36

2.3K 87 341
                                    

"Faith Cuerva is said to be engaged with a bachelor-business tycoon from a wealthy family."

"Nicolai Ledesma's only daughter is engaged?"

"Know more about the heir of the Buenvenidez"

"Who is Augustine Buenvenidez"

"Faith Cuerva, pregnant or not?"

"What the fuck?" Gulat na tanong ni Rich nang basahin ang ilang headlines ng balita. Kalat na kalat nga ang picture namin ni Gust noong araw na nakita kami sa labas ng building nila.

Umupo siya sa kama ko habang nag-aayos ako. Ngayong gabi kasi ang dinner namin kasama ang pamilya ni Gust.

"Sobrang fit ng damit mo dito, paanong buntis?" Inis na tanong niya.

"Hayaan mo na, ganyan talaga ang media.." Sagot ko sa kanya.

Nilapag niya ang iPad sa kama at lumapit sa akin saka kinuha ang kamay ko na may engagement ring, "Magkano kaya 'to?"

Inagaw ko agad ang kamay ko at sinamaan siya ng tingin, "Ewan ko sayo," Iling ko sa kanya.

Natawa nalang siya at bumalik sa pagkakahiga sa kama, "Hindi padin ako makapaniwala, Faith. Engaged ka na kaagad," Aniya.

Natawa ako at tumayo papunta sa walk-in closet para mamili ng susuotin. It's just a simple formal dinner in a restaurant. Ngayon palang din maghaharap harap ang pamilya namin pagkatapos ng ilang taon.

"Parang kailan lang..." She trade off.

"Ano?" I asked.

"Wala, miss mo lang... Tapos ngayon.. Hay, nahuhuli na ata ako, kailangan ko na din magcatch up," Biro niya.

Natawa ako sa kanya, "The right man will come,"

Suminghap siya, "Yes, pero sa ngayon, kapag nag ka anak ka na, I will spoil my godchild!" Masaya niyang sabi.

"Matagal pa 'yon!" mariing sabi ko.

"Hindi ka sure! Malay mo? Don't tell me you still didn't do "it"?" She suddenly asked.

I know what she means.

"No," I said.

"What the fuck? Ang bagal!" Utas niya doon.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at inirapan, saka kinuha na ang isang simpleng white off-shoulder fitted dress. Hanggang sa itaas iyon ng tuhod. I will pair it with a silver stiletto. Hahayaan ko naman ang straight kong buhok na nakalugay.

"Ganda! Sexy!" Ani ni Rich pagkatapos kong lumabas sa walk in closet na nakabihis na. "Idol ko na si Gust!" Tawa niya.

Hinampas niya pa ng mahina ang pwet ko.

"Para 'tong tanga," Irap ko sa kanya bago umupo sa harap ng vanity table.

Tawa naman siya ng tawa habang lumalapit sa akin. She helped me straighten my hair. Sinabit niya ang magkabila sa likod ng tainga ko.

"Ang ganda mo, lalabas ka na naman sa balita mamaya," Tawa niya ulit. "Ipagdadasal ko talaga si Gust ngayong gabi!"

Napailing nalang ako sa kanya at tinitigan ang sarili ko sa salamin. I didn't really did a full face make up. Simpleng blush on, light na eye shadow at pulang lipstick lang ang nilagay ko sa mukha ko. My eyebrows are in a perfect arc kaya hinighlight ko nalang 'yon at hindi na masyadong ginawa.

Nang makuntento sa itsura ay bumaba na kaagad ako. Naghihintay na agad si Mommy at Daddy sa akin. Mom is wearing a simple elegant red designer dress while Daddy is in his black long sleeves and black coat.

spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon