"Did you skip your class?" He muttered after a long while. Kung kailan na nasa malawak na highway na kami ay saka lang siya nagtanong.
I sighed a bit and bite my lips. I was about to attend a career talk for one of my subjects, hindi naman required iyon kaya siguro ay pupwede ding umabsent... at pakiramdam ko, mas magandang desisyon ang samahan siya, kaysa umattend doon at magkunwaring nakikinig.
"I didn't." Sagot ko.
"Masama ang nagsisinungaling, Faith," Utas niya saka biglaang bumaling sa akin.
Kumunot ang noo ko doon, "I won't lie if I did.. Career talk lang 'yun at hindi required.." I honestly answered and he nodded, hindi na siya nagsalita kaya labis ang katahimikan ng buong byahe namin.
Ngayon ko lang napansin na bagong gupit ang kanyang buhok. Unlike his usual clean cut, faded na iyon ngayon, mas mahaba ang tuktok at nakabrush up ngunit para bang may sariling linya ang kanyang buhok na kusang nahahati sa gitna. It suits his blue eyes and thick well-shaped eyebrows. Ang kanyang buhok ay nagdagdag ng appeal sa suplado niyang mukha.
I can even praise him all day everyday because of that beauty. Nga lang, it's not the proper time to glorify him. I'm not even in the right place to do so.
"Call your parents and tell them you're with me," Panibagong basag niya sa katahimikan. Hudyat din para bumalik ako sa huwisyo. Suminghap nalang ako at dahan dahang tumango.
I almost forgot to update my parents, and even Drew! Sa sobrang paglipad ng aking isipan sa pagaalala sa lalaking kasama ko ay nawala na sa isip ko ang iba pang taong magaalala sa akin kung sakali.
I looked at my watch and found out that it's passed 1pm. Alam kong busy sina mommy at daddy sa kanilang trabaho kaya naman nagtext nalang ako sa kanila para sabihing kasama ko si Gust samantalang alam ko namang wala pang klase si Drew sa oras na iyon kaya tumawag nalang ako.
After three rings, he answered. "Yes, Faith? Hindi pa ba start ang career talk?" He asked.
"Drew.. Wala na ako sa school.. May pinuntahan ako.." I said. Halos mapasigaw ako nang biglaang pumreno si Gust. Napatingin ako sa kanya at nakakunot na ang noo niya.
"I told you to call your parents not your suitor." Parang kulog ang boses niya nang sabihin niya iyon. Napadilat naman ang mata ko dahil sa pagkagulat ngunit mas nanaig ang kaba sa akin sa dahilang baka narinig ni Drew iyon... at hindi nga ako nagkamali.
"Who are you with? Sino 'yun? Boses ng lalaki yun—"
I cut him off before he could even conclude, "Kasama ko si Gust, okay? Nothing to worry about.." I uttered. Suminghap naman siya sa kabilang linya.
"Okay, saan ba kayo pupunta?" He asked.
Napatingin ako kay Gust, nahuli niya ang tingin ko at napaiwas din naman kaagad ako. Honestly, I don't know where we're going! Sumama lang ako sa kanya at hindi ko alam kung bakit ko naman ginawa!
"Siguro... sa mall.... Baka may bibilhin siya.." Sagot ko.
That is my own conclusion and hypothesis, therefore I didn't lie at all, okay! Gosh, Faith! Why are you suddenly so guilty? Wala lang naman ito hindi ba? Wala lang!
"Bakit kailangan pa niyang magpasama kung may bibilhin lang pala?" Mariing tanong ni Drew sa akin. Napapikit ako at hindi ko al ang isasagot ko doon.
I am the one who chose to go with Gust, he did not forced me at all. Ayokong mabaling ang inis ni Drew kay Gust gayong ako naman ang nagdesisyon noon.
BINABASA MO ANG
spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]
General FictionAugustine Throne Buenvenidez grew up devoted to his responsibility as the heir of their company. He was wise and passionate to his goal, and it was to solve the case of the past. Until he met Faith Cuerva, a graceful, kind, soft-spoken girl to every...