Gaya ng napagusapan, isinama nga kami nina Ate Tana sa kanilang roadtrip. Ang SUV ni Ate Sien ang dinala namin na siya na din ang nagdrive.
It was very spontaneous to the point na pati si Mr. Viticus ay wala nang nagawa kung hindi ang pumayag. Even my parents were worried kaya ipinakausap nalang sa kanilang Abuelo.
It was a cold breezy night in Tagaytay. Mabuti nalang at may spare silang jacket dahil hindi naman kami nakapaghanda roon ni Rich.
We drove for just an hour to reach this coffee shop that was built on the cliff of the city. Over-looking iyon at kita ang mga ilaw sa nayon.
Masayang bumaba din ng sasakyan si Ate Sien. May ngisi pa sa labi habang pinaglalaruan ang susi ng sasakyan.
Humalukipkip naman ako sa sobrang hangin. Ganoon din si Rich. Ngunit kahit pa sobra na ang lakas ng hangin ay patuloy niya padin akong inaasar kay Drew at sa nangyari pagkatapos ng event.
Sinilip ko ang cellphone ko at binasa ang iilan niyang text.
Drew:
Enjoy tonight! I hope I was there with you.
I pouted a bit. Kahit naman magandang kasama siya ay hindi naman ata nasa akin ang desisyon dahil niyaya lang din ako dito. Maybe next time? Magpapaalam ako kina Mommy.
Ako:
You too! Magkikita naman tayo sa Monday, eh.
Drew:
Kahit pa. I miss you already!
Nireplyan ko iyon ng appropriate na sagot pagkatapos ay nagpaalam na muna sa kanya para makasali sa kwentuhan ng magpipinsan.
"What's with that face, Sien?" Gust asked nang makalabas din ito mula sa shot-gun seat.
"Wala! Masaya lang ako dahil walang epal ngayong gabi!" Ani Ate Sien saka naglakad na papunta sa loob ng coffee shop.
Max and Ate Tana went down together, while Kim is walking with Rich, mukhang may pinaguusapan, at si Caius naman ay kasabay ko.. and Gust? I don't know. Maybe on his phone with her girlfriend.
"'Wag mo munang sasagutin si Drew, ha! Baka mamaya pressured ka lang kaya ka napapayag," Cai muttered as he walked beside me saka ako inakbayan.
Tumawa ako doon, "I like him, Cai.. But of course, I still want to be courted. Isa pa ay kailangan ding dumaan iyon kina Mommy.." I said.
Tumango siya, "And we're still too young.. Unless he'll wait til you're legal, right?"
Maybe because we're really too young. Compared to Max and Gust na parehong 18 na, at may isip na sa relasyon, ang edad naming ito ay wala pa... or maybe it's not about the age after all.
"I can feel he's serious, Cai.. He'll wait.." I said.
"He better wait. Kung hindi, I'd raise hell at him. Pinagkatiwala kita sa kanya, aba!" I laughed at him. Sumimangot lang siya at umiling ako nalang ako. "I'm not joking here, Faith. Ang corny nito pero I value you so much and I want you to have only the best ones in the world."
He smiled at me, hindi ko napigilan ang sarili kong mapayakap sa kanya. How could I get so lucky to have a friend like Cai and Rich, right? Na sa mundong ito, swerte na talaga kung tutuusin ang magkaroon ng mabubuting kaibigan.
The long day is worth to be remembered. Sobrang haba ng araw na iyon at napakadaming nangyari. Halos inabot na din kami ng madaling araw sa Tagaytay, talking about life and random stuffs about school and the career we're taking.
BINABASA MO ANG
spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]
Narrativa generaleAugustine Throne Buenvenidez grew up devoted to his responsibility as the heir of their company. He was wise and passionate to his goal, and it was to solve the case of the past. Until he met Faith Cuerva, a graceful, kind, soft-spoken girl to every...