Tumunog na ang bell hudyat ng klase sa panghapon. Itinabi ko na ang poetry book na kunwari kong binasa, habang si Gust naman ay iniintay lang ako mag-ayos ng bag. I can feel him looking at me pero iniwasan ko ang kanyang mata.
"You still have classes?" He broke the silence. Dahilan ng pagtingin ko sa kanya.
I smiled at him and nodded saka tumayo, "Yes.. Pero practice lang for our performance task." Sagot ko.
Tumango lang siya sakin saka kami sabay na naglakad palabas ng library. Several eyes darted on the guy beside me saka lumilipat ng tingin sa akin.
Is it new to them to see a Grade 10 with a Grade 7 student? Ano naman ngayon kung ganoon? O di kaya dahil may girlfriend siya?
Habang naglalakad ay nilingon ko siya, malapit na kami sa room niya pero ang mga mata niya ay nakatuon padin sa kanyang cellphone.
Ano kaya ang pakiramdam nang may katext, ano? I haven't experienced it yet. Maraming nagtanong ng number ko ngunit wala akong ni isang pinagbigyan noon dahil privacy ko iyon.
I loooked at him again, binagalan ko na ang lakad ko nang mamataan ang room niya. Lahat ng estudyante ay nagsisipasukan na sa kanya kanyang room kaya naman huminto ako pagkatapat sa pintong papasukan niya para makapagpaalam, pero nagulat ako nang hindi manlang siya tumigil sa paglalakad bagkus ay binalingan niya ako.
"Lampas ka na sa room mo," I uttered.
"I'll walk you to your room," He stated.
Kumunot ang noo ko doon, "Bakit? Kaya ko naman magisa.. Kung inaalala mo iyong lower years, sige hindi ko nalang papansinin." Sagot ko dahil iyon ang kanina niyang sinasabi sa akin.
Kumunot din ang noo niya saka umiling, "Pupuntahan ko si Caius. May kukunin ako sa kanya,"
My eyes widened. I almost dropped my jaw upon hearing him! What the? Masyado ba akong nahumaling sa kanya at masyado ba akong naglagay ng kulay sa mga sinasabi niya at sa concern niya sa mga lalaking iyon kanina?
Of course Faith! Ayan, sa sobrang lawak ng imahinasyon mo, akala mo ay may pakialam na siya ng todo sayo! Napahiya ka tuloy!
My face heated because of the sudden embarassment kaya nanahimik nalang ako habang naglalakad kami hanggang sa makarating kami sa room ko. Hindi naman niya napansin ang pagkabalisa ko dahil busy padin siya sa kanyang cellphone.
"Faith! Sa kiosk daw kayo magkita kita ng mga ka-group mo!" Iyon ang bungad ni Rich sa akin pagdating ko sa room, napatingin muna siya sa akin bago naglipat ang tingin sa lalaking nasa likod ko. Lumawak ang ngisi niya, "Hello, Kuya Gust!" Aniya saka kinawayan ito.
"Hi. Si Caius, nandyan?" Tanong ni Gust kay Rich samantalang ako naman ay pumasok muna sa room para ibaba ang bag ko.
Caius lazily get up from his seat. Inalis niya ang airpods sa kanyang tainga saka dumiretso sa pinto. Sumunod na din ako dahil balak ko nang pumunta sa kiosk.
For some reason, I don't want to have an interaction with Gust today. I still feel upset about his phone call with Mica at pati na din iyong pagkapahiya ko sa kanya. Hay, I feel like I'm getting sick.
"Huy, okay ka lang?" Rich poked me nang makalampas ako sa harapan niya.
I nodded at her and gave her a smile, "Oo naman, bakit?" Tanong ko.
Umiling iling siya, "Para kang lumulutang at wala sa sarili," Kumento niya.
Huh? Wala sa sarili? Hindi naman. Madami lang akong iniisip at hindi ko naman pupwedeng gawing sagot iyon.
BINABASA MO ANG
spring was gone | Buenvenidez Series #1 [COMPLETED]
General FictionAugustine Throne Buenvenidez grew up devoted to his responsibility as the heir of their company. He was wise and passionate to his goal, and it was to solve the case of the past. Until he met Faith Cuerva, a graceful, kind, soft-spoken girl to every...