Bakas ang ngiti sa aking mga labi paglabas ng simbahan. Agad yong napansin ni mommy nang bumaling siya sa akin bago kami pumasok sa sasakyan.
"What's making my baby smile?" She asked me.
Nagkibit balikat lang ako at pinigilan ang sariling ngumiti. "Wala lang, mommy.. Diba sabi mo ay palagi akong ngumiti dahil nakakaganda iyon?" Ani ko at tinanguan niya naman.
Pumunta kami sa isang restaurant na malapit lang dito sa simbahan. May reservation doon si daddy kaya pagdating namin ay nakahanda na ang mesa.
I examined the place, fancy at puno ng mga business men. Katulad sa simbahan ay may iilang kakilala din sina Mommy doon kaya naman nakipagbatian sila.
"I have an urgent meeting for the management, do you want to come with me?" Tanong ni Mommy sa akin pagkatapos ilapag ng waiter iyong desserts.
"Sure, mom." I said.
Tutal ay bakasyon naman, naisipan ko ding paunlakan iyon. Wala naman akong gagawin sa bahay dahil lately ay wala na akong gana maglaro ng dolls or anything.. Mas nahihiligan ko nalang ngayon ang pag enhance sa pag-ppiano ko at saka pagbabasa ng libro.
Hinatid lang kami ni daddy sa building kung nasaan ang office ng handler ni mommy. Kahit ang linggo ay para sa pamilya, mayroon talagang pagkakataon na kailangan nilang magtrabaho or umattend ng meetings.
We entered a conference room, agad akong binati ng team ni mommy na kakilala ko din at dati'y kalaro ko pa.
"Hello, Faith!" Bati sa akin ni Ate Beth, siya iyong personal assistant ni mommy na tuwing may mga photo shoots.
"Hi, Ate Beth!" Ani ko sa kanya saka siya niyakap.
"We haven't seen you here lately, Faith, mabuti at sumama ka sa mommy mo, I missed you!" Hinalikan naman ako sa pisngi ng make up artist ni mommy.
"I missed you too, Ate Hani," I said and smiled.
"Nako, dapat sa batang ito, binibigyan na din ng projects!" Ani Ate Beth.
Umiling iling si mommy saka ako giniya sa swivel chair doon sa conference room, "I don't think she wants a spotlight, but if she'll change her mind, talagang ipapasok ko siya s industrya!" Ani mommy.
"Ayaw mo ba Faith? Marami kang opportunities sa showbiz," Ani ng direktor ng management na ito.
Nagkibit balikat ako, "I don't think I could be as great as my mom," Sagot ko.
"Bakit mo naman naiisip yan, Faith? You're so beautiful! Hindi ka pa artista o model pero kaya mo nang pantayan ang mga bihasa na sa larangang ito," Ani ng direktor.
I smiled shyly at him, "Thank you for the compliment po.. I might think of it when I grow up.. For now, I just really want to study." Sabi ko.
Dahil iyon talaga ang pangarap ko. In a young age, with both parents who are really successful in their lives, gusto ko ding maachieve ang mga pangarap ko sa buhay. I know I'm too young to dream of my future, but I was born this way. I was taught to seek for my goals and achieve it afterwards.
Alam ko, ang ibang batang kasing edad ko ay mas pipiliing tumakbo kasama ang mga kalaro, maglaro ng bahay-bahayan, o kung ano ano pa pero para sa akin, kaya ko namang pagsabayin iyon. I can enjoy my life now and I can enjoy my life too later. It's a matter of priorities and contentment, at sa buhay kong ito.. I'm more than contented. I'm already happy.
BINABASA MO ANG
spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]
General FictionAugustine Throne Buenvenidez grew up devoted to his responsibility as the heir of their company. He was wise and passionate to his goal, and it was to solve the case of the past. Until he met Faith Cuerva, a graceful, kind, soft-spoken girl to every...