Puno ang buong field ng mga booths at mga estudyante na sinusulit ang University Week. The booths are handled by college students and some senior high-school students. Madaming pakulo ang iba't ibang booth at nakahalera ito ayon sa kanilang classifications.
There are food stalls, game booths, boutiques at kung ano ano pa, at sa dami ng estudyante, sobrang nabuhay ang buong university. Idagdag pa doon ang nakahalerang events na gaganapin tonight and on the following days.
Sa tatlong taon ko sa school na ito, ito ang pinaka inaabangan ko palagi taon taon dahil ito ang pinaka siesta time ng mga estudyanteng katulad ko. Required man kaming pumasok sa school araw araw ay hindi naman mabigat sa amin gayong naeenjoy din namin ang iba't ibang activities dito.
Katulad ngayong araw, tapos na ang Sports Competion sa complex at inaayos na ang stage sa field na pag-gaganapan ng Music Festival mamayang gabi. Of course, all the bands inside the campus are required to participate. Isa na doon ang Chivalry na band nina Caius.
Nandito kami ngayon ni Rich sa mga benches na pupwedeng tambayan ng mga estudyante sa gilid lamang ng malawak na field. Busy siya sa kanyang cellphone dahil hula ko'y may katext na naman ito.
"Do you find Ross attractive?" Baling ni Rich sa akin habang ako ay napadungaw sa cellphone ko at nagtitingin ng iilang messages galing sa random na mga lalaki.
"Bandmate ni Cai?" Tanong ko.
Tumango tango siya at kita sa kanyang pisngi ang pamumula nito, "Yes.. Cute siya 'no?" Tanong niya ulit.
Napailing nalang ako sa kanya saka siya hinarap. "Subsititute na ba yan kay Max?" Asar ko sa kanya.
Umirap siya sa kawalan na naging dahilan ng pagtawa ko. I know how long she's been into Max. Bago pa kami maging magkaibigan, isa na siya sa sumusubaybay sa buhay ni Max at ang marinig sa kanya ang ibang pangalan ng lalaki ay labis na nakapagpatuwa sa akin. Finally, huh?
"No! Of course Max will always be my ideal guy.. But then, Ross has been consistent for me since Grade 8... Hindi ko lang siya pinapansin dahil na kay Max ang atensyon ko,"
"So you're telling me that Ross has your attention now?"
Tumango naman siya at ngumiti saka sumipsip sa kanyang Milk Tea.
"Isang taon ka na niya ngang nililigawan, ngayon mo lang siya tinanong sa akin," Ani ko.
"Narealize ko lang na Grade 9 na tayo at hindi padin ako nagkakaroon ng boyfriend! Samantalang si Max, naka sampung palit na ata ng babae ngayong taon? Ang unfair naman ata noon!" Singhal niya saka humalukipkip.
"For compliance na ba ngayon ang pagboboyfriend, Rich?"
Both of us stunned upon hearing that baritone voice. Ako dahil nagulat na may sumulpot na boses, at si Rich naman dahil kilalang kilala niya ang boses na iyon.
Sumimangot si Rich sa kay Max na ngayon ay umupo na sa kanyang tabi, katapat ko.
"H-Hindi, ha! I am starting to like Ross and I think it'll be better if I'll make him my boyfriend, right? Para malaman ko kung paano siya sa relasyon.. Kung seryoso ba o katulad mo lang na naglalaro?" Matabang na sabi ni Rich kay Max.
I can smell bitterness in her words. Hindi ko siya masisi dahil talaga namang playboy si Max, madaming naging babae.. Pili sa lahat ng umaligid sa kanya, at sa kasamaang palad... Hindi niya kailanman pinili si Rich dahil bata pa ito. Even when we're on 9th Grade and Max is a graduating student in highschool.
BINABASA MO ANG
spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]
General FictionAugustine Throne Buenvenidez grew up devoted to his responsibility as the heir of their company. He was wise and passionate to his goal, and it was to solve the case of the past. Until he met Faith Cuerva, a graceful, kind, soft-spoken girl to every...