15

1.9K 66 30
                                    

Para akong nililipad sa alapaap buong byahe namin patungo sa head quarters. Ni hindi ko makalap ang sarili ko pagkatapos ng lahat ng nangyari kina Caius.


We've been travelling for hours yet my heart is still rapidly beating. Kahit ilang beses kong aluin at iwasang isipin ang sinabi ni Gust sa akin ay hindi padin ako makakalma. Not that i'm hoping for more but I think it's too much to handle!



He's the only person who could control my senses. Siya lang ang nakapagpakaba ng ganito sa akin, kahit pa sa mga mata ko'y imposible iyon, na pakiramdam ko, ayaw niya lang na masasaktan ako dahil masyado pa akong bata. Iyon lang ang tanging dahilan noon, I should stop over-thinking!



He remained silent after I spoke. Nakatingin lang siya sa akin, blangko katulad ng mga mata niya noong nagkasagutan sila ni Ate Sien. He's so deep, I can't even read him.



"Try me, Faith. Let me hear it." He said after few minutes. Ang mga mata niya'y nakatuon sa akin kaya naman binaling ko sa iba ang mga mata ko.



Wala padin sina Caius doon, nasa loob padin sila ng bahay, at halos mainip na ako dahil hindi ko na halos kinakaya ang mga ganitong oras na kaming dalawa lang. Ayokong sanayin muli ang sarili kong hinahanap ang presensya niya. I'm doing good now, I don't want any unnecessary feelings.



"Why would you want to hear it? Hindi naman mahalaga 'yon," I said, convicing him. Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya kaya ngayon, nakatingin nalang ako sa aking sapatos.



"Because I don't want to be indifferent. I am never your choice when it comes to your life. Wala akong alam tungkol sayo." He uttered. Napatunghay ako sa kanya.



Nanuot ang kaba sa aking dibdib. What does he mean by that? Anong walang alam? Nagkakakwentuhan naman kami noon, ha? But as far as I remember, I only tell him good things.. Common information... Pero ganoon naman talaga ako, even Cai and Rich doesn't know too much of me, because those uncommon informations about me are my feelings for Gust.. Iyon lang naman ang sikreto kong hinding hindi ko masasabi sa kahit sino.



"You know a lot of things about me.." I chuckled, pinipigilan ang kaba sa dibdib. "Palagi kaya akong nagkukwento sayo.." Ani ko.



"Oh?" He laughed with sarcasm, "I don't even know why do you suddenly entertain suitors. Nagulat nalang ako nang pumayag ka sa kanya."


Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. What about it anyway? Sarili ko kayang desisyon iyon. Of course I said yes because I don't want to cage myself with the thought of him!



Huminga ako ng malalim at saka bumaling sa kanya, "I like him.. That's why I let him.." I said. Iyon ang pinaka safe na pupwede kong isagot sa kanya ngayon.



"That's it?" Kunot noo niyang tanong. Tumango naman ako.



"He's a good guy..." I shyly said. How awkward it is to praise someone infront of my ideal man? the man of my dreams?



Tumango siya. "He better be. Dahil kung hindi..." He trailed off. Naghuramentado ang nararamdaman mo nang putulin niya ang sinasabi niya.



Tiningnan ko siya. Nakakunot padin ang noo at suminghap ng ilang beses saka kinagat ang labi. Parang ayaw niyang magsalita.



"Dahil kung hindi?" Tanong ko. Umiling lang siya.



Ano 'yon? Bibitinin niya ba ako ng ganito? Ni ayaw na nga kumalma ng puso ko tapos hindi niya pa itutuloy 'yon?!




"Ano, Gust?" I said, frustratingly.. Sana hindi niya dama 'yon. I don't know now but I am dying to hear him talk... and this is not good.



spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon