28

2K 77 97
                                    

Hinilot ko ang sentido ko habang binabasa ang contract na ito. This is a one-year modelling and endorsement contract for their top brand. Gustuhin ko mang magsisi ay wala na din naman akong magagawa dahil narito na ito sa harapan ko at napirmahan ko na.

But this is better right? Sa isang taon na pagttyagaan ko, alam kong marami din akong mapupulot na impormasyon tungkol sa mga nangyari noon. I would earn too. I could help different charities and I could build up my own business.

Isa pa, hindi ako naniniwalang kung tinanggap ko ang offer niya na maging date ako sa fashion show ay doon na matatapos, at lalong imposibleng sa iisang araw na 'yon, makalap ko lahat ng kailangan ko!

He'll definitely just use me for his own selfishness! At may girlfriend siya! Alam ko! Akala niya madadala ako sa ganoon pero nagkakamali siya!

I am a grown-up woman.

Hindi niya ako mauutakan.

"Anong nakain mo at tinanggap mo ang offer na 'yan, hija?" Tanong ni Tita Annie.

Nakita ko ang pagpipigil ng tawa nina Mommy at Ate Hani na kasama ko ngayon sa office ni Mommy sa bahay namin.

I sighed frustratingly. No one knows what's behind this contract, not even my bestfriend, Caius. Tanging ako lang at si Gust ang may alam.

"My secretary will send the contract personally tomorrow morning." Simpleng sagot ni Gust nang sabihin ko ang biglaang desisyon ko.

"Ano ang kapalit ng pirma ko, kung ganoon?" Matapang kong tanong sa kanya.

He smirked and lousily set back from his seat. "Everything you want to know."

"Ano pa?"

"The people involved. Everything."

"Why can't you just tell everything right now? Sino ang mga 'yon?"

"We're talking businesses here. You can't just take everything you want. Sign the contract and I'll tell you."

"Mahal ang oras ko."

"Handa kitang bigyan ng oras kahit magkano pa 'yan."

I pressed my lips upon what he said. Ramdam ko ang tambol ng puso ko dahil sa sinabi niya. Ilang taon na ang lumipas, ganito padin?

Mali 'to. May girlfriend yung tao.

I sighed. "And?" I said, composing myself.

Kumunot ang noo niya, "And, what?"

"That's all that I could get from you?"

"Isn't that enough? That's all you need." He lazily said.

Umiling ako. "Your apologies. You owe me a lot, Augustine." I said, saving my pride. Pero sa halip na pumabor iyon sa akin ay parang lalo lang niya akong nainsulto sa tawa niya.

"I owe you, what? Which one?"

"You played with me. To fish informations, to gain my trust. You even two-timed me! Paasa!"

I suddenly pressed my lips. Sinabi ko iyon? Sinabi ko! What happened to my walls suddenly? Bakit ang kumportable kong magreklamo sa kanya ngayon?

This is insane. Just minutes ago, I completely dumped him, and now I am demanding for an apology!

Tumawa lang siya lalo, "I never did that and we were not a thing, Faith. You were still a kid, and still are."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Woah at these sudden turning tables! At talagang ininsulto niya ako!

spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon