21

1.9K 80 59
                                    

Halos isang oras pagkatapos ng tawag ni Gust sa akin, ay natanaw ko na ang kanyang sasakyan na pumapasok sa malawak na gate namin. Tumakbo kaagad ako sa kwarto para tingnan ang itsura.

"Faith! Nandito na si Augustine!" Sigaw ni Manang mula sa baba.

One swift look on my vanity mirror and I'm all good. Nagpalit na ako ng sweatshirt at dolphin shorts. I don't know where we're going but it's cold outside and my dress isn't appropriate.

Nang makababa ako ay nakita ko agad si Gust na tahimik na nakaupo sa sofa habang ang mga kasambahay ay busy sa pagaayos ng mga gamit sa labas. Mommy entered the living room with an awe upon seeing Gust there.

"Happy New Year, Tita!" Sinalubong siya ni Gust ng yakap.

Binati din siya ni Mommy at saka nginitian, pagkatapos ay nalipat ang tingin ni Momny sa akin. "Eto ba yung pinagpaalam mo kay Oliver?" Natatawang tanong ni Mommy. Tumango naman doon si Gust.

"Yes tita, hindi naman po kami magtatagal. We'll just celebrate," Ani Gust.

"Celebrate what? Monthsary?" Kunot noong tanong ni Mommy sa kanya na naging dahilan ng pagbilis ng paglakad ko.

"Anong monthsary ka dyan, Mommy?" Natatawa kong tanong saka bumaling kay Gust para batiin ito.

"Eh bakit may pagcelebrate kung walang icecelebrate? Kayong dalawa, ha! Naku!" Ani Mommy na may nalalaman pang pagkurot sa braso ni Gust. Tinawanan iyon ni Gust.

"We'll celebrate New Year, Tita.." Natatawang paliwanag ni Gust.

Suminghap si Mommy nang maananigan ang pagpasok din ni Daddy sa living room.

Binati din siya ni Gust, saka nagsalita si Mommy."Sus! Kung popormahan mo ang anak ko, pwede naman, basta ba't magpaalam ka!"

"He always have my permission, Lai," Ani Daddy. Napasulyap lamang ako sa kanya saka ngumiti.

Naginit ang pisngi ko gawa noon. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nilalagyan kami ng kulay ng mga tao sa paligid namin gayong wala naman! We just became close lately, somehow, in both ways, we enjoyed each other's company.

Hindi na rin nagtagal ang pang-aasar ni Mommy dahil umalis na din kami. Inside the car, we are both silent. Dinama ko nalang ang panonood sa makulay na daan, naputol lamang nang may naaalala ako.

"Buti hindi ka sinundan nina Max?" Tanong ko.

He pouted his lips and quickly gazed at me, "I made sure they're busy before I sneak out,"

"Sure ka, hindi ka nila napansin?" I asked.

Ano ba 'tong ganap namin ngayon? We're like in a secret relationship! Tumatakas sa mga taong kuryoso sa aming dalawa!

He nodded, "Sanay na silang nasa kwarto lang ako pagkatapos ng party,"

"Bakit ba ayaw mong malaman nila? Wala naman tayong ginagawang masama. Ako lang 'to, Gust," Sabi ko.

Natawa siya. "Ikaw yan. They won't think twice to dig about us,"

"I don't think they care?" Opinyon ko. Kumunot ng noo niya.

"Max is nosy, same with Tana. Sien is curious with my life after breaking up with my ex-girlfriend. Bet with me, kung malalaman nilang wala ako sa bahay, hahanapin nila ako," He chuckled a bit.

"Hindi naman ako ibang tao, ha! Why keep me a secret? This is not something else.." Kibit balikat ko.

Huminga siya ng malalim. "Drop this one, Faith. Normal sa kanilang magulat kung malalaman nilang umalis ako. They'd be curious," He said.

spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon