“Regarding on your final output for my subject, I want you to make a Qualitative Research Paper. This is an individual project and this will cover the 50% of your grade. 25% for the written output, and 25% for your performance task. Understood?" Ms. Romero discussed.
Classes just resumed today at may paganito na kaagad. Mabuti nalang talaga at naenjoy ko ang Christmas Break at medyo nakapaghanda ako sa pagdagsa ng schoolworks lalo na't may accreditation ang buong university kaya lalong magiging busy ang mga teachers at professors.
"I will give this whole period for you to think of a topic and a title for your research. If I approved it, you may now start the whole chapter one," Aniya saka umupo na sa upuam sa harap.
I heard my classmates murmuring to each other, silently ranting about the task given to us. Nanatili naman akong tahimik at nagtiwala nalang sa sarili na kaya ko 'yon.
"You have any ideas?" Caius asked beside me. Nagkakamot na siya ng ulo ngayon na tila ba nahihirapan sa topic.
"Wala nga.." Mahina kong sambit.
Ginulo niya ang kanyang buhok at inilabas ang phone. "Magpapatulong nalang ako sa mga pinsan ko. I'm sure they did something like this when they were in Junior High.." He said.
"Buti ka pa," Ani ko. Tinaasan niya ako ng kilay at binalingan.
"Patulong ka sa crush mo," Seryoso niyang sabi. Sinimangutan ko siya at umiling.
Ngumisi siya at tila hindi naniniwala sa pag-iling ko. Alam niya nga pala kung sino ang crush ko! Ang lakas nito mang-asar, ah?
"Ingat ka doon, may bago na 'yon," Natatawa niyang sabi sa akin.
Alam ko, duh? Akala niyo nga ako eh.. Oh baka ako talaga? Charot!
"And?" Mataray kong tanong sa kanya.
Umiling iling siya, "Sinasabi ko lang na delikado ang mga taong galing sa break up.." Aniya.
"Ano namang kinalalaman noon sa bago niya?"
Tumawa siya saka binaba ang cellphone. "Baka naglalaro, tapos isa ka sa mapaglaruan.." Nagkibit balikat siya.
I doubt that. Hindi naglalaro ng babae si Gust. Lalong lalo nang hindi niya ako paglalaruan. Besides, we're so okay, I trust him so much, na kahit ano pa atang sabihin ni Caius, hindi magbabago ang pananaw ko dito.
"Don't take it badly, Faith.. Concern lang ako sa'yo. Bakit pa kasi pinsan ko, madami namang iba dyan?" Tanong niya.
"Bakit bawal ba kapag pinsan mo?" Sulyap ko sa kanya, nakataas ang kilay. He looked a bit worried.
"Hindi naman.. Ang hirap lang kumampi. I am torn between being your bestfriend and being his cousin," Aniya.
"I can handle Cai," Ngiti ko sa kanya.
Tumango siya at umismid, "Sabagay.. You two are so close!" Para siyang nag compliment tungkol sa lovelife ko.
"Hindi naman.. Sakto lang.." Ani ko.
"I have a friend who saw you two at the mall days before Christmas.. Lumalabas kayo? Kilala mo yung bago niya?"
Kilala ko yung sarili ko Caius.. Kung ako nga ang bago niya na tinutukoy niyo.
"Nagpasama lang siya sa akin mamili ng regalo. The poetry book he has given you was actually my idea," Ngiti ko sa kanya saka binuksan ng phone para magtingin ng messages doon.
My phone vibrated continuously, medyo naagaw noon ang atensyon ng katabi ko kaya medyo hinarangan ko ngunit nang lumabas ang sunod sunod na notification ng messages at nakitang lumitaw doon ang pangalan ni Gust ay agad kong pinatay ang phone bago pa masilip ni Cai.
BINABASA MO ANG
spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]
General FictionAugustine Throne Buenvenidez grew up devoted to his responsibility as the heir of their company. He was wise and passionate to his goal, and it was to solve the case of the past. Until he met Faith Cuerva, a graceful, kind, soft-spoken girl to every...