20

2.1K 83 178
                                    

"Which one?" Tanong niya habang hawak hawak ang dalawang long sleeves na polo. The one is in a darker shade of navy blue, and the other one is a greyish blue.

I hold my chin and imagined him wearing the two. Gwapo naman siya sa kahit anong suot niya. But I prefer him in dark colors, bagay sa kanyang soft at supladong mukha.

"The navy blue is better," I said. Tumango naman siya iniabot na iyon sa store assistant, habang ako naman ay ginuide ng isa patungo sa sofa.

"Ma'am, bagay kayo ni Sir! Nakakakilig ang chemistry niyo kahit bata ka pa!" She giggled.

Kumunot ang noo ko, "Nako, Ate.. Magkaibigan lang kami, kuya ko lang po yan," Sagot ko.

Bahagya siyang naguluhan sa sagot ko, "Ay akala ko ay kayo Ma'am! Bagay pa naman kayo!"

Umiling nalang ako bilang sagot saka dumiretso na sa upuan, habang si Gust ay nagtitingin pa ng iba pang casual na shirt.

"Kung tumingin kasi si Sir kay Ma'am.. Iba eh.." Pabiro niyang sabi, nginitian ko nalang siya dahil hindi ko alam ang dapat na sagot doon.

Pagkatapos namin maglunch sa mall, sinamahan ko siyang mamili ng mga regalo para sa kanyang pinsan pati nadin ang kanyang susuotin para sa kanilang Family Year-End party.

Well, the wall between us is tight. Para kaming nagpapakiramdaman pareho sa kung anong gagawin o kung sinong magsasalita. In my case, I didn't initiate. Siya ang nagyaya nito kaya siguro dapat lang na siya ang kikilos kung gusto naming magusap.

Wow, Faith. I never thought you have that pride? Samantalang noon, ikaw palagi ang bumubuhay ng usapan and now the tables have turned.. He's initiating.

Well, sinama niya lang naman ako dito dahil maganda raw kasi ang taste ko sa gifts.. Parang kilalang kilala niya ako, eh hindi ko pa nga siya nareregaluhan, no!

"Saan mo pa gustong pumunta? May gusto ka bang bilhin?" Tanong niya habang hinihintay niyang iprocess ang mga binili niya.

He handed his black and gold credit card sa cashier. The cashier drifted her eyes to him, kitang kita ang pagkamangha sa kagwapuhan ng kasama ko.

Tumayo ako mula sa sofa at dahan dahang lumapit sa kanya. Itinuon niya ang kanyang kamay sa counter top ng cashier, almost locking me to place. Bahagya namang tumikhim ang cashier, napatingin ako sa kanya at nagiwas siya ng tingin.

"Wala... Ikaw may gusto ka bang puntahan?" I asked. I don't know why I sound soft, para akong nanlalambing gayong hindi naman!

"Movie theater?" He asked.

Manonood kami ng sine, ganoon ba? Hindi ba't masyadong magmumukhang date 'to eh hindi naman dapat?

"Mamimili ka pa ng regalo para kay Caius at Ate Sien," Paalala ko, pasimpleng pagtanggi sa anyaya.

He sighed and pinched his nose, "Oo nga pala," Aniya. Hindi ko na siya sinagot dahil naging busy na din siya sa pagkuha ng dalawang paper bag ng pinamili niya.

"Do you have an idea of what can I give to Cai?" He asked while we're walking freely at the mall. May iilan siyang nakasalubong na kakilala niya sa school, at sa tuwing babatiin siya, nilalapit niya ako sa tabi niya, habang ako ay gustong gusto umiwas. Ayaw kong makita kaming ganoon.

"Last year, I gave him a customized and personalized drumsticks, this year, wala pa akong idea.." I said.

Tumango siya, "And you gave Max a personalized dog tag? That's so sweet of you," May bahid ng sarcasm ang sinabi niyang iyon.

"Well, they're my friends.." Sagot ko.

"Kaibigan mo din ako ha? Pero hindi mo ako niregaluhan," He said coldly.

spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon