Chapter 17

2.6K 117 15
                                    


MAHIGPIT kong hawak ang kamay ni Solace habang papunta kami sa aking sasakyan. Hindi ko na muna kailangan ang driver ko ngayon dahil muli kaming magde-date ni Solace. Papa knew that I was going to be home late again. After that night wherein he met Solace for the very first time, mas lalong lumala ang mga pagbibilin niya.

Lagi niyang iniisip na isa itong distraksyon para sa akin. Na isa itong sagabal sa mga plano niya para sa akin. Ngunit kailanman ay hindi ko siya pinakinggan. Mahal ko si Solace at kailangan niyang tanggapin iyon.

“I have something for you,” sabi ko nang makapasok kami sa sasakyan.

Nilingon ko ang backseat at inabot ang box na naroon. It was color pink — her favorite color and it had a red ribbon. I handed it to her and she giddily accepted it. She untie the ribbon and opened the box immediately.

“Wow!” parang bata niyang reaksyon.

Wala sa sarili akong napangiti habang pinagmamasdan ang reaksyon niya.

“You like it?”

“Yeah! Thank you!” She threw her arms on me to hug me tight.

I chuckled. Bumitiw siya sa yakap at masayang pinagtitingnan ang mga naroon. The box contained different candies and chocolates with pastel-colored labels. I decided to buy her a box of that since I remembered that she had a heart for everything that is colorful.

Ikinabit ko na ang seatbelt niya at minaniobra na ang sasakyan. Habang nagda-drive ako ay kumakain siya ng mga matatamis na ‘yon. Minsan din ay inilalapit niya ito sa akin upang matikman ko.

Sa kalagitnaan ng pagda-drive ko ay tumunog ang cellphone ko na nasa dashboard. I slowed down while answering the call. It was my assistant.

“Señorito, nakatanggap kami ng tip na sinusundan ka ng mga tauhan ni Alonzo ngayon. Nahuli lang sila ng dating kung kaya’t ilang kilometro pa ang layo nila sa ‘yo ngayon. Hindi namin alam kung paano ka nila na-track. Patuloy na nagbibigay sa amin ng update ang iilang mga tauhan natin na nauuna sa pagsunod sa kung nasaan ang sasakyan mo ngayon.”

Umigting ang panga ko sa paliwanag ni Martin. Humigpit ang hawak ko sa manibela at napatingin kay Solace na kumakain pa rin ng tsokolate hanggang ngayon at nakatanaw sa bintana. Sunod kong tiningnan ang rearview mirror. Wala pa akong nakikitang sumusunod na sasakyan.

“Tatlong minuto na lang ang layo ng mga tauhan ni Alonzo sa ‘yo, Señorito. Ang dalawang sasakyan ng mga tauhan natin ay limang minuto pa.”

Tumalim ang tingin ko sa daan habang patuloy na nagmamaneho.

“Sabihan mo silang bilisan anag pagmamaneho upang maunahan ang mga lintik na ‘yon. Hindi maaaring mag-isa kong kalabanin ang mga iyon at isa pa… kasama ko si Solace.”

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglingon sa akin ni Solace.

“Masusunod po.”

Pinutol ko na ang tawag at mas binilisan ang pagmamaneho.

“Is there a problem?” Solace asked.

Muli kong iniangat ang matalim kong mga mata sa rearview mirror. Sa malayong distansya ay may nakikita akong papalapit na sasakyan. Bumilis ang paghinga ko kasabay ng mas lalo kong pagbilis sa pagpapatakbo.

“Quillon, you’re speeding too much!”

“I’m sorry, baby, but I have to.”

“What—” nasundan iyon ng tili nang bigla kami makarinig ng mga putok ng baril.

Although this car was a bulletproof, I couldn’t be too overconfident, especially that I was with Solace!

“Who are these people?!” mangiyak-ngiyak na tanong ni Solace habang nakatakip sa magkabilang tainga.

The Death of SolaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon