"Sa orchestra ka pala hindi sa band," Ani Caius habang tinitingnan ang list ng members sa bulletin board.
Tumango ako sa kanya saka inayos ang strap ng backpack ko. "Sa band ka ba?" I asked. He nodded and pouted aftewards. "Masaya ba doon?" dagdag kong tanong.
Binaling niya ang tingin niya sa akin saka dahan dahang ngumiti, "Yes! Gusto mo bang sa band nalang? I can talk to our coordinator If you want," Aniya.
It makes me a little too curious. Sa limang taon sa club na ito, palagi akong nasa orchestra at nagrerecitals. I'm kinda interested with the band before but I really had no guts.
Huminga ako ng malalim. There's nothing bad with trying. Besides, Caius is there, hindi naman siguro ako ma o-out of place?
"Mababait ba ang mga tao doon?" Gusto ko ding makasigurado.
Humalakhak siya saka ginulo muli ang buhok ko, "Yes, mostly are my friends," Sagot naman niya.
"Pag-iisipan ko," I smiled at him. Kumunot ang noo niya at napabuntong hinga.
"Eh? Akala ko naman decided ka na," He said. Saka tumalikod na sa bulletin board, at napatingin sa mga taong lumalabas sa Quarters ng PEP Squad. "Samahan mo ako sa cafeteria," Aniya saka nauna nang maglakad.
Kumunot ang noo ko sa kanya at walang nagawa kung hindi ang sumunod, malalaki ang hakbang niya kaya naman halos hingalin ako papalapit sa kanya. Napansin niya naman kaagad ako kaya tumigil siya para intayin ako.
"Ang bilis mo naman maglakad!" Sabi ko.
"Hindi ako mabilis maglakad, mabagal ka lang talaga. Tara na!" Sabi niya naman.
"Are you in a hurry?" I asked and grabbed his arms, maiiwan niya na naman ako kung hindi pa ako kakapit sa kanya.
Tumango siya at saka kami sabay na pumasok sa elevator. Students in our batch looked at us. Napatungo ako at napabitaw sa braso niya.
Dali dali din kaming nakarating sa cafeteria, humanap kaagad siya ng upuan naming dalawa pagkatapos ay napatingin sa may cashier, "I'll order! Anong gusto mo? My treat!" He smiled widely.
Muli ng kumunot ang noo ko sa kanya. Mapapagalitan ako ni Mommy nito. Maaga akong magkakawrinkles dahil sa pagkunot ng noo ngunit hindi ko maiwasan dahil sa kasama ko ngayon.
"I don't want someone to pay for me, eh." Sagot ko sa kanya.
"Treat ko nga! Minsan lang ako mangtreat! Bilisan mo na magdecide!" He said.
Huminga ako ng malalim at napailing. "Baked Mac and dark chocolate shake," Binigay ko iyong card ko na para sa cafeteria na merong tokens. Sa halip na abutin niya ay tinalikuran niya ako.
Okay! He's really treating me for recess!
Pinanood ko lang siya hanggang sa makisalamuha siya sa dagat ng estudyante doon, people greet him and he just nodded. May mga nakipag apir sa kanya, tinatanggap niya ang iba ngunit ang ilan ay hindi. Mayroon ding mga matang nakatitig at pinapanood siya katulad ko.
Something is with this guy. Charismatic at head-turner ang itsura.
Nang makuha ang order ay lumapit na kaagad siya sa akin. May mga tumawag sa kanya na sinulyapan niya lang. Ni hindi siya nagtanong kung bakit siya tinatawag.
"Let's eat!" He smiled, widely. Naupo siya ng prente sa aking harap habang ako ay balisa sa mga matang nakatingin sa amin. I am so intimidated right now!
BINABASA MO ANG
spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]
General FictionAugustine Throne Buenvenidez grew up devoted to his responsibility as the heir of their company. He was wise and passionate to his goal, and it was to solve the case of the past. Until he met Faith Cuerva, a graceful, kind, soft-spoken girl to every...