should! There's a lot of tourist spots here."

"Are you a local here?" tanong ko habang hinihintay ang babae sa reception na ibigay ang mga susi namin.

"Oo. Ang dami na ring mga nagpunta rito galing Maynila pero hindi na bumalik do'n dahil sa ganda at tahimik ng lugar na 'to" She laughed. "I'm Abi, by the way."

The Death of SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon