Chapter 5

3.3K 136 16
                                    


NAKANGITING mukha ni Solace ang bumungad sa akin pagkapasok ko ng classroom kinabukasan. Hindi ko sinuklian ang ngiti niya at nagdire-diretso lang paupo sa tabi niya.

"Good morning, Quillon!" masayang bati niya.

Yuyuko na sana ako sa desk para umidlip dahil wala pa namang teacher ngunit hindi natuloy dahil lumapit ang mukha niya sa akin upang titigan ako. Napaatras tuloy ang ulo ko.

"Ano ba!" reklamo ko.

"Bakit ang lalim na naman ng mga mata mo?" inosente niyang tanong habang naniningkit ang mga mata.

Kinunutan ko siya ng noo. "Stop annoying me. Umagang-umaga, ha?" saway ko.

She pouted and her eyes narrowed more.

"You look on drugs."

I sarcastically smiled. I really did take one pack last night. Mabuti at hindi naman pala siya ganoong kainosente para hindi mahalata iyon. Naririnig niya rin siguro sa iba iyong mga usap-usapan tungkol sa akin.

"Yes, I am. At wala kang pakialam doon."

Sinimangutan niya ako.

"Quillon, masama 'yon!" mahina niyang sabi at lumingon sa paligid. Mas lalo siyang lumapit sa akin. "Paano na lang kapag nahuli kang gumagamit no'n? What will happen to your future? And it has a bad effect to your mind and body--"

"Tsk! Shut up! Mind your own business!"

"Pero--" hindi niya na naituloy ang sasabihin dahil dumating na ang teacher namin.

Nagpa-quiz ito sa amin ng ten items pagkatapos ay pinag-exchange kami ng mga papel para ma-check-an ang sagot ng katabi namin.

Solanna Cecilia Montelibano

Muli kong nabasa ang buong pangalan ni Solace. Pati penmanship niya ay kilalang-kilala ko na. It looked so girly and in a very elegant font. Sobrang linis nitong tingnan kumpara sa sulat-kamay kong malalaking letra lahat at Italicized.

"Five over ten. You still passed, Quillon! Yehey, I'm so happy!" tuwang-tuwa niyang ibinalik sa akin ang papel ko.

Nginiwian ko ang kasiyahan niya. Nang sumapit ang lunch ay nagmamadaling lumabas ang mga kaklase ko upang pumuntang cafeteria. Nakita ko iyong kaibigang nerd ni Solace na naghihintay sa kaniya sa labas.

"Quillon, let's eat! You wanna come with us?" tanong ni Solace.

Umiling lamang ako at nagtuloy-tuloy sa labas. Nilagpasan ko iyong kaibigan niya na nag-iiwas ng tingin sa akin na para bang takot. Sarap suntukin.

"Solace, 'wag ka ngang sasama ro'n. Alam mo namang basagulero 'yon, hindi ba?" rinig kong bulong nito

"Hindi, Jerome. Mabait naman 'yon si Quillon kapag nakakausap. Medyo aloof lang."

Hindi ko na narinig pa ang protesta ng tangang nerd na iyon dahil bumaba na ako ng hagdan. Maya-maya'y napalingon ako nang marinig ang medyo malakas na boses nito.

"Solace, saan ka pupunta? Kumain na tayo!"

"Susunod ako, wait lang! May sasabihin lang ako kay Quillon!"

Umiling-iling ako at nagpatuloy sa pagbaba. Ilang sandali lang ay nasa likod ko na siya at sinusundan ako.

"Quillon, where are you going to eat? Sabay na tayo!"

Kumunot ang noo ko at inis siyang nilingon.

"Hindi ba't sabay kayo no'ng weirdo mong kaibigan? Stop following me!" masungit kong pagtataboy sa kaniya.

The Death of SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon