MALAKAS kong isinarado ang pinto ng kwarto ko nang makapasok ako roon. Hindi ko man nakausap si Theodore ay malaking bagay na nakilala ko ang ina ni Solace. Harap-harapan kong nasaksihan kung gaano kasama ang pagtrato sa kaniya.Kumuyom ang mga kamao ko. Kung naroon lang sana ang Theodore na 'yon ay baka napatay ko na. Subukan lang nila na saktan ulit si Solace. Sa oras na marinig kong nagsumbong sa akin si Solace ay hindi ko na talaga mapipigilan ang sarili ko at makakagawa ako ng hindi maganda.
I meant what I said to Mrs. Montelibano. I couldn't just seat here and watch my sweet Solace accept all their abusive acts. I needed to warn them and if they weren't threatened and still continue to hurt Solace, Heaven forbids of what I could do.
"How are you? Sinaktan ka ba ulit ng mama mo?" tanong ko kay Solace nang medyo kumalma na ako at nakapagbihis na ng pambahay.
"No. She's not talking to me, but she keeps on giving me death glares."
Napahinga ako ng malalim. "How about your stepfather and stepsisters?"
I heard her sigh "Nakita kong kinakausap ni Mama si Uncle kanina. Malamang ay dahil 'yon sa nangyari sa atin kanina."
Napatango ako at napahilot sa aking sintido.
"Magsabi ka lang sa akin kung sinaktan ka pa ulit nila. I'll make sure that they will get what they deserve," mariin kong saad.
"Bakit, anong bang... gagawin mo?"
Hindi agad ako nakasagot. Napaisip ako kung ano nga ba talaga ang magandang gawin upang turuan ng leksyon ang mga walang hiyang iyon.
Maraming puwedeng option. I could bankrupt their small business and just adopt Solace. I could also send them to jail with no chance of parole. Pupuwede ko rin silang ipatapon sa kung saan na malayo sa kabihasnan hanggang sa mamulubi sila.
"Just trust me on this, baby," iyon na lamang ang nasabi ko.
"Okay."
*****
"Ayoko pang umuwi," Solace said one afternoon after our class.
Napalingon ako sa kaniya na nasa tabi ko. Tapos na ang klase namin at narito kami't nakatambay sa abandonadong building na madalas kong tambayan.
Mabilis kong sinuri ang mga braso niya. Kunot ang noo ko na para bang isang kaaway ang mga iyon.
"Sinaktan ka na naman ba sa inyo?" mariin kong tanong.
She chuckled. "No! All they do now is to throw sharp glares on me. Ni hindi na nga ako inuutusan o binu-bully nung dalawang bruha. Uncle Theodore can't even look at me for five seconds. Mukhang natakot talaga sila sa pagbabanta mo."
I smirked. Ilang linggo na ngang maganda ang disposisyon ni Solace. Wala na ako nakikita pang mga pasa sa kaniya dahil halos hindi na nga daw siya nilalapitan ng mga tao sa bahay nila. Dapat lang. Mabuti naman at nagtanda na ang mga iyon. Akala ko'y kailangan ko pang daanin sa dahas.
"Punta tayo sa inyo!"
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. She smiled at me.
"Anong gagawin natin do'n?" tanong ko.
"Hang out? Watch movies or anything. Ayoko pang umuwi, e. Wala rin namang pakialam 'yong mga tao sa bahay kung umuwi ako o hindi." Natawa siya.
Napailing-iling ako.
"Our house is not safe for you, Lacey."
Fact. Our mansion was very dangerous for an innocent person like her. Explosive weapons were there. Drugs were there. Our men were also surrounding at every corner. Nakatago man ang mga droga't armas sa tagong-tagong parte ng mansyon ay hindi pa rin ako komportable na naroon siya.
BINABASA MO ANG
The Death of Solace
General Fiction[NOW AN ACTUAL BOOK. Published under Immac Printing and Publishing House] A soothing world was what Quillon Marqueza has been aiming to have. His life has always been chaotic ever since he was born. Soulless. Dull. Disarray. But when he met Solace...