25

1.9K 67 90
                                    

Safe enough with bodyguards around us, Richela and I were able to land safely. Pagkarating palang sa airport, kita ko na ang mga taong may hawak ng camera at kaliwa't kanan kaming kinukuhanan ng pictures.

Of course, after two-almost-three long years, the daughter of Nicolai Ledesma and the heiress of the Cuervian Intelligence is back from the United States of America. It was still a good publicity despite of the traumatic past we had there... that few only knows.

Sa madilim na nakaraan na 'yon, sinikap ng security ng aming pamilya pati na din ang management ni Mommy na walang lumabas na balita. Though, people were curious of our sudden unknown whereabouts, kinlaro nalang ng team nina Mommy na nagmigrate kami doon, mag li-lie-low muna sa showbiz si Mommy, at babalik nalang kapag mag de-debut na ako.

Kaya siguro ganito kadami ang naghihintay sa amin. Because me going back to this country means, Nicolai Ledesma's comeback to the Philippine TV. And of course, the sea of opportunities and offers for me, that I still decline up to this time.

My father's men escorted us to the exit kung nasaan nagiintay ang isang itim SUV, at dalawang heavily tinted na kotse sa likod. May mga bodyguard doon na hindi ko kilala, hindi din pamilyar sa akin ang mga sasakyan so I am sure that this isn't our car, and these men are not my Father's.

Tiningnan ko sa aking tabi ang bodyguard ni Daddy na kilala ko at siyang umescort sa amin simula palang pagkababa sa eroplano.

"These aren't my dad's men, I'm sure.. Sino ang mga ito?" Tanong ko sa kanya. His lips pursed. Hindi ko kita ang reaksyon dahil sa kanyang suot na shades.

"They are Buenvenidezes men, Miss Faith." Sagot niya na nakapagpaagaw ng atensyon ni Rich. Tila nagulat din siya nang hawakan niya ang kamay ko at ramdam ko ang panlalamig nito.

"Bakit sila ang maghahatid sa amin?" I asked.

The bodyguard sighed, "They are also incharge of your security together with us. Sila po ang bahala sa security sa daan, habang kami naman po ay sa security ninyo sa bahay at sa iba pang lugar,"

Nanliit ang mga mata ko sa kanya. Nakabukas na ang pintuan ng SUV at naghihintay nalang silang pumasok kami.

"Who are you?" Harap ko sa bodyguard. Mukha pa siyang nasindak at medyo namutla dahilan kung bakit hindi agad nakasagot kaya inulit ko. "What's your name?"

"T-Topher po, Miss." Aniya at tumango naman kaagad ako saka walang pagaalinlangan na tumalikod upang bumalik sa lobby ng airport.

Agad naman akong sinundan ni Rich at maging ang mga bodyguard na nasa likod ko ay naalarma. "Huy, gaga! Saan ka pupunta?"

Kasunod noon ang pagsasalita ng isang bodyguard din ni Daddy, "Miss. Kailangan niyo na pong umuwi."

I put my index finger up to stop him from speaking, "I will call my daddy first. I don't trust their men." Ani ko.

"This is quite suspicious.. Bakit mga tao nila ang maghahatid sa atin?" Anang Rich. Nagkibit balikat ako.

"Kaya nga tatawag ako kay Daddy." Sabi ko saka dire diretsong pumasok na sa lobby.

I immediately dialed daddy's number, mabuti nalang at may nakahanda na agad na cellphone sa akin pagkadating palang namin dito, bilang request ko.

"Oh, Faith! Thank God you called! Are you home?" Bungad ni Daddy.

"Nasa airport pa kami, dy."

"Ha? Bakit?" Naguguluhan niyang tanong.

"Daddy, bakit mga tao ng Buenvenidez ang nandito? Are our men not enough for our security? And aren't they the one liable for the threats years ago?" Diretsang tanong ko.

spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon