"Just make sure to be home at 4pm, anak.. Didiretso tayo sa headquarters mamaya." Bilin ni Daddy sa akin, umaga ng sabado.
Nagpaalam kasi ako na pupunta ako kina Cai ngayong araw dahil gusto niyang tulungan ko siya sa paglalapat ng tono sa ginawa niyang kanta.
"Yes, dad.. Baka si Drew po ang maghatid sa akin pauwi." Sabi ko saka siya hinalikan sa pisngi.
"Okay, mabuti naman. Nasa pool area ang mommy mo, dumaan ka na muna doon." Ani Daddy saka tinapik ang aking likod.
Tumango naman ako doon at lumabas na sa kanyang office para dumiretso sa pool area kung nasaan nag su-sun bathing ang aking Mommy. She's lying on the lounger just with her black bikinis on.
"My.." Tapik ko sa kanyang braso. Nagmulat naman kaagad siya at umayos ng upo.
"Paalis ka na? Kina Cai ka lang naman diba?" She asked and I nodded. "Okay.. Take care!" She kissed me, pagkatapos ay umalis na ako doon para magpunta sa garahe.
Naroon na si Kuya Luis at pinagbuksan niya na kaagad ako ng pintuan sa passenger seat ng aming SUV. I thanked him after.
"Kuya, you don't have to fetch me later.. Drew will drive me home.." I said.
Tuwing magkikita kami ni Drew, o hindi kaya'y na kina Caius kami, madalas ay sila na ng kanyang driver ang naghahatid sa akin pauwi. Mabuti na din iyon dahil nakikita na din mismo ni Daddy ang kanyang intention.
Isa pa, roadtrips with him are actually one for the books. Hindi kami nauubusan ng napaguusapan, mapa academics man o music pa lalo na't pareho din naman naming hilig iyon. He seems so interested with keyboards, and while I'm interested into bands lately so we help each other out, iyon ang bonding namin.
And I won't deny it, but I'm happy whenever I'm with him, I enjoy his company, I am used to seeing him almost everyday, but there are still things that I'm seeking to feel whenever he's with me.
"Sige po. Magtext nalang po kayo sa akin kung may kailangan." Ani ni Kuya Luis.
Mabilis kaming nakarating kina Caius. Katulad noon, hindi ko na pinapapasok sa gate si Kuya Luis. Bumababa na ako sa tapat at maglalakad papasok doon kina Caius dahil maganda at masaya maglakad sa pathway nila.
Malayo palang ay rinig ko na kaagad ang hampas ng drums sa studio ni Caius. Maybe the door is open dahil sound proof naman iyon, at hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko na agad doon si Drew na naghihintay sa akin.
He smiled widely and walks towards me para salubungin ako. Sinalubong niya ako ng yakap at ganoon din ako.
"I haven't seen you for a week!" He said as he pulled out from the hug.
"I'm sorry! Nagenjoy kami sa Vietnam, eh.. Hindi tuloy ako nakapanood ng first gig niyo.." I pouted.
Dahil semestral-break ngayon, sinulit na namin nina Mommy na magtravel dahil kailangan din naming umuwi para sa undas at isa pa ay nagkaroon ng urgent call si Daddy mula sa headquarters kaya kailangan niyang umantabay sa buong linggo. It is also the reason why we have to stay at the headquarters in Rizal for the rest of the week until Undas.
Ayon kay Daddy, malaki ngayon ang problema sa politika dahil noong nakaraan lang, bago kami biglaang umuwi galing Vietnam ay may kumalat na balitang may nahulihan ng illegal drugs sa NAIA, at ang tinuturong may gawa noon ay isang tao sa politika. They have to monitor and set intelligence to know who the boss is, kaya kailangang nakaantabay si Daddy sa quarters.
BINABASA MO ANG
spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]
General FictionAugustine Throne Buenvenidez grew up devoted to his responsibility as the heir of their company. He was wise and passionate to his goal, and it was to solve the case of the past. Until he met Faith Cuerva, a graceful, kind, soft-spoken girl to every...