"Anak? Are you all done?" Anang Mommy pagkatapos kumatok ng tatlong beses sa pintuan ng kwarto ko.
"Yes, Mommy! Give me a minute! Susunod na po ako sa baba," Sagot ko habang inaayos ang nakabraid kong buhok.
"Alright, anak.." Aniya saka ko narinig ang footsteps niyang palayo sa aking kwarto.
Muli kong pinasadahan ng tingin ang aking sarili sa full-length mirror sa kwarto ko. I wore a simple shirt dress na below the knee na tinernuhan ko ng sandal na regalo sa akin ni Daddy sa nakaraan kong 11th birthday.
Nang makuntento ay dali dali na akong bumaba sa glass na stair case ng aming bahay saka dumiretso sa malawak na garahe kung nasaan naghihintay ang aking Daddy at Mommy.
Daddy approached me and gave me a big hug, "Good morning to my baby! Do you like my gift?" He said, napatingin ako sa suot kong sandals at masayang tumango sa kanya.
"Sobra, daddy. Thank you!" I kissed his cheeks saka ako pumasok na sa sasakyan.
Araw ng Linggo ngayon at papunta kami sa simbahan para umattend ng Morning Mass, pagkatapos ay kakain kami ng lunch sa restaurant at magshoshopping! Ganoon ang naging kaugalian ng aking maliit na pamilya.
Nagiisa lang akong anak. I'm actually a miracle baby. Limang taon nang kasal ang aking mommy at daddy nang naging anak ako. Kaya naman nasa akin ang lahat ng pagmamahal nila. They sent me to a prestigious school, they buy what I need, they shower me gifts. I am blessed to have a comfortable life. Hindi kasi lahat ng kasing edad ko ay nabibiyayaan noon.
"Where do you wanna eat after mass, anak?" Tanong ni Daddy habang nakatingin sa akin sa rearview mirror ng sasakyan.
"Up to you, daddy.. I just want light meals," Sagot ko habang nakatingin sa ganda ng dinadaanan. I am always amazed by large buildings and structures but I am always calmed by the green trees and landscape.
"Light meals? Are you in diet? Bata ka pa para mag diet, anak.." Sumulyap si Mommy sa akin.
"No po, mommy.. I'm not hungry po kasi, I eat a lot during breakfast.." Paliwanag ko naman.
Tumango tango siya. "You should eat more okay? Hindi maganda ang payat sa ganyang edad," Kumento naman ni Mommy, sinangayunan ko iyon at tahimik na nagmasid nalang.
Nakarating kami sa isang matayog na simbahan na palagi naming pinupuntahan. Dito kami dumadalo ng simba tuwing Linggo. Solemn ang lugar na ito at kabisadong kabisado ko na dahil mula pagkabata ay dito na ako dinadala nina Mommy.
Daddy opened the door for me. He even held my waist to support me saka hinawakan ang aking kamay para dalhin sa loob ng simbahan.
I smiled before entering. I will forever be thankful because the Lord has given me a happy family and a loving parents.
Nang makapasok ay maraming bumati kay Daddy, kay Mommy at pati na din sa akin dahil kilala ang pamilya ko sa syudad dahil ang Lolo ko ay isang kilalang Mayor dito noong kapanahunan niya.
"Is this that little child before? Ang laki niya na!" Anang isang lalaki na nasa mid 40s.
My mom smiled, "Yes, Pancho.. This is our daughter, Faith.." Aniya saka nag bend para lebelan ako. "Bless ka kay Tito Pancho, baby." At agad ko namang ginawa iyon pagkatapos ay nginitian siya.
"Nako you should really guard her when she grows up, Oliver! Bata palang ay napakaganda na!" Ani Tito.
I can't hide my smile. I'm overwhelmed by his simple compliment for me, ngunit nakakahiya lang dahil paano kung pumangit ako sa pagdaan ng panahon?
BINABASA MO ANG
spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]
General FictionAugustine Throne Buenvenidez grew up devoted to his responsibility as the heir of their company. He was wise and passionate to his goal, and it was to solve the case of the past. Until he met Faith Cuerva, a graceful, kind, soft-spoken girl to every...