Chapter 26

2.7K 122 68
                                    


SINURI ko nang mabuti ang cellphone sa loob ng transparent plastic na iniabot sa akin Martin. It was just a simple android phone. I opened the plastic to examine it better. It was off, so I had to turn it on. Kinabahan pa ako na baka hindi ito bumukas ngunit nang umilaw ay nakahinga ako nang maluwag.

Una kong binuksan ang Messages. Wala akong nakitang kahit ano sa Inbox man o sa Sent Messages. Tiningnan ko naman ang File Manager at napabuntong hininga na lamang ako nang wala ring makitang kahit isang picture doon.

Nang buksan ko ang Messenger ay tanging pangalan ko lamang ang naroon at ang pag-uusap namin kanina. Napailing-iling ako at dismayadong ibinalik kay Martin ang cellphone.

We were able to trace the location of the phone that was used by that ‘Solanna Montelibano’ to chat me. We found it in an abandoned lot in Ilagan, Isabela — the same place where we found the bloody dress and ID of Solace more than a year ago.

Just who the fuck messaged me earlier? Was it a prank? But… how the hell was that person got Solace’s bracelet? Bakit nasa kaniya ‘yon?

Gusto kong maniwala pero sadyang nakakapagtaka lang. Kung talagang alam no’ng nag-message sa akin kung nasaan si Solace, dapat ipinakita niya — dead or alive! Who knows if the bracelet got stolen from Solace? Baka pinag-trip-an lang ako ng siraulong magnanakaw na ‘yon.

Muli akong napatingin sa cellphone na hawak ni Martin. Nakakapagtaka rin kung bakit parang ginamit lang ang cellphone na ‘yon para i-chat ako. Pagkatapos gamitin ay itatapon na lang dito? Bakit kailangang itapon? Natunugan ba ng siraulong iyon na pupuwede kong ipa-trace ito?

Kung nanti-trip lang ito, bakit kailangan niyang matakot kung sakaling matunton namin siya? Bakit kailangan niyang magtago?

Napasapo na lamang ako sa aking ulo dahil sa dami ng tumatakbo sa isip. Basta, ang tanging paniniwalaan ko ay hangga’t wala akong nakikitang bangkay, hinding-hindi ako maniniwalang patay na siya. Kahit ilang taon man ang lumipas.

Nagpatuloy ang paghahanap namin kay Solace hanggang sa malapit na akong magtapos ng kolehiyo. Sinubukan pa naming hanapin kung sino ang nag-mamay-ari no’ng cellphone na ginamit sa pag-chat sa akin ngunit bigo kami. Halos nalibot na nga namin ang buong Isabela ngunit wala pa rin kaming napala.

Ang pulisya ay matagal nang tinigilan ang kaso. Naibasura na lang iyon dahil walang namang reklamo. Hindi rin nila napatunayan kung si Solace ba ang may kinalaman sa krimen. Hindi ko alam pero mukhang nawalan na ng interes ang mga awtoridad tungkol doon dahil ilang taon na ay wala pa rin silang nakukuhang lead.

Samantalang ako, heto, patuloy na naghahanap kahit pagod na.

Minsan… naiisip kong sumuko na lang. Pakiramdam ko ay wala naman nang patutunguhan ito. Paulit-ulit lang kasi akong nabibigo.

May mga kaibigan nga ako na palaging nandiyan upang bigyan man lang ng kaunting saya ang buhay ko pero kapag mag-isa na lang ako… hindi na ako masaya.

Hindi ako matahimik. Hindi ako makaramdam ng kapayapaan.

Palagi ko siyang naiisip. Hanggang ngayon… mahal ko pa rin siya. Kahit ang sakit-sakit na.

*****

“Saan ang punta niyo, Pa?”

Hapon nang dumating ako sa bahay galing eskwelahan. Naabutan kong abala na naman ang iilan naming mga tauhan sa paglalagay ng mga bala sa kani-kanilang mga baril. Si Papa ay mukhang malalim ang iniisip.

“Pa,” ulit ko dahil baka hindi niya ako narinig.

Napakurap-kurap siya at saka pa lamang nagbaling ng tingin sa akin. Bumuntong hininga siya at inihanda na rin ang mga armas niya.

The Death of SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon