8

2K 89 81
                                    

A smile plastered on my face as I enter our house. Wala pa nga sina mommy roon pero naghihintay na ang mayordoma ng bahay na si Manang Linda. Naroon din ang iba pang kasambahay na abala sa paglilinis ng bahay.

"Sino ang sumundo sa kanya, Edgardo?" Ani Manang Linda sa guard na gumiya sa akin sa loob.

"Iyong apong lalaki po ni Mr. Buenvenidez. 'Yong sakristan po." Ani ni Kuya Egardo.

Tumango lang si manang saka kinuha rito ang aking backpack. Nang makalapit si manang ay agad ko naman siyang nginitian. Bakas sa mga mata niya ang kaba, kaya naman mas nilawakan ko ang aking ngiti para ipakita sa kanyang okay naman ako.

"Naku, mabuti nalang at nakita ka roon ni Augustine! Nastuck sa traffic si Luis, ang ibang driver naman ay nasa kumpanya." Aniya habang ginigiya ako paakyat sa aking kwarto.

Pinagbuksan niya ako ng pinto para maunang pumasok, habang siya naman ay dumiretso sa CR para ayusin ito.

Umupo ako sa aking vanity table para agarang tingnan ang itsura ko na kanina ko pa naiisip habang nasa byahe pauwi. Mabuti at maayos padin ang buhok ko at hindi ako mukhang stress kanina. Dahil paano kung stress na ako tapos ang tagal naming magkasama ni Gust, nakakahiya siguro iyon..

"Ayos lang po, manang.. Mabuti nga po ay nakita ako ni Gust, tinulungan niya din ako sa mga inaayos ko." Sabi ko habang hindi pinapakawalan ang itsura sa salamin.

"Mabait talaga yung binatang iyon, ano? Kahit sa simbahan, likas sa kanya ang pagkamatulungin," Aniya. My heart skipped a beat. Yes, manang.. You're right. That's why I looked up to him.

I smiled at her, "Sina mommy po ba pauwi na?" Pagiiba ko ng usapan. Not that I don't wanna hear good things about him... it's just that I don't want anyone to think that I have witnessed everything about Gust's doings.. kahit totoo naman talagang pansin ko lahat at alam ko ang tingin ng lahat sa kanya.

"Baka gabihin pa 'yon, Miss. Pati ang daddy mo, ang alam ko kasi ay nasa campo ang daddy mo para ihatid ang mga delivery ng armas na inimport pa," Sagot ni manang habang busy sa pagkuha ng robe at tuwalya sa aking cabinet na gagamitin ko sa paliligo.

My daddy handles the company my Lolo built. We have a huge connections in the army because my grandfather was a 2nd Lieutenant in his time. At ang binuong business ni Lolo na isang private military company ay siyang nagpprovide ng trainings, services and expertise para sa private authorities, minsan kahit mga governmental securities ay sa kumpanya namin kumukuha.

Karamihan sa mga businessmen, sa company namin nagrerequest ng agent. We provide the best men for those security jobs. Habang ang iba't ibang kampo naman sa buong Pilipinas, sa amin din kumukuha ng mga armas at tao na din. Kaya malaki talaga at kilala ang pangalan ni Daddy maging sa gobyerno, this is also the reason why he's quite busy recently. Malapit na ang eleksyon at marami ang nangangailangan ng doble dobleng proteksyon.

Growing up, I have accepted my name to be known publicly, to be put in this society, pero madami ding pagkakataon na natatakot ako sa seguridad ng aming pamilya dahil sa business na 'to at dahil sa koneksyon ni Daddy. Maging sa field ng mommy ko, she's a public fugure too, madaming mata ang nakatingin. Madaming pupwedeng mangyari, kaya talagang hindi matatanggal sa akin ang kabang ito.

But, the good thing here is that, with the protection and guidance of my parents, with their good deeds, with their humble heart and helping hands, I am assured that I am living in a safe world.

"Hindi mo na muna pinapanhik si Augustine dito, sana'y niyaya mo nang maghapunan para may kasabay ka," Ani Manang Linda  saka iginiya ang CR.

spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon