"That little girl won't like you. Mukha ba iyang nasa stage na ng crush? She looks like she's still playing in her little playground," Bigkas ni Rich habang nakatambay kami sa soccer field kung nasaan naglalaro ang mga 4th grade.
"I'm not asking for your opinion, Rich." Tamad na sabi ni Caius sa aking katabi.
Eventually, we three became closer. Noong una, ayaw ni Caius kay Rich dahil hindi niya feel ito ngunit sa nagdaang mga buwan na palagi at araw araw kaming magkakasama ay hindi na din naging imposibleng maging close sila lalo.
"Okay, shut up. Taray mo na naman," Ani Rich saka sumubo ng tuna sandwich.
"Cause i don't like you," Sagot naman ni Caius sa kanya.
"I don't like you, either. Kung hindi ko lang bestfriend si Faith, hindi ako magtitimpi sayo," Malditang sagot ni Rich.
"I'm her bestfriend!" Sigaw ni Caius saka pumakla ang mukha dahil sa amoy ng tuna sandwich ni Rich. He hates fishy smells.
Bago pa man sila magkainitian ay gumitna na ako, "Calm down! Pareho ko kayong best friend!" I said.
Iyon nga lang ang kinasanayan ko, since we three became closest, wala atang araw na hindi sila nagpikunan. Caius will bash Rich, Rich will argue with Caius. That became the cycle of my daily life with them... and me? Ako ang bouncer.
"Whatever," Singhal ni Caius.
"Whatever din, Cai! Daig kita dahil alam ko ang recent secret ni Faith!" Sabi naman ni Rich.
Anong secret iyon? Wala akong natatandaang secret na sinabi sa kanya!
"Secret? Since when do you keep it away from me, Faith?" Humarap sa akin si Caius.
Nagkibit balikat ako, "Wala akong maalala!" Sabi ko saka nagiwas ng tingin at pinaglaruan ang stress ball ko.
Suminghap si Rich sa akin saka humilig para bumulong. "'Yung crush mo na nakita natin noon sa gate!" Bulong niya.
Nasapo ko ang noo ko nang maaalala iyon! Napakawrong timing naman kasi! Hindi talaga pupwedeng malaman ni Caius iyon dahil obvious na kilala niya.
Naglalakad kami noon palabas sa school. It's an early cut off of classes because of the faculty meeting. Madalas ay hindi namin nakakasabay si Caius kapag ganito dahil may practice siya.
"Kilala mo ba si Morpheus?" Tanong ni Rich out of nowhere. Sino iyon?
Umiling ako sa kanya, "Hindi.. Ka year-level natin?" I asked. Siya naman itong umiling.
"Hindi! Grade 9 na!" Aniya. "Hindi mo siya kilala? Sayang naman," She uttered.
"Bakit, sino ba siya?" Tanong ko saka umupo sa waiting area. Sumunod naman siya.
Ginala ko ang mata ko sa malawak na parking space ng aking school. Unti unti na itong napupuno ng mga service, school bus at private car dahil dismissal na.
Pinanood ko ang pila ng sasakyang papasok at may nakita doong pamilyar na sasakyan. Nanuot ang mumunting kaba na nakasanayan ko na tuwing linggo.
Iyon ang sasakyan ng pamilya ni Gust. Sigurado ako doon dahil may mga pagkakataong nakikita ko siyang doon dumidiretso pagkatapos ng misa. Sayang nga at hindi nakakatabi ng aming sasakyan iyong kanila. Edi sana, nakikita niya ako.
"Oh my!" Sigaw ni Rich saka tinakpan ang bibig. Maputi siya at kitang kita ang pamumula ng kanyang pisngi. "Sa lolo ni Max 'yang sasakyan na paparating!" Sabi niya saka itinuro ang itim na Grandia.
Sasakyan din ni Gust iyon ha? Don't tell me Gust and the guy Rich's fantasizing about are just the same person?! Ngunit imposible dahil hindi Max ang pangalan ni Gust!
BINABASA MO ANG
spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]
General FictionAugustine Throne Buenvenidez grew up devoted to his responsibility as the heir of their company. He was wise and passionate to his goal, and it was to solve the case of the past. Until he met Faith Cuerva, a graceful, kind, soft-spoken girl to every...